Kabanata 8

1.8K 33 0
                                    

Kabanata 8

Wife

Sometimes, I'm asking myself quietly. Do I need to do this if the truth was already lying beside me?

Do I really want to do... all of these?

"Sho naman. H'wag!" Rinig kong pigil ni Yael sa bata.

"Come on, Tatay... I'll tie your hair like my classmates. This is called pigtails--"

"No, stop..." Sumilip ako ng kaunti sa kwarto.

Kitang-kita ng mga mata ko ang tumitikwas na buhok ng asawa ko na pilit hinahawakan ni Sho. Inis ang mukha niya dahil sa pagsaway sa napakakulit na kasama, bukod pa sa bagong gising lang siya.

"Subok lang po, Tatay. My classmate looks cute. They even tie my hair like that. You can ask Nanay if you want." Paliwanag ni Sho habang inaayos ang iba't ibang kulay ng taling sanrio.

"You can tie your Nanay's hair if she wants to." Depensa ni Yael.

Sa lahat ng parte ng katawan niya at sa tinagal-tagal ng pagsasama naming dalawa, ang buhok niya lang ang hindi ko kailanman nahaplos. Mas kapani-paniwala pa na pahahawakan niya sa 'kin ang lamang-loob niya sa oras na mamatay, h'wag na h'wag lang ang buhok. Dahil kahit buhay pa siya'y nasisiguro ko nang mumultuhin niya sa kabilang buhay ang kaluluwa ko.

Umawang ang labi ng bata sa pamimilit. "I'll try it on you first, Tatay..."

Tanging ang mabigat lang na pagsinghap ng asawa ko ang sunod kong nakita. Saglit siyang bumaling sa pinto.

Bago pa man na magtama ang paningin namin ay nilakihan ko na ang mata ko. Agad siyang natinag at natahimik na lang.

Doon nakakuha si Sho ng pagkakataon. Pinili kong pigilan ang pagtawa sa unang naging galaw niya.

Hindi maipinta ni Yael ang mukha nitong natulala sa pader kung nasaan ang salamin namin, konti lang ang pagitan sa kinalalagyan ko. Masyadong nag-focus ang anak ko't kaya hinayaan ko na lang na mag-isa, hindi siya nanghingi ng anumang tulong sa 'kin.

Pinag-eksperimentuhan sandali ni Sho ang buhok ng Ama. Inangat niya ang ilan kahit na nakatikwas pa.

"You already have some white strands of hair. Tatay Siel, you should color your hair blonde so it won't--"

Pinutol siya ni Yael. "Sa konsumisyon 'yan sa 'yo."

"Gan'un din naman po si Nanay sa ating dalawa pero, she doesn't have any white hair because she's still young." Depensa ng anak.

Inis na lumingon muli ang asawa ko sa kanya kaya matahimik. Sinamaan siya ng tingin nito.

Nagsimulang talian ni Sho ang buhok niya gamit ang sanrio. Pansin ko ang maliliit na kumpol niyon. Hiniwa-hiwalay niya pa kanina ang bawat kulay ngunit, iba-iba pa rin ang ginamit niya kaya nangingibabaw sa itim na buhok.

Ang usapan ay pigtails lang, o dalawang tali sa magkabilang gilid. Ngunit, mukhang masyadong nalibang ang bata sa kanya.

Humagalpak ng tawa si Sho na nagpagulong-gulong sa kamang kinauupuan. Hindi ko balak na segundahan pero, natawa rin ako sa pagtawa niya. Mas lalong naasar si Yael.

"Tatay, you look so cute..." Ang maliit na katawan niya ay parang tumilapon sa pagkakatayo sa kama.

Tinusok niya ang pisngi ng asawa ko sa magkabilang bahagi. Kinalaunan ay nagtagal iyon sa dimples ng Tatay sa kaliwang bahagi, hindi lang kita dahil nakasimangot.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon