Kabanata 18

1.4K 35 2
                                    

Kabanata 18

Never

Sigawan ng mga nakapalibot na manonood at espesyal na bisita ang umalingawngaw sa aking tainga. Habang sa gulat na mukha lang ng asawa ko nanatili ang paningin.

Pinunasan ko ang natitirang luha sa mata.

It was a success! Pasimple akong bumubulong noon sa sarili ko na trabaho ko lang ang gagawin ko, bilang guro at isa sa pinakamataas na opisyal. Hindi ko rin binabalak na pakialaman siya sa trabaho, maliban na lamang kung siya ang kusang lumapit upang magpatulong sa problema. Ngunit narito ako ngayon sa harapan niya at umarte nang walang nalalaman.

"Omg! Omg!" Pakabalik namin sa backstage ni Deither ay umiiyak na Yura ang nakita ko.

"Kaaga-aga, umiiyak si Dora." Si Lani.

"Mas-swelduhan na ako ni Sir Yael!" She shouted as she continued to cry.

"Kami rin naman--"

"Hindi ka kasali sa cast ngayon, tanga!"

The old lady mocked her using her face.

Well, hindi lang naman para sa 'ming mga umarte ang success. Para sa mga staff na na-pressure sa paghahanap ng isang actress bilang main lead. Matatanggap ko ang success na nakuha naming lahat, hindi ang pera. Siguro'y magr-request na lang ako sa asawa ko kung maaari niya na lang na idagdag sa ilang staff o actors ang perang ibabayad pakatapos ng ginawa ko. Sa main lead? Malaki-laki rin 'yun. Libre na ang luha ko dala ng natural na sakit.

Before changing their costumes, they had a quick chit-chat. I haven't changed mine yet, but I did take off my cloak and lengthy skirt, exposing my little waist in shorts.

I took a formal step outside to check on my order. I bought food for them to eat for lunch today. Hindi pa kami nagtatanghalian simula noong dire-diretsong nagsimula ang plano.

Isa-isa kong inilahad sa mga actors ang pagkain na para sa kanila, sinadya kong damihan upang walang sinumang mabitin kung sakaling kulangin. N'ung natunugan ng mga nasa labas ay nagtungo kaagad dito upang humingi.

"Bakit kumakain 'yung hindi naman umarte?!"

Natigilan sa pagnguya ang ilan at napatitig sa kanya.

Bago pa mahuli ang lahat, sumaneyas ako na hayaan na lang ni Yura. At, marami rin siyang kinuha para sa sarili, mukhang balak pang mag-uwi.

Lumabas ako sa main stage, sa pangalawang pagkakataon. It was dark, so I went straight down without the audience noticing. I was having trouble locating him among the crowd.

I poked Yael's back, three times.

Gan'un na lang ang sama ng tingin niya nang makabaling sa 'kin. Dagliang umamo nitong makilala siguro ako.

"Kain ka, Director Yael." Pabiro kong ibinigay ang pagkain.

Hindi naging mabilis ang reaksyon niya. Tila nag-isip muna nang malalim, o kung gan'un nga.

He shook his head repeatedly. "Hindi ako gutom."

Marahan kong naiiwas ang kamay sa kanya.

"It's not right to--"

"Sa kanila na lang, kung ayaw mo."

Napatitig ako sa mata niya.

"Pero... iniluto ko ito." Dagdag ko sabay baba ng tingin sa hawak.

Inihiwalay ko siya ng luto dahil alam kong hindi niya hilig ang mga in-o-order ko na pagkain. Parehas na dish, oo. Hindi ko naman sinabing pinaghirapan ko ito dahil nagkusa naman akong magluto ng para sa kanya, pero...

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon