THEA
Hindi ko na mahihintay pa si Tanya na umuwi ngayong gabi. Seven o'clock pa lang, kating-kati na ang sarili ko na tadtarin ng tanong ang kapatid ko kung sino ang bruhang asawa ni Deuce!
Hindi ako maaring maghintay na lamang. Baka niloloko lang ako ni Deuce at pinagtitripan. Baka wala naman talaga siyang asawa. Baka naman si Ronalda, nagkamali lang ng dinig. Chismosa niya, kaya siguradong mali iyon. Isa pa, bago lang siya tulad ng sinabi niya.
Kanina ko pa tinatawagan si Tanya at tinetext pero talagang hindi ako sinasagot. Malilintikan talaga siya pag-uwi niya. Kaya ba pumayag si Deuce na hindi niya ako puntahan sa Baguio dahil kinasal na siya?
Nagpakipot lang naman ako ng sinabi ko sa kanya 'yon. Akala ko kasi hahabol-habulin niya ako, 'yon pala hindi. Ilang beses ko ngang sinubukan na tawagan siya at murahin dahil talaga naman, hindi makaramdam, parang hindi ako namimiss. Kailangan ako pa talaga ang magsasabi sa kanya na dalawin niya ako. Wala talaga sa sistema niya ang maghabol sa babae, asa pa ako!
Hindi na rin sinagot ni Dave ang tawag ko simula ng iwan ko siya sa restaurant kanina.
Ayoko na! Bahala na siya sa buhay niya. Paki ko kung may asawa na siya!
Nababaliw na ako kakaisip ko. Wala kasi si Lola, naiwan sa Baguio kaya hindi ko siya matanong. Palakad-lakad ako sa kwarto ko.
"Ayan ka na naman, eh! Tama na nga Thea, move on na! Pabayaan mo na siya. Maghanap ka na lang ng iba." Kausap ko sa sarili ko.
Sinabunutan ko rin ang sarili ko. "Gaga! Karapatan mong malaman ang totoo. For closure ba," sagot ko rin ulit sa sarili ko. Ito na naman ako, nababaliw na ulit.
"Magsaya ka na lang! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Move on! Move on!" kastigo ko ulit sa sarili ko.
Alam ko na, tama! Magsasaya ako. Pupunta na lang ako sa bar ni Dave. Ipapakita ko sa kanya kung ano ang pinakawalan niya. Maglaway siya sa akin. Kayang-kaya ko siyang kalimutan. Hindi siya kawalan. Kumbinsi ko sa sarili ko.
NAGMAMADALI akong nagbihis ng sexy na damit at pumunta sa bar ni Dave. Naglagay ako ng makapal na make-up. Nagpaganda ako para may mahanap agad ako.
Sigurado ka na ba Thea sa gagawin mo? Sigurado na! Magsasaya ako. Magpapakalunod ako sa alak. Makikita ng Deuce na iyon na hindi ako affected sa kanya.
Sa pag-iisip ko, 'di ko sinasadya na may nakabanggaan akong isang babae.
"Sorry," hinging paumanhin ko. Nahihiyang tumingin din ito sa akin at ngumiti.
"Ayos lang, kasalanan ko rin naman. Mag-isa ka lang?" tanong nito na kasabay ko sa paglalakad sa loob.
Kinakabahan akong nagtuloy-tuloy sa paglalakad dahil parang hindi ako papasukin ng bouncer.
"Ah, oo. Mag-isa lang ako."
"Anong ginagawa mo rito? Nagpaalam ka ba sa inyo?"
Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala.
Mukha ba akong menor de edad? Sa ayos kong 'to? Black party dress ang sinuot ko na may slit sa gilid, partnered with high heels. Damit ito ni Tanya, mahilig kasi siya sa sexy na damit. Kung nagkataon na makita ni Deuce, siguradong maghuhugis heart ang kanyang mga mata tulad ng sa cartoons. Ganito ang mga suot ng dinedate niya noon, iyong tipong labas ang kaluluwa sa sexy.
Pwes, makikita niya na kaya ko ring maghanap ng iba! Mas gwapo pa sa kanya.
"Magpaparty, ano ba dapat? Manunuod dito?" inis kong sagot.
Grabe! Baka magswiswimming ako rito teh sa bar?
Iniwan ko na siya para makasayaw na ako. Sigurado, kapag nakita ako ng mga kaibigan ni Deuce, sasabihin nila iyon sa kanya.

BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomansThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...