Chapter 21:
"A good intention doesn't guarantee a good result."
"Good Morning"
Binati ako ni Raven pagpasok nya sa dining room kung saan ako kasalukuyang kumakain ng umagahan. Today is a school day kaya papasok na ako pagkatapos kong kumain. Ganito ang daily routine ko, breakfast with Raven in the morning then after that I would go to school. Si Raven lang ang lagi kong kasama, never ko pang nakasama si Blaze sa umaga dahil mukhang alas singko palang umaalis na sya.
"Good Morning din sayo Raven" Ganting bati ko.
Pagkatapo kong kumain dumiretso ako sa harap ng mansion kung saan naghihintay ang kotse na maghahatid sa akin sa school. Binuksan nung driver ang pintuan pero bago pa man ako makapasok sa loob napansin ko na yung baliw kong asawa na prenteng nakaupo sa gilid.
"Blaze! Anong ginagawa mo dito? Akala ko kanina ka pa nakaalis"
"Sabay na tayo"
Okay? Masaya ako na sabay kaming papasok pero hindi ko maiwasan ang maghinala, malamang may binabalak na kalokohan na naman to eh.
Pagdating sa school dali-dali akong bumaba sa kotse at patay malisya akong naglakad na para bang hindi ako lumabas doon. Pero habang naglalakad ako, napansin ko na nakatingin sa likuran ko ang ilang estudyante at karamihan sa mga ito ay babae. Either bumaba si Blaze sa kotse para tignan ako o sinusundan nya ako. Mas lalo ko na lang binilisan ang paglalakad pero bago pa man ako tuluyang makalayo tinawag nya ako.
"KEIRA ASHLYN FERRER! COME BACK HERE! YOU FORGOT SOMETHING!"
Keep walking Keira, I told myself. Kunyare wala akong narinig.
"KEIRA ASHLYN FERRER! GUSTO MO BANG PADANAKIN KO ANG DUGO NG LAHAT NG TAO DITO?!"
Napahinto ako dahil sa sunod nyang sinabi. May puso naman ako at syempre ayaw ko namang may madamay na mga inosenteng tao kaya kahit medyo labag sa kalooban ko nagdadabog akong bumalik sa pwesto kung saan sya nakatayo.
"Ano ba yung sinasabi mong nakalimutan ko?" I hissed at him.
"SO WHAT TIME SHALL I PICK YOU UP LATER WIFEY?"
Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi ni Blaze. Pick me up? At talagang isinigaw nya pa kahit na magkalapit lang naman kaming dalawa. I look at him suspiciously and then realization finally hit me. This is his plan all along, gusto nya siguro na malaman ng lahat na may asawa na ako. Ito ba yung sinasabi nyang punishment ko? Ni hindi ko pa nga alam kung ano yung kasalanan ko.
Naiinis ako. Gusto ko lang naman ng normal student life tapos ganito pa ang gagawin nya. Nagwalk out ako sa sobrang inis.
Pumasok ako sa klase na masama ang loob. Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa canteen dahil magkikita kami ni Ann Dee. Naglalakad ako sa hallway nung makasalubong ko sya.
"KEIRA! KEIRA! KEIRA!" Hinihingal na tawag nya sa akin.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.
"YUNG ASAWA MO!"
"Ba-bakit? May nangyari bang masama kay B-Blaze?!"
"Sorry Keira pero hindi ko kayang sabihin, dadalhin na lang kita sa kanya"
Habang tumatakbo kami ni Ann Dee palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Malapit na kami sa may main gate, isang liko na lang main gate na pero biglang huminto si Ann Dee, akala ko sasabihin nya na sa akin kung ano ang nangyari kay Blaze kaya nagulat na lang ako nung bigla nya akong itulak.
"Sorry best friend. Hihi"
"Ann Dee bakit mo ba ako tinulak?" Nagtatakang tanong ko.
"Thank you very much for delivering my wife Miss Ann Dee"
Anyare? Akala ko ba may nangyaring masama kay Blaze pero heto sya sa harapan ko at mukha naman syang okay.
"AANNNN DEEEEE!" sigaw ko sabay tingin sa kanya ng masama.
"Pasensya na, na-tempt kasi ako sa 5k tapos may chocolates pa. Sige ha sisibat na ako!" Pagkatapos sabihin yun iniwan na kami ni Ann Dee, hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni Blaze.
"Are you mad at me?" seryosong tanong nya.
"Hindi, hindi ako galit sayo. Ang saya saya ko nga ehh. Bat naman ako magagalit sayo? Wala ka namang ginagawang masama ehh"
"Stop with the sarcasm, it doesn't suit you"
"Oo na, oo na. Bitawan mo na nga ako, papasok pa ako sa last subject ko"
"Ayoko"
"Bahala ka nga dyan"
"I'm sorry"
Teka, tama ba ako ng narinig. Blaze said sorry?
"A-anong sabi mo? Pwede bang pakiulit?" Pakiusap ko.
"Hindi ko na uulitin yung sinabi ko na"
Eh di wag. Alam ko namang sorry ang sinabi nya. Lord :) thank you, marunong naman palang mag-sorry ang asawa ko.
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romansa[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...
