Kabanata 3
Pipiliin
"Kinikilig ka sa bare minimum?"
Tumitig si Yael sa video ng paborito kong international artist. Ang masama ay sa isang tingin pa lang niya'y tila hinuhugasan niya na ang buong pagkatao niyon!
"Don't judge his existence!" Saway ko bago iiwas ang hawak. "H'wag mo namang ipahalata na Director ka kaya't ganiyan ang ugali mo..."
Tumawa lang ang asawa ko. "Kinilig sa bare minimum..."
Sandali niya akong pinagmasdan bago ngumiwi. "There's nothing wrong with that," I defended.
"There is! At mali talaga na humanga ka sa ganoong galaw. Hindi lang 'yon basta simple, dapat talaga na makita iyon ng karamihan na natural." Sabay asik at umiling pa.
Minsan na nga lang ako makisabay sa ganitong uso sa panahon ngayon, hindi niya pa ako magawang suportahan na kahit konti. Full-support naman ako palagi sa mga pinaggagagawa kung... ano ang makapagpapasaya sa kanya... Sa trabaho, at... kahit sa bagay na iyon.
Palagi akong nakaantabay dahil kahit kailan, sa loob ng mahabang panahon ng pagsasama namin ay hindi ko man lang siya nagawang pasayahin.
"Alam ko naman na bare minimum 'yung ginawa niya sa fans niya pero, s-sadyang..." I pouted. "Nakakatuwa lang."
Rinig ko ang sarkastikong tawa ni Yael.
"And besides, he looks cute." Muli kong tiningnan ang video.
Kahit ang asawa ko ay pasimpleng sumilip.
"Really?" Aniya. "You settled for that?"
Natahimik ako kahit na gustong-gusto na siyang sabunutan o batukan man lang. Wala ngang mali doon... Minsan lang ako magpaka-fangirl sa kanya pero...
Alam ko naman na mas better siya kaysa dito! He's always the best... Naaalala ko 'yung mga pinaggagagawa niya din noong nasa paaralan kami kapag may nababalitaan siyang manliligaw ko kahit na hindi naman. Isa lang ang nanligaw sa 'kin. Dahil magkaibigan naman kami, naging madali na sa 'min ang makapag-usap kaagad.
Kapag nakikita niya na may kasama akong lalaki, literal na tinititigan niya iyon isa-isa. Jina-judge niya ang lahat! Mula ulo hanggang paa, daig pa niya ang mga Professor namin sa oras na tingnan niya ang ilan sa naging manliligaw ko.
Ang mas matindi ay iyong parehas namin na nadiskubre na tarantado ang isa sa kanila. Harap-harapan niyang sinabihan iyong lalaki na myembro pa yata ng kulto. Kulang pa daw sa galaw, ipinutok na kaagad ng mga magulang kaya nagkaganoon ang mukha...
Pakiramdam ko tuloy... ako ang masama dahil nakipagkaibigan sa mokong na iyon.
"I can't believe that you choose to settle for bare minimum," sunod-sunod na tawa ang pinakawalan niya.
"That's the reason why I choose to be with you," kunwaring pambabara ko.
Doon diretsong napatitig sa akin ang asawa ko. "You choose to be with me?" Pinitik niya ang noo ko. "Wala kang choice kaya bakit mo ako pipiliin? Ha?"
Hinilot ko nang bahagya ang noo ko na kanyang pinitik. Mangha pa rin siya na tumawa bago iiwas ang paningin-- patungo sa anak ko na naglalaro.
Pinigilan ko ang sarili. Nakaramdam ako ng sandaling pag-iinit sa bahagi ng dibdib ko pero, mas pinili kong h'wag na iyong pansinin. Habang may malaki kaming problema na dalawa ay hindi dapat ako magpadala sa mga galaw niya. Ayaw kong kiligin.
I still choose to be with him... Kung tutuusin ay nasa 'kin ang kakayahan na tumanggi sa kapangakuang iyon. Pero, sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko, sa 'kin niya pinili na manatili. At pinahintulutan ko siya na magtagal.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...