Kabanata 42

1.6K 22 2
                                    

TW // Rape

Kabanata 42

Taught

"Hindi ko alam, Henriette. Pasensya na kung ngayon lang ako naging handa, pero..." Napapahiya akong yumuko. "Mahal kita."

Sa dami ng sinabi ko ay alam kong doon lang susuko ang lahat ng mga salita ko. Kinuha ko na ang pagkakataon na nakipag-usap sa akin si Henriette kahit sa sandaling oras.

"I'm sorry kung masyado akong huli na napaamin," tumatawa ko pang dagdag. "Hindi rin kita gustong madaliin. Study first ka, hindi ba? At... pinakiramdaman ko ang sarili ko kung dapat ba ako na umamin, because honestly, mas ayaw ko na masira ang ilang taon na pagkakaibigan natin."

Nanlulumong tumingin sa akin nang diretso si Henriette.

"You know... I don't want to lie. I don't want to hide something and to pretend like nothing happened. 'Di mo naman kailangan na sagutin ang sinasabi ko. Kahit na hindi mo ako gusto, ayos lang din sa akin. Gusto ko lang na malaman mo at... sana... Sana hindi masira ang pagkakaibigan natin matapos nito. Hindi naman ako magbabago, ang pagtingin ko sa iyo, oo. Pero sana iyong Henriette Sonare na nakilala ko ay iyong Henriette Sonare na haharap sa akin pakatapos nito."

"Beyond everything, it was you whom I chose to love continuously... Henriette."

Hindi ko ito inamin para mapakitang-gilas sa kanya o pumorma. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Naging tapat ako sa sarili ko dahil ayaw na ayaw ko na magtago ng sikreto. Hindi niya ako mapagkatitiwalaan sa lahat, kung sakali.

Mahal ko siya, kailangan niyang malaman iyon. Ang lahat ng ipinakikita ko ay talagang may ibig sabihin, isipin man niya na masama, alam ko sa sarili ko na kahit kaila'y hindi ako naging peke sa kanya. Totoo ang lahat ng iyon. May iisa akong salita.

May iisa lang ang nanatili rito sa akin.

Her face looks so shock–a typical reaction. Imagine, umamin sa iyo ang kaibigan mo, may iba kang nararamdaman ngunit lamang ang hiya at panghihinayang. Dahil iniisip mo ang susunod na mga araw, at dahil nananatili sa iyo ang panahong lumipas.

Henriette breathed heavily. I was about to take a step to caress her back, but then, she suddenly played her long fingers. Her head was looking down too.

"I didn't expect that." She laughed hysterically. "I really didn't expect t-that, Yael... I'm sorry."

"Don't feel sorry." I said gently.

"At gusto kong sabihin na nararamdaman ko rin 'yun sa tuwing magkasama tayo, Yael. Hindi ko kailanman na hindi naramdaman sa 'yo 'yun." Tipid siya na ngumiti. "Akala ko n'ung una, malambing ka lang sa babae. Dahil wala kang Mama, at iba ang nararamdaman mo sa tuwing nakikita mong mabait sila sa 'yo kahit na gan'yan ka kung umasta. Iyong natural na natural sa sarili."

"'Di naman ako manhid para hindi lang pansinin 'yun o isawalang-bahala. Pero, hindi ko rin tinanong sa 'yo dahil baka tuksuhin mo ako. O 'di kaya'y masabihan na feeling-era." She moved her body a bit. "Ramdam ko 'yun, Yael. Ibang klase ka kung magparamdam ng pagmamahal mo sa iba."

My eyes twinkled when I saw her clear face. She took off her glasses to remove some strands of hair that were slightly covering her cheeks.

She felt that? She felt... that love?

"Masaya ako na umamin ka ngayon. At least, alam mo kung papaano magpakatatag sa harap ng mga kinatatakutan mo. Hindi ko sinasabing torpe ka dahil 'di ka pa naman handa n'ong mga oras na may kakaiba ka nang pakiramdam... sa 'kin. Alam mo rin na gan'on ako."

"Henriette..."

"But, that's not the reason why I called you earlier today. It's because, I want to tell you something too."

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon