Kabanata 12
Darating
"Sana ay sinabi mo sa 'kin nang mas maaga. Mahal mo naman p-pala siya... Ako ang napahiya sa pagkonpronta ko."
Una niyang ipinaalam sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yon. Mukhang hindi sila nagkalinawan pagdating sa salita, ako pa ang nakipag-usap d'un sa babae.
"Who said that?" Takang tanong ng asawa ko.
"You literally said that a minute ago!" Marahas kong nakamot ang ulo ko at napatingala sa kisame.
Oh, please. Bukod sa pera, maraming oras ng pasensya pa ang kailangan ko.
I don't understand him, really. "Sinabihan mo ako na pumunta sa dome kanina. At ano namang kailangan mo bukod sa kausapin ko ang babaeng 'yun base sa kagustuhan mo?"
Tumawag siya doon at pinapupunta ako. Ayaw siyang tigilan ni Duen kaya mukhang kailangan kong kausapin, naisip ko agad na hindi niya gusto ang babaeng 'yon. Ngunit, lingid lang pala talaga sa kaalaman ko ang bagay na 'yon. Mahal naman pala ni Yael... Kaya nakapagtataka talaga kung bakit siya tumawag bigla.
"Ayaw mo pang pasamahin 'yung bata." Dagdag ko nang manahimik siya lalo.
Kinailangan ko pang tawagan si Martina at magpalusot sa kalaro niya sa dome para lang makasunod ako sa sinabi ng asawa ko. Hindi ko siya maintindihan! Wala rin naman akong ginawa matapos kong konprontahin 'yong babae.
Hindi pa nga nagpaawat si Duen at ayaw pang iwan ang dome, takang-taka na rin ang mga tao doon. Wala akong pakialam kung kilala niya ako bilang asawa ni Yael o ano dahil ang inisip ko lang ay ang masabihan siya. Nagmukha akong tanga. Hindi naman pala kailangan na kausapin.
Kung mahal nga siya ni Yael, handa akong tanggapin 'yon... Dahil bakit hindi? Kahit naman pigilan ko, o umiwas nang kusa ang asawa ko, hinding-hindi siya sasaya sa 'kin.
Sa sobrang inis ko ay padabog akong napatayo. Napunta sa wala ang pagkonpronta ko sa babae na 'yon. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon niya dahil alam naman ng asawa ko na patutungo siya d'un.
Kusang dumikit sa palad ko ang kamay ni Yael.
"What?!"
"I never said that."
"Oh? E bakit mo pa ako pinapunta d'un?"
"Sinayang ko ba ang oras mo?"
Bahagya akong napalunok.
"Then, sorry. Pero, kung sakaling kailanganin ko ay naroon ka naman sa tabi at naghihintay." Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Ipinakilala mo lang talaga sa 'kin iyong babae mo?" I laughed to enlighten his mood.
Hindi kami nagkulang sa komunikasyon. Bukas na bukas kami sa isa't isa palagi. Narito naman kaming dalawa sa bahay na magkasama, pati si Sho. Kaya hindi 'yon ang dahilan kung bakit madalas kami na hindi magkaintindihan.
Tiwala. Salita. Kulang sa parehas na paghahayag ng dalawa. Pakiramdam ko'y masyado kaming nagkulang na parehas doon kaya nagkaganito.
Ngunit, kung mayroon bang tama na paraan ng paghahayag ng pagtitiwala na namamagitan sa 'min, mamahalin niya pa rin ba ako?
Sa halip na sagutin ako ng maayos ay hinila niya lang ang kamay ko. Hindi ko labis maisip kung gaano kabilis niyang idinampi ang sariling labi sa 'kin.
"There... I said it." He whispered before claiming my lips for the second time.
By that moment, Yael effortlessly drags my whole body towards him. The way he grabs my waist was too smooth, as if it is too late to realize that I was sitting on his lap.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...