Kabanata 34

1.7K 33 4
                                    

Kabanata 34

Earlier

"How much is that condo?"

"The first one, Madam?"

"Yes. The first one."

Carol clarifies some things while talking to someone on her phone. Hindi ko kilala ang kausap niya ngunit, personal naman na kaibigan niya kaya buo kong ibinibigay sa kanila ang tiwala.

She thanked him before turning off her line.

"3.4 million daw, Madam." Kasunod n'yon ay malulutong mura.

"Ohh." Mataas pala. "I'll think about it later. But, I will still try."

"Where are you going, Madam?" Muling usyoso ng sekretarya ko sa gitna ng pag-aayos ko.

Upang hindi siya magtaka nang labis ay hindi ako nanahimik. Pilit ko na tinatawanan siya.

"Hala, si Madam, boang na." She whispered.

"Ang gulo ng buhok mo." Pasimple kong puna sa kanya.

Distract her to forget everything, Hillary. Distract her.

Wala naman sa plano ko ang tuluyang lisanin ang paaralan. Ito ang trabaho ko. Dito ko binubuhay ang pamilya ko, wala nang ibang nanatili sa tabi ko sa mga oras na kailangan ko ng katuwang.

Just like my secretary said, nakaayos ang mga gamit. Nakakahon ang lahat ng documents na hindi ko ginagamit at nasa gilid na pwesto lang ng opisina ko na malaki-laki naman ang espasyo. Tanging ang mga nakapatong sa lamesa ko'y ang mahahalagang gamit. Kasama na rin d'on ang litrato ng dalawang Yael ko.

Kanina pa ayos nang ayos si Carol sa puting damit ko. Simula sa long sleeves pababa sa slacks, sinisigurado niyang walang kakapit na anumang dumi.

"Don't act like that." I laughed hysterically. "Para namang mawawala na 'ko."

"Miss lang kita, Madam." Carol defended. "Ang harsh mo sa sarili mo."

"Hm. Thank you for your concern. Honestly, baka hindi na rin ako muna makapasok dito ulit. Pakatapos nito, I guess." Nagkibit-balikat ako.

When she asked me why, I gave her an honest answer. I told her that I wanted to rest with Sho, o kung hindi gustong paiwan ng Tatay niya ay isasama ko na rin. Paniguradong sasama at sasama siya sa kahit na anong mangyari.

I didn't spend a lot of time in school. Even though my son was still there, I didn't wait for him. I wanted to go with Yael to the dome and wait for him to finish some of his work before we returned to pick up my son after his classes.

Still, I went to his classroom first. And thankfully his current teacher was a good friend of mine and Yael, so we had a little chit-chat.

"Kids, greet Teacher-Madam!" Nanlalaking matang banta niya nang walang sinuman ang nagtangkang bumati sa 'kin.

Isa-isa na tumayo ang bata. Pansin ko agad ang galaw ng anak ko sandali sa pwesto. Napakamot siya ng ulo habang dahan-dahan na ibinaba ang natitirang fish fillet sa desk niya. Pasimple siyang umakto na tumingala at pinunasan ang pawis. Hindi ko na lang inisip na ngumunguya siya sa gitna ng klase nila.

The class greeted me as Teacher-Madam. Si Ma'am lang ang tanging tumatawag sa 'kin ng ganito kaya gumaya ang mga bata. Some even recognized me!

"She's Nanay..." A little girl pointed her finger on me.

"Sho-sho Nanay..."

"Of course... s-she Nanay..." Nahihirapang tugon ng anak ko sa kanila dahil puno ang bibig.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon