Kabanata 31

1.3K 27 0
                                    

Kabanata 31

Deal

"You won't believe me, Nanay. But Tatay said that he loves you so much, just like me..."

"Really?" Good for you, then.

Hindi ko maiwasang mainggit. Unti-unting kinakain ng selos ang puso ko. Siya ang sinasabihan ng lahat, siya ang nakaaalam dahil sa kanya pinipiling ipaalam.

"Pinapasabi niya ba 'yon sa 'kin?" Pagbabaka-sakali ko pa.

"No," masigla pa ring tugon niya. "But that's what Tatay said. He told me to sit down on his lap and then he kissed me, then he said that he loves me and you, Nanay."

"Hmm. I love him too," I smiled. "Gusto mo bang sabihin sa kanya?"

Tumango-tango si Sho.

"Sige. Go and tell him now." Ibinaba ko siya sa kandungan ko.

Malawak ang ngiti ng bata sa labi nang dahan-dahang umabante ng lakad patungo sa kwarto namin ng asawa ko.

Sandali siyang kumatok d'on. Diretso ang tingin ni Yael nitong buksan. Nang walang makitang iba ay awtomatikong napayuko siya.

Maamong lumuhod siya habang pinakikinggan ang mahinang sinasambit ng anak. Ngiti niya pa ang una kong nakita habang nakatapat ang tainga sa bibig ng bata, kinalaunan ay nawala 'yon.

Yael gave me a confused face right away when our eyes met. His brows furrowed as he tapped his son's shoulders.

Kusang sumara ang pinto ng kwarto.

"Nipalayas ako..." Bulong ni Sho sa sarili. Kamot-ulo pa siyang luminga habang naglalakad patungo sa 'kin.

"What happened?" Umakto akong hindi ko nakita ang anuman.

"His cheek looks like my cheeks now," he cupped his little face while chuckling. "So cute."

"Just like your cheeks?" I poke his face, blushing.

"Yeah... It turns red so fast." Chismis pa ng bata.

"Baliw talaga 'yang Tatay mo," sabi ko na lang.

Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Malamang ay kapag nasabi ko 'yon ay tatanungin niya kung ano ang kahulugan ng siraulo.

"You know, Nanay, Tatay told me something too." He added.

Mas lalo lang ako na natuwa sa mukha niya. Kumikinang ang mga mata niya parati, habang ang ekspresyon ay hindi mabago-bago. Tingnan ko pa lang sa mukha ay alam ko na kung ano ang nararamdaman niya.

"Spill," I said.

"Oh?" His mouth formed an 'o'. "I don't k-know how to spell everything yet..."

I laughed. "Tell me."

"Tatay said that he's planning to leave the dome," nanlalaking-matang aniya. "He said that he's not good. I don't know, but I said that he's a very very good guy and director. Even though he's strict."

"He wants to resign, Nanay..."

Sadyang napakurap-kurap ako sa pagtingin sa nangungusap na mga mata ng anak. "Sabi niya 'yun?"

"Opo." Sho nodded. "He wants to leave his job and find another one. Easier job! Because... he wanted to take care of me. And you, Nanay..."

He don't need to do that. Kung gusto niyang magpaka-Tatay sa anak, hindi niya kailangan na iwan ang isang mahalagang bagay sa kanya. Kung gusto niyang unti-unting gawing tama, hindi siya dapat na sumuko sa isa pa.

Mahal na mahal niya ang trabaho, sobra-sobra. I can't describe how much he loves his job. He chooses to leave that family and pursue his passion rather than his dreams. It was different. His dreams are definitely different from his passion.

Timelapse of Catastrophe (Solis Occasum Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon