Kabanata 6

1.9K 34 11
                                    

Kabanata 6

Drunk

"Nanay? Tatay is drunk and he's looking for you."

Kumalansing ang mga kutsarang isinasalansan ko sa lalagyan. Kahit na ang anak ko ay nagulat sa paghulog niyon. Maingat lang niya na pinulot at iniabot.

"He's drunk?" Pinilit kong maging mahinahon kahit sa tinig.

"Opo." He nod his head continuously. "He smells like white wine."

"What?" Your Father always smells like sweet wine. "How did you know the smell of white wine, anak?"

"Sometimes, he smells like fresh grapefruit," paliwanag ni Sho. "But, most of the time, he smells so sweet. Like a lychee jelly ace."

Damn it. He already knew the smell of wine! And he likes it...

Humanda ka sa 'kin, Yael. Kapag naging lasingero itong anak mo at nagpunta-punta sa night club na malayo dito, lagot ka sa 'kin. Sisiguraduhin kong hindi ka na gigising kinabuksan sa mundong ibabaw.

"Nanay... He's looking for you outside..." Muling pakiusap ng anak ko. "Tatay looks so frustrated. Wala ka po sa paningin niya... He's tired and dizzy na rin po, Nanay... He needs you. And your help too."

Napabuntong-hininga ako. "Go back to him. Tatapusin ko lang 'to then I'll take care of him."

Dahil sa kagustuhan na lumabas ako ay dali-daking sumunod siya. Natapos ko na naman ang ginagawa kaya susubukan ko lang ang bata.

At ano naman ang pumasok sa ulo ng Tatay niya't umuwi nang lasing? Bakit ipakikita niya sa anak niya? Clearly, naamoy siya ng anak. Nakilala ang matamis na nalanghap mula sa alak.

Dumire-diretso si Sho patungo sa Ama na nasa kwarto habang nakaupo sa kama. Naging madali na lang sa 'kin na silipin siya habang nakatago ang katawan sa pinto ng kusina.

"Tatay," bumungisngis ang anak ko. "I already told Nanay... She said that she'll take care of you when she finished arranging those dishes."

Nangusap ang mga mata ni Yael kahit na pilit napapayuko.

"Really? She said that?" Mahinang tanong niya, sapat lang upang marinig ko. Hindi na kinakailangang basahin ang galaw ng labi.

"Opo... But, you should rest first, Tatay. So, you won't get dizzy..."

"I'll wait for Henriette here..."

"Oh?" Mabilis na nagpalipat-lipat ng tingin si Sho sa 'kin at sa Ama.

He's drunk. Totoong nakainom siya base sa pagkakaamoy ng anak. Dahil kung hindi, walang hahanapin na asawa si Yael sa tabi niya.

Sinundan ko ng tingin ang ginagawa nila. Ang asawa ko'y walang pag-aalinlangan na naglabas ng wallet.

"Can you hug Tatay?" Maingat na tanong niya sa bata.

Tila natuwa si Sho sa tinuran ng kasama. Mahigpit na nagbigay siya ng yakap gamit ang maliit na braso. Ipinahinga niya pa ang nanghihinang ulo ng Tatay sa balikat niya.

You're doing right, anak. Sanayin mo ang sarili mo na yakapin ang Tatay mo palagi.

Pakabitaw ay agad na napuno ang daliri nito nang libo-libong pera na nagmula sa kanya.

"This is 10 thousand, anak. For your baon, ha?" Tipid na ngumiti si Yael. "Or g-give it to Nanay, she'll hide it for you."

"This is too much, Tatay--"

"That's okay. Ipunin mo para sa laruan mo."

"But, I don't like toys. I like bente pesos better, Tatay..."

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon