Chapter 36

82 1 0
                                    

One Year Later

Masaya ako at nakabalik ako muli rito sa building na ito.I'm grinning ear to ear. Excited na makita ang taong matagal ko nang nais makita.

Deuce

It's been one year since I left him. Sinunod niya ang pakiusap ko sa kanya na wala kaming communication sa loob ng isang taon. Namiss ko siya nang sobra.

I felt helpless that time and anxious. Pakiramdam ko noon ay hindi ako nababagay kay Deuce. Doon ko lang naramdaman na malayo ang agwat namin. Dagdag pa noon na hindi ako nakalakad kay sobrang down na down ako.

Iniwan ko si Deuce noon dahil natakot ako. Natakot ako sa mga bagay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. I want him to live his life the way he should be. Hindi iyong parang nakatali na siya sa 'kin.

Pinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda. I am ready now. I took a deep breath before I entered the elevator.

Feeling ko may mga sampung kabayo na namang nagtatakbuhan sa puso ko sa pinaghalong excitement at kaba. I want to surprise him. I hope it's not too late to come back to him. I know he loves me and I miss him so much.

I asked him for space like what we needed that time. And now, I am ready to be with him again. Nagpagaling talaga ako para sa kan'ya bukod kina Lola syempre.

Napangiti ako pagbukas ng elevator and seeing everything still the same, nothing has changed.

Unti-unti nawala ang ngiti ko sa aking mga labi at napakunot ang noo ko ng makita ang hindi pamilyar na itsura ng babae na nakaupo sa labas ng opisina ni Deuce.

Bagong secretary ni Deuce? Where's Marie?

Lumapit ako sa dating desk ni Marie.

I cleared my throat first kaya napa-angat din ng tingin ang babae sa akin. She smiled. Hesitantly I smiled back to her.

"Hi. . uhmm. .Si Marie?" I curiosly asked.

"Ah, nilipat na po siya pansamantala sa kumpanya ni sir Marcus last week lang po eh. May kailangan po ba kayo sa kanya? Ako nga pala ang bagong secretary ni sir Deuce. I'm Ronalda, just call me Ron for short," magiliw niyang pagpapakilala.

Ronalda? Ang bantot ng pangalan pero ang gandang babae.

"Ah, wala naman. Nagtataka lang ako kasi wala siya," tumango-tango lang siya sa akin. "I'm actually here for Deuce. . . Deuce De Silva. Nandito ba siya?"

Kumunot ang noo niya. "May appointment po ba kayo sa kan'ya today Ma'm?" I shook my head. "Ah, kasi Ma'm, wala po siya ngayon. Naka-leave po siya. Family matters."

"Anong family matters? May nangyari ba?"

"Susunduin niya po iyong asawa niya ngayon kaya nagpaclear siya ng schedule today. Galing po ng-"

Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Si Deuce may asawa na!

"Asawa?" malakas kong pagkakatanong sa pagkabigla sa sinabi niya. She nodded. Nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

Tumayo siya at inalalayan ako paupo sa waiting area. " O-kay lang po kayo Ma'am?"

"Tell me it's not true. W-ala pang asawa si Deuce right? Kailan pa? Sino?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napahawak ako sa braso niya.

Nagtataka niya akong tiningnan. "Uhmm. . . Ma'am, hindi ko rin po alam, actually. Kakastart ko lang po itong week. Hindi ko rin po alam kung kailan siya nagpakasal at kung kanino. Basta, ang alam ko lang po, may asawa na siya."

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon