Kabanata 43

1.5K 27 3
                                    

Kabanata 43

Save

I informed Diko Meil and my father about what happened. It surprised me how Papa responded. He didn't even bother to speak. He has that behavior of keeping himself silent when it comes to me, and I don't like it. It was better, though. He didn't get angry with me; he didn't scold me or shout until he convinced me to leave our home.

My older brother wanted to help me with all his heart. I'm thankful that I have him and Ate Halieta as well, who keeps visiting me inside my room-- since I'm afraid to go out by myself. But I responded in the same way. I don't like to take this to the authorities and take legal action against her. I just asked him for a simple favor... that I don't want to see that woman anymore, wherever I am, in school or even in my dreams. She's an animal living in my nightmares every night.

"Kung may anak ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko..." Kinuskos ko nang bahagya ang palad at agad na naramdaman ang pag-iinit noon. "Handa akong panagutan ang bata... Hindi ko alam kung balak niya na ipalaglag iyon dahil ayaw niya, pero kung sakali na hindi niya ginawa ay gusto ko na buhayin ang bata. Tutustusan ko siya, pananagutan ko kahit na hindi ginusto ang nangyari sa amin ni S-shantel... Anak ko pa rin iyon e, ako ang Tatay niya. Ayaw ko na lumaki siyang tulad ko. Na may Tatay nga, parang wala rin naman dahil hindi pinagtutuunan ng pansin mula noong pagkabata."

Pero sa sarili ko, pasimple na akong nagdarasal. I don't know... Nananalangin ako na sana ay wala nang ibang mangyari matapos nito. Inaamin ko, ayaw kong may mabalitaan sa kanya na may anak kami.

Parati kong iniisip ang kinabukasan ko. Kung ano-ano na rin ang naiisip ko ngayon, hindi iyon matatanggal sa akin. Papaano mapapanatag ng buo ang kalooban ko sa tuwing makikita ang batang iyon? Iyong tipo na sa bawat lingon ko sa kanya, nanunumbalik ang lahat ng alaala sa amin ng Mama niya na hindi maganda. Sa pagtawag ko sa pangalan niya't paglapit sa akin ay iba ang paulit-ulit na aalingawngaw sa dalawang tainga ko. Papaano ko magagawang kumalimot o magpatawad man lang? Ni ang sarili ko nga ngayon ay hindi ko mapatawad.

Maamong humaplos si Henriette sa likurang bahagi ko matapos kong punasan ang natitirang luha. Hindi maubos-ubos ang lahat ng ito kaya't wala akong ibang magawa.

"H'wag kang mag-isip ng gan'yan, Yael. Hindi maganda na pasamain mo ang sarili mo, wala kang maling ginawa... Biktima ka lang din..." She said. "Kung sakali na gan'on nga ang nangyari, alam ko na magiging mabuti kang Tatay sa anak mo sa kanya, kahit na pinagtaksilan ka niya. Gusto mo na magkaroon ng anak pero hindi sa gan'ung paraan... na naabuso ka. Walang taong may gusto ng gan'on, pero pinananagutan pa rin ng iba ang bata. 'Yong iba ay hindi pero sila na ang may kakayahang magdesisyon ng gan'un. Katawan nila 'yon, alam nila kung kaya nilang buhayin ang nabuo o hindi dahil sa simula ay hindi naman nila ginusto 'yon. Ikaw lang ang nag-iisang lalaki na narinig kong nagtapat sa sarili mo tungkol dito."

"'Di ako makapagtatapat ng ganito kung wala ka sa tabi ko..."

"Pero h'wag mong isipin na masama ka. H'wag mong pasamain ang sarili mo sa lahat. You did nothing wrong."

Simple akong tumawa. "At hindi ko alam kung papaano ka nakapagsasalita ng ganiyan sa harap ko kahit na mas kailangan ng sarili mo iyong mga salitang iyan dahil... nasasaktan ka sa nangyari."

Iling ang tanging nakuhang tugon ko kay Henriette. Papaano niya nagagawang ngumiti sa akin sa kabila ng panlalamig ng tinig ko sa kanya?

"Mas kailangan mo ng kasama ngayon, Yael. Marami kang panghihinayang dahil nakipaghiwalay ka kay Shantel, ginawa niya 'yun sa 'yo, kailangan mo ng isang tao pero hinding-hindi na siya ang dapat mong makasama." She smiled sweetly again. "Mas kailangan mo 'to," she pointed herself. "I'm your friend, right?" I nodded. My real friend... "Then, I'm always here for you. 'Yong sa 'kin, mabigat, pero kaya ko ito. May ilan pa akong kaibigan na nasasabihan sa nangyari at nahihingan ng payo, may doktor pa ako. Kaya dapat ay kayanin mo rin 'yung sa 'yo dahil narito lang ako. O kung ako na lang talaga ang nar'yan sa tabi mo..."

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon