Kabanata 20

1.6K 27 2
                                    

Kabanata 20

Pagdaing

Lahat na ng klase ng test na balak nilang isagawa sa anak ko ay inaprubahan ko. Pumayag ako na kunan siya ng dugo at gawin ang kung anuman. Ni hindi ko lubos akalain na magtatanong pa sila sa 'kin ng pahintulot. Nauna ko nang ipaalala na gawin na nila ang lahat ng kaya at kailangan para lang sa kalagayan ni Sho.

He's conscious when we arrived here, thank God. But, he is crying and panting heavily. Ilang minuto siyang kinumbulsyon at tila nawalan ng malay dahil sa pagkakapikit ng mga mata.

This is the nearest hospital. Naabala ko pa ang mga kasama ni Diko Meil dahil sumunod sa 'min sa pagsugod dito.

"You should go there, Diko." I wiped my tears off. "I'm sorry sa abala. Kailangan ka na sa jail, baka naman ikaw ang mapagalitan dahil dito e."

"Are you sure?" Bahagya niyang hinaplos ang likuran ko. "Kasi kung wala kayong bantay dito ng anak mo bago ako umalis, hindi ako babalik d'un. Wala pa si Matteo."

"I have yet to contact him," I breathed heavily. "Gabi na. Sigurado naman na wala nang ginagawa si Yael kaya makapupunta agad dito. Ayos lang ako dito, maya-maya ay hihintayin ko na lang na magising ang bata."

Tatawagin na lang ako ng doktor niya para sa resulta. Si Yael siguro'y nagtagal sa dome dahil hindi pa ako nakatatanggap ng tawag o message. Kung sakali mang nakauwi na 'yon at nadatnan na wala kaming parehas ng anak, tatawag kaagad. Pero, ngayon ay wala.

Hindi na nakatugon si Meil sa sinabi ko. He doesn't have any choice too. Inalalayan niya ako sa balikat bago bumeso bilang pamamaalam.

"Ingat ka," paalala niya bago lumakad palayo.

"Mag-iingat ka rin pabalik, Diko." Pahabol na sabi ko.

Napabuntong-hininga ako.

Makailang beses ako na tumitig nang paulit-ulit sa relo ko upang siguruhin ang oras. Nakaamba na rin ang telepono sa pagsagot ng magiging tawag ni Yael kung sakaling makatunog. Hindi ko pa napaalalahanan si Meil na subukan siyang padalhan ng mensahe kung naroon na para alam kaagad, ang kaso'y, masyado namang matagal bago siya makarating ulit sa City Jail.

Sa pagkakataon na tumapat na sa alas-diyes ng gabi ang oras sa relo ko, itinipa ko na ang numero ng asawa at naghintay ng ilang minuto.

"Henriette..."

"Where are you?" I asked.

Matagal bago sumagot si Yael sa linya. "Uh... why?" At hindi pa 'yon ang bagay na tinanong ko.

"Isinugod namin si Sho sa hospital," paliwanag ko bago siya magtanong muli. "Nariyan ka na ba sa bahay? Nahimatay ang bata kanina habang nasa tapat ng kainitan ng araw sa labas ng school. Buti at nar'on pa rin si Diko mo kahit na papaano k-kaya... kaya mabilis ko siyang naisugod dito."

"Kinumbulsyon siya. Siguro ay kulang dalawang minuto rin. Matagal ang tulong sa paaralan, kaya n'ung tumigil ay diniretso namin. S-sobra ang panginginig ng katawan niya, Yael... Hindi ko alam ang nangyari. Basta lang siya nanonood ng mga batang naglalaro, at tumatawa. Then, I just found his body lying down. Kahit 'yung mga bata ay napasigaw dahil bigla na... bigla n-na lang ang pagkatumba niya," humikbi ako. "Hindi ko alam ang nangyari. Kahit na ako ay parang nanginginig din ang buong katawan. Nagulat lang ako at wala man lang siyang ipinakitang sintomas ng kung anong sakit."

Pinigilan ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Hindi ko na mapigilan ang sariling emosyon na kainin ang sarili ko. I feel so weak today.

Mas lalong natahimik ang kabilang linya kung saan nar'on siya. Wala na naman akong nakuhang tugon.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon