Kabanata 53
Your Home
"Baby na baby mo naman masyado iyang anak mo. Baka mamihasa."
Napairap ako sa muling pag-angal. Lingid sa kaalaman ko, hindi pa buo ang araw na ito.
"Malamang bata pa. Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'yan," may diing tugon ng asawa ko.
"That's not what I'm trying to say," I told her. "If he's trying to be independent or do some things by himself, just let him. He'll not try it if he cannot."
"Uh! Nevermind." She gave up. "Malaki na baby ko e."
Napaungos ako. Wow. She's really making me jealous.
"Tinulungan akong magligpit ng hinigaan kanina," she added.
Nagpatuloy lang ako sa pagpedal habang patuloy na nagp-proseso ang sinabi niya sa utak ko.
Kusang bumagal ang takbo ng bisikleta sa kontrol ko nang mapagtantong... ako ang tumulong sa kanya na magligpit kanina.
Ilang beses akong napakurap. Tila ayaw pang tanggapin ng sistema ko ang lahat nitong mag-iwas sandali ng tingin. I could feel the tension building up in between us. Even my cheeks could feel its own heat.
"Eme." Sabi ko.
"E 'di h'wag," sabay suntok sa akin. "H'wag na, Yael. Gan'yan ka! Ang slow-slow mo."
I laughed hysterically. I never said that I didn't get it!
"Ito, parang hindi asawa. Ang sakit mong magsalita..."
"Aba malay kong magiging asawa pala kita talaga." Natatawa niyang gatong pa. "Hindi ko inakala na magkakatotoo 'yung pinagsasasabi natin n'un."
"Well for me, I will intentionally stay single for years." I defended. "Alam kong wala kang magiging boyfriend."
"You think so?"
"Yeah."
"Why?"
"Except from being an old-fashioned woman—na sa palagay ko'y mahirap ligawan," bahagya akong humalakhak. "I just think that you'll not get married until you reach a certain age. Maybe, 32 or something."
Sandaling natahimik si Henriette.
"Naalala mo pa iyon?" Lumingon ako. "May napag-usapan tayo noong nasa graduation ball tayo. Sabi mo noon, hindi ka mag-a-asawa, hindi ba ba? Pwedeng magka-boyfriend, pero hinding-hindi magpapakasal. Sa ilang beses na naulit iyong usapan natin, wala ka na bang natandaan?"
Mas lalong humaba ang katahimikan sa pagitan namin.
"Uhh... Me'ron naman." She said. "Sa lahat ng kaibigan kong lalaki, sa 'yo lang naman yata ako nakapagsasabi ng gan'un."
Sunod-sunod akong tumango. "I just shared it," I chuckled. "I want you to know that."
"Madaya ka..."
I pouted. "There's nothing wrong."
"Madaya ka," pag-uulit ng asawa ko. "Sasadyain mong maging single para lang abangan ako kapag 30 years old na? E ang usapan ay kapag wala lang naman tayong jowa n'un, ah."
"Gusto ko kasi."
"Ano 'yon? Paano kung may boyfriend ako n'un? O kaya'y ikakasal na? Anong gagawin mo?"
"E 'di best wishes," napaungos agad ako. "Tangina niyo, kahit masakit, okay lan--ahh! Hehe..."
Hinilot ko ang parteng nasabunutan niya.
"Patay na patay ka talaga sa 'kin."
"Medyo lang. Feeling-era ka..."
Well if I promised that, hindi naman masamang hindi tuparin kung para sa sarili. And besides, it was my choice. Kung sakaling may nobyo na nga siya sa panahong iyon, o tulad ng sabi niyang ikakasal na sa iba, then wala na ako sa posisyon para umangal. Masasaktan ako noon dahil pinilit ko ang sarili ko kahit na hindi naman kinakailangan na talagang maghintay para sa kanya. Dahil ang pangako na iyon ay para lang naman sa hinaharap at kung sakaling may mga bagay na hindi pa napupunan o... wala pa. Kung mayroon na, bakit hindi maaaring maging masaya para sa kanya?
BINABASA MO ANG
Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)
RomanceHenriette Salome Sonare, the wife of one of the most promising musical theater director and playwright, Yael Alta Vier, finds a light in the middle of the dark road. But as days went by, after she gave birth to her lovable child, the light was cover...