Kabanata 64

929 18 3
                                    

Kabanata 64

Letters

"I want to give you something, Ma."

"What's that?"

Matagal ko nang pinag-iisipan ito, mula pa noong ipanganak pa lang si Sho. Hindi ko lang mabitawan dahil bukod sa hindi namin kinailangan ng pera at hindi naman kami nag-sort sa budget kahit kailan, sa palagay ko ay mahalaga rin sa akin iyon.

I chuckled a bit and pouted. I don't know, but I'm excited. Dapat ay dadalhin ko lang siya sa labas upang maglibot bago sunduin ang anak ko.

"I want to give you... this."

Lumawak ang ngiti ko nang mabuksan ang pinto ng sariling condo.

Her eyes widen again. Napalihig na lang ang ulo ni Mama sa kawalan.

"This one?" She asks.

"Yes, why?" Is there any problem?

"You're casually giving me a condominium?" Bahagyang tumawa si Mama. "Anak, you're so random. Parang kanina ay tungkol sa dormitory lang ng paaralan ninyo dati ang usapan natin, ah. Gaano ka ba kayaman?"

Sinundan ko lang siya ng tawa. Kung alam niya lang na ilang taon na itong walang tao. Ang huling punta ko rito ay bago ako mapatayo ng bahay para sa amin ni Henriette, tapos ay isang beses lang na bumalik noong kasama siya.

Inilibot ko ang paningin sa buong condominium. Gladly, natututukan ko naman sa nakalipas na taon kahit na hindi nagtutungo. Malinis ang kabuuan ng paligid, ang mga gamit ay naroon pa rin naman. May sentimental value  ang lugar na ito sa akin.

She told me earlier that she wanted to settle here for good. Hindi partikular sa probinsyang ito na pinanggalingan niya, ngunit dito sa bansa. And I think, this is a great gift for her.

"Parang ayaw ko nang manatili dito," ani Mama. "Pero parang gusto ko rin."

"Ma, kung nag-aalala ka sa kaligtasan mo oras na malaman ng mga kamag-anak ko, hayaan mo ako na gawin ang parte ko rito." I whispered calmly.

Kita ko ang tagong pangungusap ng mga mata ni Mama bago lumakad patungo sa ibang parte ng condo.

Alam ko na may takot pa rin siya dahil sa pagbabanta ng pamilya noon. But if she was able to move forward, why can't they do the same? Matagal nang nangyari iyon, at sila-sila rin ang nagsabi na kalimutan na ang lahat. Kaya kung binabalak nila na ituloy ang plano kay Mama, bakit hindi nila gawin ang mismong sinabi nila.

Kung sakaling malaman nila na nakilala ko na si Mama, maaaring gamitin nila ang asawa ko na wala rito, laban sa akin, kung magkagulo man.

I swallowed my own saliva and breathed heavily. Hindi sa pinag-iisipan ko ng masama ang mismong pamilya ko, ngunit sa dami ng dinanas niya roon ay hindi na ako magtataka. Handa akong gawin ang lahat para lang protektahan sina Mama, si Sho, at si Henriette.

Kahit ikamatay ko pa iyon.

"Huwag ka nang umalis, Ma," diretso kong nabanggit ang kanina ko pa iniisip. "Dito ka na lang."

Napangiti si Mama. "Parang gusto ko na nga lang na bantayan si Sho kapag nasa trabaho ka, kaysa ang umalis."

"Kung napapagod ka na sa trabaho mo, maaari naman na hindi mo na iyon ituloy. You can live peacefully here. O kung gusto mo ay sa bahay."

"Hindi naman yata pwede iyon." Humalakhak pa siya. "Of course, gusto ko pa rin na mag-travel. Hindi dahil sa trabaho ko, pero dahil sa mas naipapahinga ko ang isipan ko roon."

Sunod-sunod ako na tumango nang napagtanto ang lahat. Right, Yael. Why would you ask her that? It's like asking her to stop to do the thing she love the most.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon