Kabanata 55
DID
"Ito na ba ang apo ko kay Henriette?"
A small smile immediately formed on my lips as I looked into Tita's face. Shock was evident in her eyes.
"Good morning p-po..." My son greeted shyly.
"Naku!" She pull his arms lightly. "Ang cute mo naman, hijo! Kamukha mo ang Tatay mo," sabay baling sa akin.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Nakapayuko ako nang imbitahan niyang pumasok. I let Sho hold her hands for a while. He looks confused and happy at the same time.
Walang nagbago sa dati nilang bahay. Ang hangin sa loob noon ay tila binabalik ako sa nakaraang mga taon kung saan magkaibigan pa lamang kami ni Henriette. Sa totoo lang, bahagya lang itong lumaki at umayos sa kabila ng ibinigay ng asawa ko na tulong sa Tiyahin niya matapos na lumisan dito. Nothing really changed. Far from it, the interior looks new.
Inalalayan ko si Tita nang buhatin niya ang anak ko. Agad na yumakap ang bata. May edad na siya at inaalala ko lang ang lagay ng kanyang katawan, lalo na't may kabigatan si Sho.
"Can I call you Lola po?"
"Of course!" Nangusap ang mata ni Tita nang tingnan ako. "Ka-bait na bata..." She whispered.
"Pasensya na ho kung ngayon lang kami nakadalaw," pangunguna ko. "Masyado po kaming abala ni Henriette sa trabaho at problema. Hindi ko po alam kung ilang taon na kaming hindi nakapupunta rito, kaya po... sorry..."
"Ganoon talaga ang buhay-pamilya, hijo." Pangaral niya sa akin bago maupo. Kinalong niya si Sho na ibinaon ang mukha sa balikat niya.
"Sana po ay maintindihan ninyo." I smiled again, nagba-baka-sakali.
"Alam mo, wala namang kaso sa akin iyon," aniya. "Ang mahalaga ay ayos lang kayo. Kailan lang din kami nakapag-usap ng pamangkin ko kaya nakumusta. Hindi naman ako nanghihingi ng kahit na ano dahil hindi naman kailangan, pero nakatutuwa na nagbigay siya."
Sunod-sunod akong tumango. Napalingon ako kay Sho nang kusang bumaba mula sa pagkakakalong ni Tita. He giggled when he saw two pomeranian dogs. Walang-paalam siyang tumakbo patungo sa kulungan ng mga iyon hindi kalayuan.
Maraming nangyari sa nakalipas na taon, kasama na roon ang tampuhan ng asawa ko at ng Tiyahin niyang nagpalaki sa kanya. Ang mga bagay ay hindi inaasahan ay naipagpatawad na namin. We both apologized to her before anything else happened. And gladly, she accepted that.
Sa kanya nagmana ng kabaitan si Henriette. Pati ang mga simpleng gawi, sa hulma ng mukha, at sa ekspresyon. Kitang-kita ko iyon kanina noong magtama ang mga mata namin. Sadyang mas sopistikada at mahinahon lang ang Tita niya.
"Nakita ko picture n'un sa Facebook! Ang liit ng baywang. Ang nipis-nipis," sermon niya sa akin. "Ginugutom mo yata ang pamangkin ko?"
I pouted and shook my head. "Huwag po kayong paloloko sa nakikita niyo sa social media. Busog ho lagi sa akin iyan."
Wala sa sarili akong napatikhom upang pigilan ang nagbabadya pang ngisi. Hindi niya dapat malaman iyang tinutukoy mo, Yael. Demonyo ka talaga...
"Mabuti naman," she nodded her head. "Nasaan nga pala? Sa trabaho? Bakit kayo lang dalawa ni Yugoserio?"
"Henriette is resting po, Auntie..." I said.
"Ha? Nasa bahay lang?" Angal niya. "Naku! Ang batang iyon. May katamaran pa rin. Minsan lang ako bisitahin dito, hindi pa sumama sa inyo."
"I actually don't know po kung... nasaan siya ngayon," pagtatapat ko pa.
Doon napataas ng kilay ang matanda. Lumihig ito sa sandalan ng couch at tsaka humalukipkip. Hindi ko rin alam kung bakit tila nagbago ang nararamdaman ko nitong magtapat ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...