Kabanata 25
Aimed
"Boss, ilang taon na ang lumipas..."
"H'wag mo kaming dramahan," matigas na saad ko na ikinatigil niya. "Maupo ka d'on. Hindi ako madadala sa luha mo."
"Hmm. Si Hesia na ang nagsabi," segunda ni Boss sa 'kin.
Walang nagawa ang kambal na Maritishia kung hindi ang sumunod. Patuloy na hinahaplos ni Merriam ang kapatid na napahagulgol na lang.
Tinaasan ko siya ng kilay, hindi nawawala ang titig sa mata habang pinaglalaruan ang baril.
"What are you trying to say?"
"Ilang t-taon na pero wala pa ring nakukuhang hustisya 'yung kaibigan ko sa kumalat na maling litrato niya." Paliwanag ng bata habang patuloy na umiiyak. "You promised me that you'll do everything you can. Hanggang ngayon ay walang nangyayari! Nahusgahan ng siya ng mga kaibigan namin at lahat... nagpakalayo-layo na siya pero, hindi n-nagbabago ang tingin ng tao sa kanya."
Mas lalong napakunot ang noo ko.
"Pakalmahin mo muna siya," utos ko kay Merriam. Nag-aalangan siyang tumingin sa 'kin.
"Tigil ka muna." Aniya sa kakambal.
"I hope that we can do anything. Kahit na ano lang." Dagdag ni Meryl bago pinunasan ang luha. "Hindi ako sumali sa inyo at nangakong manatili dito hangga't nabubuhay ako para lang sa wala..."
"Is it the same group?"
"Hmm. Yes, Mrs. Hesia..."
Dumapo kaagad ang paningin ni Boss sa tabi ko.
"Then don't act in front of me like you're not investigating the same damn group, hija." I hissed.
So clearly, it was the same group. Parehas na grupo na may kanya-kanyang kasalanan sa 'min dito. Ang parehas na grupong nagpakalat ng sinasabi niyang iskandalo ng kaibigan niya ay ang mismong tagong grupo na kinamumuhian ko. Napangisi ako sa pagtahimik ng bata.
"H'wag mo munang dalhin ang sama ng loob mo dito. You're investigating that group. Hanggang ngayon, limited ang clues na hawak ninyo at wala pang solid evidences against them." Mahinang paliwanag ko, sinusubukang pagaanin ang kalooban niya. "Ilang taon na ang lumipas simula n'ung nagka-scandal 'yong kaibigan mo, ikumpara mo 'yon ngayon sa taon na pasimple silang iniimbestigahan ng alliance. Go."
Mas lalong napatikhom siya. Nananatili ang pagkakayuko ng ulo niya dahil sa kawalan ng lakas. Ramdam na ramdam ko 'yon hanggang dito.
"Just rest first, Meryl." Si Boss na kalmado. "Hindi maganda na umiiyak ka habang sinasabi mo ang lahat dito ngayon. Mamaya na..."
Walang ibang nagawa si Meryl sa payo ng boss. Pinupunasan niya ang luha nang makatayo, simple siyang yumuko bago umalis nang walang ibang salitang namumutawi sa bibig.
Napabuntong-hininga ako. Base sa sinabi ng kakambal niya ay ngayon lang daw nakapaglabas ng hinanakit ang kapatid n'ung makita ako. Akala siguro ay makatutulong dahil babalik na ako sa alliance.
I clicked my tongue in annoyance.
"Akala siguro bumalik ka na kaya ako naman ang kinakalaban." Pagtawa ni Boss sa pag-uulit ng sinabi ng bata.
"Anong nangyayari d'un?"
"Hindi ba't naikwento ko na sa iyo na kaya sumali iyang si Meriel ay dahil nagkaroon ng scandal ang kaibigan niya." Boss explained lazily. "Galing siya sa kilalang pamilya sa isang probinsya. Lasing yata ang batang 'yon noon at may nag-set-up na isa pa nilang kaibigan. Pasikreto siyang pumasok dito para magpatulong na mag-imbestiga, kaedad mo rin siguro n'ung una kang pumasok noong marating niya itong kuta namin."
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...