Kabanata 62

621 19 0
                                    

Kabanata 62

Without You

"Nag-back-out 'yong actor?"

"Ha? Bakit daw?"

"Hindi niya nagustuhan 'yung role niya. In which, it's a Filipino soldier from British occupation in Manila," Yura explained properly. "It happened na nauna natin niyang tinanggap ang offer kaysa sa pagbasa ng script. Nangyayari talaga iyon, kaya dapat masanay na."

Si Onil ang unang umangal. "At bakit naman niya tatanggapin ang offer in the first place kung hindi niya pa alam ang gagawin?"

"That's why may sudden change sa decisions niya. It was too sudden na ngayon nila lang sinabi..."

"He shouldn't do that again, if ever. Tayo ang nahihirapan. Imagine, may mga nag-audition for role na suitable din naman, pero siya itong napili because siya ang madaling tawagan. Tapos bigla na lang mag-b-back-out all of the sudden. Ano bang akala niya sa teatro? Laro?" Pag-r-rant pa niya.

Kararating ko lang sa trabaho at ito agad ang bumungad sa tanghali ko. Kanina pa sila nagtatalo-talo at ang dalawa kong aktor ay nakasabay ko lang papasok. Kahit sila ay wala ring nalalaman sa nangyari.

Hindi mawawala ang mga aktor na bigla na lang mawawala kung kailan malapit na ang rehearsal at ang mismong play. Normal na lang ang ganitong sitwasyon sa amin. Kada-dalawang-buwan yata ay nakararanas kami ng ganito. Ang mabuti lang para sa kanila ay hindi sila pumirma ng anumang kontrata sa amin, kaya napakabilis na magdesisyon sa tuwing aalis.

I'm not a very good director. I'm still learning.

"May gusto ba sa inyo na pumalit?" Pagbabaka-sakali ko. "Hindi ko alam kung makakukuha pa ako sa mga nag-audition noon. It'll take a lot of time for us to contact them. Besides, I trust you guys more."

Sandali silang nagkatinginan sa isa't isa. Alam ko na ayaw nilang mahirapan lalo ngunit, maaaring ito na lang ang alternatibo.

Bago sila makapagsalita ay tipid ako na ngumiti.

"Sige na. That's the end of our rehearsal today."

"Ha?" Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila.

"Bakit? Ayaw niyong magpahinga na muna?" I asked them again. "Alright, then let's go back to the stage—"

Doon ay isa-isa silang nagsitakbuhan papunta sa kanya-kanyang gamit. Tilian at tawanan ang kasunod na narinig ko.

"Bye na! Tangina niyong lahat."

"'Wag ka nang bumalik, Lola!"

Liberty raised her middle finger at Liv, who's younger than her. When she realized that she had married a pastor, she immediately put it down.

Taka na tumitig sa akin ang mata ni Yura.

"Tapos na po tayo, MC?" Tanong niya. "Hindi pa po nakakapag-final-rehearsal sa araw na 'to, Sir..."

"Do you trust me?"

"Po?" Her brows raised. "Opo, MC."

"Then, ako na ang bahala rito." I said. "Magpahinga na muna kayo. I'll take care of the lead actor."

"Thank you po..."

"Whole day ang rehearsal bukas, from 5AM to 7PM, kaya dapat ay makapagpahinga ang lahat. Magbibigay ako ng penalty sa mahuli kahit na isang minuto. Drop a reminder later," at tsaka ako naunang maglakad palayo.

Sandali akong naghintay sa paaralan ni Sho nang maagang dumating. Imbes na maghintay sa loob ng kotse tulad ng dati, diretso akong pumasok.

I saw groups of senior high school students whispering some things while looking at me. Most of them blushed.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon