Kabanata 2
Away
"I want to have many many more siblings..."
Halos maibuga ko ang kape na nasa bibig ko habang nag-aalmusal. Nakaramdam pa ako na tila kumulo iyon sa sarili kong bunganga.
"I want... triplets..." Sho counted on his tiny fingers.
"Gutom lang 'yan. Kumain ka na." I defended.
Maganda-ganda na ang usapan namin habang kumakain. Hindi ko alam kung ano ang bagay na pumasok sa isipan ng anak ko't pinutol ang sandaling katahimikan namin ng Tatay niya.
Awtomatikong napatitig sa 'kin ang asawa ko.
"Tell Nanay about it," Yael couldn't hide his smirk.
Nangusap ang mga mata ni Sho nang bumaling sa akin.
"Ayos lang. Basta ba humanap ka ng ibang Nanay..." Segunda ko kaagad.
Kahit ang asawa ko ay nanlumo sa pabirong tugon ko sa anak. Nang walang nakuhang sagot sa kanilang dalawa ay kinuha ko na lang ang pinagkainan naming tatlo bago bahagyang tumawa.
Makailang beses na siya na humiling sa akin ng kapatid. Siguro ay nagsasawa na din na kaming dalawa ang kalaro ng Tatay niya, naghanap ng panibagong bata sa bahay. Pero, ni isang beses ay hindi man lang namin napagbigyan. Napakarami pang bagay ang gumugulo sa pagitan namin na mas priority naming ayusin bago tumungtong sa bagay na 'yun.
Habang inaayos ang lahat sa lababo ay narinig ko ang sunod-sunod na pagtawag ni Sho sa likuran ko.
"Nanay! No, no, Nay. I want triplets, so I can play with them one by one!" Napangiti lang ako. "And you need to be the Mother of those kids."
"Hay nako, Sho, tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo." Nakipagsabayan ako sa kanila.
Tatawa-tawa siyang kumapit sa dulo ng damit ko habang naghuhugas ako. Tumatalon pa para lang magpumilit.
Saan ba nahawa ng kakulitan itong batang ito? Walang tigil. Napakalikot at mapilit. Hindi naman ganiyan ang Tatay niya. Napakaseryoso niyon sa mga bagay-bagay at nananatiling hindi maganda ang presensyang ipinararamdam.
I sighed.
"The first kid will be on Monday and Thursday," dagdag niya. "The second one is scheduled on Tuesday and Saturday. And the last one will take Wednesday and Friday. And then, I'll play with all of them on Sunday..."
"Sinabi ko sa 'yo, kung gusto mo ng kapatid, humanap ka ng ibang Nanay na mag-aalaga." Kusa akong natawa sa pagpupumiglas niya.
Hindi naman niya seseryosohin ang bagay na iyon, hindi ba?
Hindi naman siguro siya maghahanap ng ibang Nanay.
"Nanay, gusto ko po ng maraming-maraming karalo..."
"Nandiyan naman si Tatay Siel mo, parehas naman kayong isip-bata," kahit ako ay napagaya na sa paraan ng pagtawag. "'Di ba? You both passed the vibe check."
"Nay--"
"Papaano kita bibigyan ng kapatid kung sa 'yo pa lang, sumasakit na ang ulo ko?" Palusot ko. "Napakakulit mong bata. Kanino ka ba nagmana?"
"Hehe. Kay Tita," Sho pouted. "Hindi na po ako makulit kapag may kapatid na 'ko. Aalagaan ko sila, Nanay, para hindi kayo exhausted ni Tatay. Promise..."
Napabuntong-hininga ako. I was about to answer him but, someone whispered behind my ears.
"I also want to have triplets, Ma." And it was Yael.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomansaHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...