Kabanata 40
Deliver
Ang mga mata niya, may hindi malaman na isinasaad. Mapungay, minsa'y nangungusap. Kadalasang matamlay ang mga iyon kung matitingin sa ibang tao. Makapal nang bahagya ang suot niyang salamin.
She's definitely smaller than me. Nasa 5'3 lang ang taas, kung susukatin? Hindi naman mababa masyado. Hindi lang maiiwasan na matukso siya ng mas matangkad. Mas may laman-laman din siya kaysa sa ibang babae na nakakasama. Magandang tingnan dahil bagay na bagay sa mukha niya...
Her cheeks, looks pink and fluffy. Her nose, quiet small and pointed. The hair, was so tidy. She's always tying it up.
Hindi ko kailanman inisip na ipagkumpara siya sa iba pero, hindi ko rin kayang magsinungaling sa sarili.
Naiiba siya sa lahat. At alam ko na sa simula pa lang ay naiiba na rin ang pakiramdam ko.
"You want to drink?"
Hingal na tumingin sa akin si Henriette pakaupo sa tabi ko. I smiled genuinely.
Kinuha niya ang bote na ibinigay ko. Kusa kong pinadaplis ang kamay sa pag-abot lang.
Tinulungan ko na buksan ni Henriette ang bote. Hindi ko naman sinasadya na higpitan ang pagkakasara niyon kanina, pero... never mind. Ayos na iyon.
Pinagmasdan ko siyang uminom nang paunti-unti. Wala akong pakialam sa teacher namin na kanina pa sigaw nang sigaw sa akin. Gumilid ang tingin ni Madam VP at tsaka ako sinampal nang malala para lang patingnan kay Ma'am.
"What?" I smiled when she gave my bottle back.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Dahan-dahan, uminom ako sa parte na ininuman niya bago pasimpleng napangiti. Halos mabulunan na ako sa dami ng nainom, pero kung mamamatay ako sa harap niya ay ayos lang.
Nagkantiyawan ang mga nanonood na hayop sa likuran namin.
"That was yours?" She asked, shocked. "Ilayo mo 'yan sa 'kin, hindi na ako iinom d'ya--"
Sumeryoso ang mukha ko bago muling padaplisin ang bote sa labi niya. Napaiwas si Henriette.
"Ang ingay mo." I said.
"Ang landi ni Alta Vier, Ma'am, ohh!"
"Wala kang pake. Putangina mo." Paglingon ko sa kanya.
What the fvck? Can't they mind their own life? Parati na lang ako ang nakikita nila, parang si Henriette. Yes, I admit that. Gusto ko na napapansin niya ako ngunit, hindi sa ganoong paraan.
Lagi niya akong pinapansin dahil sa gulo sa school. Kung minsa'y dahil nakikisali ako sa sulsulan at hindi naman nananakit. And I don't like it. No... I literally hate it.
Inayos ko ang upo sa tabi niya nitong diretso siyang nanood ng basketball game. Tilian mula sa mga kaibigan niya sa kabilang dako ang rinig dito.
"Pogi." She whispered while staring at my friend.
"Pshh..." May girlfriend na iyan. "Mas pogi pa diyan mga pinsan ko e." Pagmamalaki ko pa sa kalahati ng angkan.
She automatically turned her gaze on me. "Talaga?"
"Hmm." I nodded. "Marami akong single at gwapong mga pinsan. Baka gusto mo..." Sabay lingon sa kanya. "Ako..."
Malakas na tukso muli ang umugong mula sa mga kaklase namin. Sobrang lakas. Nakaeenganyo ng iba pang tao na payapang nanonood lang.
Henriette's mouth twisted.
"'Yun, oh!"
"Tangina mo, Yael!"
![](https://img.wattpad.com/cover/289962688-288-k764597.jpg)
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...