Kabanata 58
Lagda
"Did you know that you cheated on her multiple times?"
My eyes suddenly drifted at Eritrea. She slightly raised a brow before speaking again.
"With different girls, of course. 'Yan namang asawa mo, kinukunsinti ka lang." Dagdag niya pa. "Ewan ko sa inyo. Ang gulo niyo rin parehas e."
Mas lalo akong natahimik...
"Sinabihan ka lang na ayos lang sa kanyang makita kang may ibang babae, ginawa mo naman?"
"I never did that..."
"You did, Yael," Eritrea defended. "At 'yon ang hindi mo na mababago. Galit na galit ka sa Papa mo noon dahil nangaliwa na minsan sa asawa niya kahit na ang Mama mo naman talaga ang naging babae niya... Pero tutulad ka rin pala sa kanya."
Hindi nagp-proseso nang maayos ang isipan ko sa sunod-sunod na impormasyong pumapasok. Those words are cruel enough to hurt me... Ngunit kung madadamay lang din ang mga taong wala rito, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Please don't mention my Mother if you're going to talk about those..." Pakiusap ko.
Natigilan sandali ang pinsan ko. Pinaglaruan niya ang sariling kinauupuan.
Maaari niya akong kausapin sa paraang gusto niya. I will let her hurt me, yell at me, insult me, or even shoot me, para matapos na ang lahat ng ito. Pero hindi niya kailangan idamay ang taong wala namang kinalaman dito. My Mother knows nothing about those. Hindi dapat na madawit siya sa kahit na anong kagagawan ko.
Mariin akong napayuko sa kamay. I caress my own hand as Eritrea browse on her phone.
"Do you know her?"
Muli akong tumingala. Itinapat niya sa akin ang litrato ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin.
Umiling ako.
"How about this girl?" Tanong niya pa sa sandaling pagtingin ng ibang litrato.
It was a different girl. But the same thing is, she's not familiar.
"I don't know her..." I whispered.
She sighed in disappointment. "Hindi mo kilala ang mga babae mo?"
Si Henriette lang ang babae ko...
Sarkastikong tumawa pa siya. "May anak ka. Ang bata-bata pa niya. Hindi ka ba nahiya at nambabae ka pa?"
Wala akong sagot doon. Because how could I respond to everything if I cannot understand a single thing?
"Maybe, you really married your wife for peace. You didn't really love her. And it sucks knowing na nagpaka-martyr siya sa iyo sa loob ng mahigit ilang taon dahil hindi niya kaya na iwan ka. I want to know kung... bakit? Ano ba ang mayroon sa iyo kaya hindi ka niya kayang iwan? Hindi naman pera dahil mayaman naman din ang asawa mo. May sarili siyang yaman. Are you hiding a little secret, hm? Baka may sikreto kayo parehas na ayaw niyang mabunyag oras na umalis siya. O hindi kaya dahil may anak lang kayo na dalawa?" Her brows raised slightly. "You guys are weird..."
"Akala ko ba ay nadala ka na noong nagahasa ka ng dati mong girlfriend?"
Some forgotten memories suddenly popped up in my mind... And it made me... weaker... and numb at the same time...
"Na-attach ka rin pala minsan sa mga babaeng katawan lang ang habol sa 'yo, hm?" My cousin laugh hysterically. "Well, obvious naman na halos lahat ng mga naging babae mo habang wala ka sa paningin ng asawa mo ay katawan lang ang habol sa 'yo. Akala mo siguro hindi ko malalaman, ano? I've been watching you for years, Seith Matteo. At kinilala ko ang lahat ng naging babae mo para na rin sa kapakanan ng pamilya. Malay ba natin kung inakit ka lang nila dahil may balak na masama sa atin, hindi ba? Mas mabuti nang ayos. Baka maipahamak mo na naman ang sarili mong angkan, nakakahiya."
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...