Chapter 29: Honeymoon

255K 5.2K 112
                                        

Chapter 29:
"Why do they call a honeymoon, a honeymoon?"


I love you.

3 words, 8 letters, minsan nakakapagdulot ng saya pero madalas nakakapagdulot ng pagkabaliw.

"Blaze?"

"Yes?"

Should I ask him about what he said before I passed out? Alam kong sinabihan nya ako ng I love you. Kahit na ba hindi masyadong malinaw ang memorya ko dahil sa nangyari sa akin, pero sigurado akong yun ang narinig ko. But what if he denies it? Paano kung sabihin nyang naghahalucinate lang ako? Pero paano din kung umamin sya na tama ang narinig ko? Ano ang gagawin ko?

"Wa-wala naman, papansin lang"

Tinaasan ako ng kilay ni Blaze, he obviously doesn't believe me.

"Just spill it"

Nag-iwas ako ng tingin at pinaglaruan ko na lang yung itlog na nasa plato ko. Kasalukuyan kasi kaming nagbe-breakfast ni Blaze sa hotel room namin. After that schocking incident, isang boung araw din akong nagpahinga.

"Im still waiting" Blaze said while sipping his coffee.

"Wala nga, ang kulit mo naman" pagkakaila ko padin.

There's a 50% chance that I heard him wrong, ayokong mapahiya so I don't want to risk it.

"Fine, suit yourself but I want to know what really happened back there. Siguro naman may natatandaan ka na kahit konti sa nangyari sayo"

Bigla tuloy akong napaisip. Ano nga ba talaga ang nangyari, kahit kasi ako medyo naguguluhan.

"E-ewan?" Hindi siguradong sagot ko, hindi ko kasi talaga matandaan ang nangyari.

"Alalahanin mong mabuti"

I tried to rack my brain, if I remember correctly, lumabas ako para magpahangin. Ilang minuto ko ding pinagmasdan ang karagatan at nung nilamig na ako nagdesisyon akong pumasok na sa loob. Ayun nga lang imbes na makarating sa loob, sa ilalim ng dagat ako napadpad. The big question here is~ how?

"Hindi ko talaga matandaan kung ano ang nangyari, basta ang natatandaan ko lang lumabas ako para magpahangin and the next thing that I know muntik na akong maging fishfood sa ilalim ng dagat"

"Isnt it ironic? The first time that you ask me something and this happened to you. Hindi ko alam kung accident prone ka lang ba talaga o sadyang may nagbabalak ng masama sa buhay mo."

So kasalanan ko pa pala ngayon? Ako na nga yung muntik mamatay tapos ako pa ang nasisi sa bandang huli.

"By the way, I need to cut our honeymoon short. We are going home later this afternoon so I can arrange certain procedures for your safety"

"Ho-Honeymoon? Wha-what do you mean by honeymoon?"

"Honeymoon, consummation of marriage. What kind of definition would you like me to give you? At bakit ba mukhang gulat na gulat ka?"

"A-akala ko kasi gagala lang tayo. Hindi mo naman ako ininform na honeymoon na pala natin ito"

It never cross my mind that this is a honeymoon, our honeymoon, akala ko simpleng gala lang.

"I already told you about my plans, ikaw lang itong palaging wala sa sarili. Sayang lang dahil wala pa tayo sa good part"

The good part? Is he talking about 'that'?

Feeling ko namumula na ang mukha ko, kaya tumayo ako para sana pumunta sa CR pero bago pa man ako makalayo humarang na si Blaze sa daraanan ko.

"Scaredy cat"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon