Kabanata 5
Glared
"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at pinili mong papasukin ang babae mong iyon habang naroroon 'yung anak mo!"
"I don't know, Henriette... Hindi ko alam na mapapasabay ang pagpunta ninyo doon sa kanya," mahinahong ani Yael.
Sarkastiko akong tumawa upang pigilan lang ang luhang natitira sa mga mata ko. I can't believe it. I can't believe him! Gusto niya ba na makita siya harap-harapan ng anak na may kasamang babae? Ganoon ba iyon?
"Pinagbibigyan na kita sa gusto mo! Hindi ka masaya, e 'di sige, magpakasaya ka sa kahit na anong oras. Alam mo na hindi madali sa 'ting dalawa na maghiwalay dahil kailangan ka ng anak mo." At kailangan din kita... "Kaya sana, kaunting pakikisama na lang ang maibigay mo sa kanya. Kahit h'wag na sa akin, Yael!"
Mabigat ang naging paghinga ng asawa ko sa gitna ng pag-uusap namin. Yumuko siya na tila ba nagtitimpi lang.
Kaya ba nagulat siya noong sabihin ni Sho na pupunta kami doon? May sinabi siyang pangako sa anak. May mga araw na nakatalaga para magtungo siya sa trabaho ng Ama. Kung makikipagkita siya sa babaeng iyon, bakit itatapat niya pa sa ganoong araw at oras kung alam niya naman? Hindi pa pwedeng isantabi muna sandali para kay Sho?
"Sensitive ako pagdating sa anak ko. Pinagtatakpan ko na ang ginagawa mo. Kung anong klase man iyan, magpakasaya ka d'yan, sumama ka sa iba't ibang babae na gusto mo, mag-inom ka..." Pinigilan ko ang sariling pagtaas ng boses. "Lahat 'yun, pinagtatakpan ko sa anak mo, Yael! Para lang maibigay ko iyong mga kagustuhan mo na hindi ko naibigay dati."
Nangusap ang mga mata niya nang tumama sa akin.
What do you want to say? Tell me, baby... Whatever is it, tell me.
"Hindi ko ginusto na makita siya ni Sho doon..."
"Ang sabihin mo ay magaling lang talaga na magpalusot si Yura," sabay tawa. "Magpasalamat ka sa kanya."
Dapat ba ako na maging masaya dahil masunurin at palaging nakikinig ang anak ko? Sinabi ng sekretarya na kilala ko iyong babae at dapat na mag-usap kaming tatlo, kasama ang Tatay. Walang naging problema kay Sho sa pag-intindi dahil mas gusto niyang makipaglaro sa kanya.
I can't believe na aabot kami sa ganitong punto! Na paulit-ulit akong magsisinungaling sa anak ko para makalusot. Isinisikreto ko ang kasamaan namin pareho ng Tatay niya para lang hindi siya mawalan ng pamilya. Para lang hindi lumayo ang loob niya o magtampo.
Imbes na ayusin ay ito ang unang ginawa ko e. Napakasama kong Nanay sa kanya.
Mahabang katahimikan sa pagitan namin ni Yael ang bumalot. May pagkakataon na napapayuko siya at tsaka babaling sa akin. Bagay na pilit kong iniiwasan. Lumayo na nga ako at nagtungo sa tapat ng bintana para iwasan siya.
Napigil ang lakas kong magsalita nang sumilip si Sho mula sa pintuan.
Gulat na napatitig ako sa anak ko. Nais kong hilingin na sana'y hindi niya narinig ang lahat dahil hindi ito ang pagkakataon na iyon.
"Anak..." My husband smiled sweetly.
Sho's cheeks immediately blushed. "Tatay, Nay, I'm done with my assignments. Can I sleep now?"
Napabuntong-hininga ako. "Do you want to sleep here?"
"No, it's okay, Nanay. I have own room." Itinuro niya pa ang direksyong iyon. "Babantayan ko 'yung stuff toys ko po."
Mariin akong napapikit bago tanggalin ang kamay sa bewang. Sunod-sunod ako na tumango na lang dahil hindi makakapa ng salita.
Kumaripas ng takbo ang anak ko sa nakaupong si Yael. Paulit-ulit siya na humalik sa pisngi ng Tatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/289962688-288-k764597.jpg)
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
Roman d'amourHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...