Kabanata 56
Unknown
Halos mabingi ako nang paulit-ulit na umalingawngaw sa aking tainga ang sinabi ng doktor.
Suddenly, I just wanted to become deaf.
"I was expecting for a... normal result," humina ang sarili kong tinig.
"I know, Mr. Alta Vier. This is not the result we expected. Months ago, you've shown some symptoms. But that's not enough for us to diagnose you with such dissociative disorder. Isa pa, I was asking if you have some medical informations or diagnosis before when you are still a child. You told me na naiwan mo sa bahay ninyo noon at..." He laughed slightly. "Baka itinapon na ng Papa mo. That time, nanghinayang nga ako dahil lubos na makatutulong iyon sa atin para alamin ang medical history mo at ang kasalukuyan. Because in different kinds of mental illnesses, hindi lamang sintomas ang tinitingnan."
"But from several symptoms you've experienced, reported, and have shown to us, simula noong magpatingin ka dahil nag-aalala ka, hanggang sa maibigay sa akin ng Kuya Meil mo ang mga dati mong medical informations and diagnosis na nakuha niya," mapait na napangiti ang doktor. "Akala natin ay simpleng makakalimutin ka lang talaga, ano? But, Dir. Yael, it's a serious condition..."
I wanted to tell him everything now. I wanted to tell him all symptoms I've experienced these past few months, the unconscious and uncertain state of mind... new and unfamiliar things to me... but I guess, it won't help anymore. It's not normal anymore... I wanted to ask him kung may pag-asa pa ba. Dahil, mayroon pa naman.
Hindi ba?
"Graduate ng Psychology ang Ate mo, hindi ba?" He asked while reading some papers. "She's a professor in Wesleyan?"
"Yes, Doc."
"Did you tell her about the symptoms?"
"Hindi po," I clarified. "Ayaw ko ho sanang makapanggulo pa. May sariling buhay po ang Ate ko. Kung maaari lang na sarilihin ko talaga ang lahat, sasarilihin ko na lang po."
Napakunot ang noo ni Doc. "How about your wife?"
Tumango ako.
"Henriette knows the symptoms," I smiled. "Noong unang beses pa lang po na normal ang naging resulta, sinabi ko sa kanya ang mga naramdaman kong sintomas noon. Still, I'm aware that it wasn't enough. I'm asking her random things that seemed unusual or new to me. Even my son."
Sunod-sunod na tumango si Doc. habang inoobserbahan ang mga medical results na hawak niya. Matagal bago siya muling makatugon.
"Alright... I will explain it to you one by one, so that we could understand your condition, ha?" I nodded.
"Mas kilala ng maraming tao dati ang kondisyon mo bilang Multiple Personality Disorder or Split-Personality Disorder. The right term to use now is Dissociative Identity Disorder, wherein it's a serious mental illness that belongs to a group of dissociative disorders. Kasama rito ang Dissociative Amnesia, Depersonalization-derealization, at ang sa iyo, Dissociative Identity Disorder. Sa class na ito ng mental illnesses, ang isang tao ay madalas na mawala sa sarili niya at sa realidad. They're most likely to be uncertain or unconscious of what's happening or what happened. They don't have any control in their bodies, especially in their minds, when something triggered the illness. Well I mean, not always, dahil hindi naman laging sa extreme emotions or something na nakakapagpa-trigger lumalabas ang ganitong kondisyon. At an unknown instances, bigla-bigla na lang na lalabas iyan sa isang tao."
"People with Dissociative Identity Disorder have two or more different personalities. Alters ang tawag sa mga personalities na iyon. Iba siya sa alter ego na tinatawag. Since ang alter ego ay ginagawa ng isang tao. They're aware of the sudden change in behaviour or attitude. They're in control. While it's totally opposite in Dissociative Identity Disorder." He explained clearly.
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...