Kabanata 59
Diary
"Pumunta ka sa bahay ngayon. Kailangan ka rito."
Kaagad na kumunot ang noo ko bago pagmasdan ang anak. Kailan pa ako naging kailangan sa bahay?
"Halieta is on her way," Diko said. "Nalaman niya lahat ng sinabi sa iyo ni Eritrea..."
"Ano?"
"You're the only one who can stop your Ate." He claimed. "Matteo..."
Mas lalong naguluhan ako. "Can't you tell her that, Diko? Just ignore Eri—"
"Matteo, hindi makikinig 'yang Ate mo sa akin. Lalo na't desidido siyang pumunta, at hindi ko alam ang pwede pang mangyari. Baka mamaya ay magkasakitan itong dalawa..." Tila balisa ang kanyang tinig.
Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Hindi maaaring maiwan ang anak ko nang mag-isa rito. Hindi ko rin siya nais na isama habang may nangyayaring ganoon sa bahay.
Puro perwisyo na lang ang dala ko sa kanila, sa parehas na panahong lumipas at kasalukuyan. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko naman gusto ito. Kahit kailan ay hindi ako gumanti sa ibang tao habang pinoprotektahan ang sarili ko.
Iniiwas kong ipaalam kay Ate ang lahat ng sinabi sa akin ni Eritrea. Mas kumportable akong ipaalam kay Diko ngunit, iyon din ang naging dahilan kung bakit minsan na kaming nagtalo. Susubukan niya sana na kausapin ang pinsan namin, pinigilan ko lang upang hindi na lumaki. Para na rin kina Papa. Wala rin akong magagawa kung iyon na ang inilahad ng labi niya. It actually helped me realize some things. I never imagined it, though. It still weighs me down.
I'm so weak. Wala man lang akong laban dahil... iyon ang nagpahina sa akin ng ganito.
For the past few years na wala ako sa kinalakihang bahay ko, kahihiyan pa rin ang ipinapasalubong ko sa kanila oras na magpunta. It sucks to be an Alta Vier. I mean, it sucks to be Seith Matteo Alta Vier. I always wish I could do something.
Hinayaan kong maglaro na lang sa labas si Sho. Ang mga pinagkatitiwalaan kong tao sa village at likuran ng bahay ay pinaalalahanan ko na lang sa simpleng paraan. I just want him to be safe without me. Ngiting-ngiti ang anak ko nang makipag-usap sa mga kalaro niyang bata.
Nag-aalala akong nagtungo sa loob ng kotse. Kailangan ay mauna ako roon kay Ate at mapigilan siya sa kung ano mang binabalak na gawin. Hindi tatawag si Diko kung alam niya sa sarili na kayang kontrolin ang dalawa. Paano kung magkasakitan nga sila ng pinsan namin dahil sa akin? Hinding-hindi ko pababayaan na mangyari iyon.
I could still remember the time when I tried to prove it myself. I never asked other people regarding to that case. Mayroon pala akong ginamit na isang sim card dati kung saan naroon ang lahat. O kung hindi man lahat, natagpuan ko pa rin ang hinahanap. Sometimes, I just wish na hindi ko na lamang nabuksan iyon sa telepono.
When I stared at the evidence in front of me, my heart started pounding in my chest. It was fast and it almost burst out in pain. I saw some contact numbers, messages, and call history. The last text message and call just turned a year ago. Hindi ko kinaya ang mga nababasa kahit na tipid ang naging mga sagot ko roon. Itinago kong muli. Pinili kong hindi itapon iyon upang maiparating sa doktor ko. Isa iyon sa ebidensya na masakit man sa pusong panatilihin sa kamay ko ay... maaari namang makatulong na kilalanin kung sino ang alter ko.
I couldn't believe what I had done. The guilt and shame washed over me like a tidal wave... And the worst part? The feeling of betrayal and sudden loss of trust.
Wala pang kinse minutos ay nakarating na ako sa bahay. Muli kong nakita ang Papa sa labas na nakaupo at nagpapahinga kasama ang asawa.
"Yael!" Gilalas ni Tita Sayonara at ngumiti. "Napadalaw ka ulit? Hindi kita nakita noong nakaraang pumunta ka raw. Sayang, may ipabibigay pa naman sana ako para kay Sho at Hillary! Ay sandali lang, anak, ipapakuha ko na..." Pagdaldal niya pa bago magtawag sa isang kasambahay nila.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...