Kabanata 44

1.5K 29 4
                                    

Kabanata 44

Hue

"I'm pregnant, Yael."

Her eyes sparkled in tears.

Dahan-dahan na humakbang papalapit si Henriette, humahagulgol sa sariling kamay. Ganoon na lang kalakas ang epekto sa puso ko sa pagtingin pa lang sa kanya. Kusang naipapasa patungo sa akin ang hindi malamang sakit.

She lightly raised her right hand. Pinag-iisipan ko kung kusa iyong tatanggapin gaya ng dati. Muling natigilan ang katawan ko sa isang tabi sa hindi inaasahang bagay na hawak niya.

She gave me two pregnancy tests that were both positive. Henriette smiled bitterly.

"This is yours..."

Ni hindi man lang ako nakakuha ng maayos na oras upang iproseso ang lahat ng sinasabi niya sa utak ko. Walang anumang rumirehistro kung hindi ibang klaseng kirot sa puso.

"I'm three weeks pregnant with y-your child, Yael." She sobbed. "I'm sorry..."

"What are you apologizing for, hmm?" I asked her carefully.

Sunod-sunod na umiling si Henriette, dala ang parehas na salitang sinasabi na hindi kayang tanggapin ng katawan ko.

"I'm sorry--"

"Henriette, no. Don't say that." Napabuntong-hininga ako bago tingnan ang hawak.

Nararamdaman ko na lang ang sariling kusang sumuko sa mga kamay niya. Ibinigay ko ang pinakamarahan na yakap na kaya kong ipagkaloob ngayon sa kanya. I laughed lightly because of a sudden happiness I felt.

"Shh... Huwag kang umiyak, Henriette. Makasasama iyan sa dinadala mo." Mahina kong bulong bago magdampi ng halik sa kanyang sentido.

"Hindi ko kayang itago sa 'yo 'to," she whispered while still crying. "I'm sorry, I'm s-sorry..."

Hinaplos ko ang bahagi ng noo niya na nahaharangan ng buhok. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Unti-unti, inaamin ko na doon ako nawawalan ng lakas para makatitig din sa nanghihina niyang mata.

"It's okay, huh?" I whispered again. "You don't have to worry, Henriette. All you have to do right now is to rest."

"Yael..."

"Pananagutan ko ang bata." Ngumiti ako dahilan upang maiangat niya ang tingin niya sa akin.

Umilit ang pag-iling niya. Tila nakikiusap sa isang bagay na hindi ko tukoy. Hindi tumatanggi. Tinatanggap ng sistema ngunit, tila hindi makapaniwala.

Hinayaan ko lang si Henriette na tumigil. Alam ko na kayang-kaya niyang pigilan ang sarili niyang pakiramdam, alalayan ang katawan at isip sa panahong ito. She grips her hand at the edge of my white polo, it was tight, but I don't care, as long as it'll make her stop crying.

Why is she saying sorry? Hindi niya ba tanggap ang nangyari? Magagawan ko ito ng paraan... magagawa namin para sa anak naming dalawa.

"Ginusto mo ba ang nangyari sa atin?" Muling tanong ko nitong makahinahon siya. "Kahit noong araw na iyon, ginusto mo ba?"

Tumahan na si Henriette sa pag-iyak. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa isang daliri ko habang pinipilit ang sarili na tumingin sa akin. And she nodded repeatedly...

I smiled. "Ako rin, Henriette." Hindi ko ikahihiyang sabihin iyon. "Ginusto ko na mangyari iyon. Ginusto ko na mahalin kang muli, at naging handa ako sa kalalabasan ng lahat ng ito. Gusto kong malaman mo... na handa akong magkaroon ng pamilya kasama ka."

"That's why I'm sorry... Dahil muntikan ko pang masira ang pamilyang hiniling mo. Ang una kong naisip ay itago ang dinadala ko sa 'yo, pero hindi ko kaya, Yael... Kung may masisira, I'm sorry." Nangusap lalo ang mga mata niya.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon