Kabanata 22
Silent
Sa isang malakas na katok ang gumising sa diwa ko pakagising sa umaga. Imbes na asawa ko ang inaasahan na dumating, ang kaanak niyang pasimpleng kumindat sa 'kin ang bumungad. Makailang beses akong napakurap.
"Good morning, Hillary." Gilalas ng isang Alta Vier na pamilyar na sa paningin ko.
"Ohh," lumapit ako upang makipagkamay. "Kumusta ka na? Napadalaw ka?"
Gulat lang ang tanging itsura na naibigay ko sa kanya. Masiglang pumasok si Bob sa bahay na tila inunahan ang pahintulot ko.
"Just visiting Ate Hillary and my baby Sho." He chuckled.
"Hindi ibig sabihin na ikaw ang tanging good boy sa mga Alta Vier ay pwede mo na 'kong tawaging Ate," paglilinaw ko bago maupo.
Nang aktong susunod siya sa 'kin sa couch ay sinenyasan ko ng pag-iling. Napatikhom si Bob bago pasimpleng humakbang patalikod upang ipahinga ang katawan sa nag-iisang upuan d'un.
"Wala dito si Yael." Pagngunguna ko sa kung anumang sasabihin niya, bagay na ikinagulat lalo ng kausap ko.
"Bakit wala po?"
"Hindi ko alam. Kagabi, nagpaalam na hindi siya makasasama sa 'min ni Sho sa loob ng hospital. Makikipagkita yata sa kausap," I laughed bitterly. "To be honest, Bob, I don't know anything about it."
"Baka babae," pabiro niya pang dagdag.
"Most probably." Segunda ko.
"May syncope si Sho, sabi ni Martina. Hindi po ba?" Sunod-sunod akong tumango. "Kaya ba nasa hospital kayo? Hindi man lang kayo sinamahan ni Kuya Yael?"
"Sinamahan, pero hindi siya nagtagal. Nasa labas lang siya. May narinig nga akong parang putok ng baril, pero n'ung lumabas ako ay nakatayo pa rin siya at parang may hinihintay talaga." And I will never forget his smile.
Sa kagustuhan niya na umalis na 'ko sa tabi niya ay makailang beses siya na ngumiti. Alam niya sa sarili na mabilis akong manghina sa gan'un.
Sumuko ako, sa kagustuhan na rin na gawin ang suhestyon niya. Kailangan na kailangan na rin ng tagapagbantay d'un ng anak ko, hindi maaaring hintayin siya para lang sabay na magtungo. E kung ayaw niya naman talaga na makasama ako, gagawa siya ng paraan.
Bumuntong-hininga ako bago sumabay ng pagtawa kay Bob.
"Tingin mo ay mas pipiliin niya 'yung babae, kung sakali nga na iyon ang kausap niya, kaysa sa anak niya na may sakit?" The young guy asked again. "Well, hindi sa panunulsol. Pero kung ako iyan ay magagalit din ako. Kahit sana kaunting oras man lang ang ilaan niya sandali sa batang kailangan siya."
"I can't contact him right now." I said. "N'ung gabi, hinahanap siya ng anak. Kahit na pakagising ay siya ang unang tinanong. Mauubusan na ako ng pasulot at lahat, wala pa rin siya," sabay punas ng pawis sa gilid ng pisngi.
Mahirap na magpaliwanag kay Sho. Hangga't maaari ay gustong-gusto kong magtapat na hindi ko alam kung nasaan talaga ang Ama dahil hindi ko matawagan, ngunit wala rin akong magawa. Dahil sa sobrang balisa ay kung ano-ano na lang ang dahilan na nasasabi ng bibig ko sa harapan niya.
Bob laughed a little, amused. For a little moment, silence descended upon us. He can't believe this bullshit either.
I gave him a jar with some cookies. "Almusal ko," he said as he munched a whole biscuit.
"Tulog pa si Sho. Wala dito ang asawa ko," paglilinaw kong muli. "Ano ang ipinunta mo dito? Baka sak--"
"Ikaw po, Ate." Bob giggled. "Ikaw talaga, promise."
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomantiekHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...