Kabanata 9
Young lady
"You have an interview today? What do you need?"
"A cold shower will do."
Hm. I nodded unconsciously while staring at my husband.
Cold shower? Parang kauulan lang kagabi at ginaw na ginaw siya. Umabot sa punto na nanghingi siya ng yakap. Bagay na simple ko namang ibinigay bago pa siya makaramdam ng panlalamig ng dugo.
"Why are you walking naked?" Tanong ko nitong maglakad siyang walang anumang pang-itaas.
"It's too hot."
"Hindi, ah. Maaliwalas naman ngayon."
Kunot-noong bumaling sa 'kin si Yael. "Really, huh? Maaliwalas?! Kapag mainit at nagsuot ako ng damit, nagrereklamo ka. Ngayon namang hinubad ko ay nagrereklamo ka pa rin--"
"Bakit? May balak ka bang umangal?" Humarap ako sa kanya habang hawak ang kutsilyong ipinanghihiwa sa gulay.
"Wala... Sinasabi ko lang 'yung punto ko." Depensa ni Yael bago nakangusong tumalikod.
"Kung inaakala mo na may punto ka, wala. Kaya manahimik ka na lang." Pasimple akong umirap bago bumalik sa pagluluto.
At ano 'yung sinasabi niya na nagrereklamo ako tuwing nagdadamit siya kahit na napakainit ng panahon? Aba. Sino namang matinong tao ang magsusuot ng leather jacket sa tirik na tirik na araw at maalinsangang panahon? Hindi naman siya magm-motor sa lagay na iyon. Bwiset talaga.
Nahirapan akong maggayat ng matitigas na gulay. Nag-aalangan akong subukan ang slicer na nabili ko sa online shop dahil baka mahiwa ang kamay ko doon. Kung alam ko lang na mapuputol ang daliri ko dito sa pinaggagagawa ko ay doon na ako sumuko.
Nagpaalam ang asawa ko na maliligo sandali bago ang anak. May interview siya sa local media mamaya lang bilang director ng makabagong teatro. Kung ako ang tatanungin ay ang pangalan niya ang matunog sa mga taong nakapalibot dahil sa higpit ng trabahong ibinibigay. Sana lang ay dumaloy ng maayos ang interview dahil ipalalabas iyon sa TV, at may parte rin na ilalagay sa magazine.
Hindi na bago sa kanya ang buwanan na interview. Parang naging regular na rin sa kalagayan ng trabaho niya. At isa pa, may mga actors din na kakausapin ng media para sa act. Ngunit, palagi na lang na pinuputol ni Yael ang mga questions. May mga nilalaktawan siya kahit na kumportable naman doon. And worse, pinatitigil niya sa oras na mawalan na ng gana. Walang magawa ang mga reporters at writer kun'di sundin siya. Ayaw nilang samain.
Wala pa mang ilang minuto si Yael sa loob ng banyo ay nagising na ang anak namin.
"Good morning, Nanay..." Mabilis na inilahad ko kay Sho ang ginawang sandwich ng Ama. "Thank you so much..."
"You're welcome," nakangiting tugon ko.
Inaantok siya na tumingala sa 'kin. "Do you want to eat with me?"
"Nag-almusal na ako, anak."
"Where is Tatay?"
"He's in comfort room."
"Okay... Thank you again." Sabay lakad palayo.
"You can eat while doing your assignments!" Pahabol na paalala ko na tinugunan ng maliit niyang boses.
Natawa ako. Balak na isama ng asawa ko ang bata sa dome mamaya, kung sakali na maagang matapos sa klase niya. Maihahatid naman ng Ate para doon.
Kung ano ang inihiya ni Yael sa camera ay siya namang porma ng anak doon. Palakaway siya sa mga nakakasalubong. Kahit na may nakikita lang na random person sa labas na nagv-vlog ay kakaway agad siya. Ibang-iba sa Ama na halos ilagay na ang sariling mukha sa likurang bahagi para lang hindi mahagip niyon.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...