Chapter 7:
"I'm the Queen, but I don't feel like a Queen. I'm more of a prisoner in this stone cold castle."
"Wake up!"
I opened my eyes when I heard someone scream and I immediately saw bullet, the girl who tried to kill me.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi ko alam kung anong oras na pero ramdam ko na masyado pang maaga kaya naman para makasiguro tinignan ko ang alarm clock sa tabi ng kama ko. At hindi nga ako nagkamali, alas sais palang ng umaga. Anong ginagawa nya dito ng ganito kaaga?
"Time for your lesson. I'll explain the details later. Hihintayin na lang kita sa library" sagot ni Bullet pagkatapos ay iniwan nya na ako.
What a way to start the day, woken up by the least person that you like.
Kahit na gusto ko pang matulog, naligo na ako at nagbihis. Hindi natin alam, baka bigla na namang sumugod si Bullet dito.
Lumabas ako sa kwarto at naglakad lakad. Nakakamangha ang paligid, lahat kasi ay kumikinang, makikita mo agad na mamahalin ang mga yun, para tuloy akong nasa isang palasyo. Nakakamangha pero nakakatakot din.
Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid, huli na ng marealize ko na naliligaw na pala ako. Hindi ko alam kung nasaan na ako at wala ding tao sa paligid na pwede kong tanungin.
Isa isa ko na lang binuksan ang bawat pintuan na madaanan ko sa pagbabakasakaling yun na ang library pero bigo ako dahil mukhang guest room lahat ang kwarto dito. Yung totoo, ilang guest room ba ang meron sa bahay na to?
Malapit na sana akong mawalan ng pag-asa pero pagbukas ko sa pintuan na nasa dulo ng hallway, bumungad sa akin ang library.
I was expecting a library from the likes of the Beast's library from the animation movie Beauty and the Beast dahil mukhang mansion ang bahay ni Blaze but I was a bit disappointed, medyo maliit lang kasi ang library nya, para lang syang isang malaking kwarto, floor to ceiling ang mga shelves, may isang swivel chair at desk sa gitna at sa likod nito ay may floor to ceiling na glass window, may pintuan sa gilid pero hindi ko alam kung ano ang kwartong yun.
Wala si Bullet sa loob, siguro nabagot na sya kakaantay sa akin o kaya baka sinugod nya na ako sa kwarto. Maiintindihan nya naman siguro kapag sinabi kong naligaw ako diba?
Pumasok ako sa loob at nagdesisyon akong hintayin na lang sya, kung lalabas pa ako para hanapin sya, baka magkasalisi pa kami.
Umupo muna ako sa swivel chair. Pinapaikot-ikot ko ito nung bigla akong makarinig ng kalabog mula sa kwarto na nasa gilid.
Curiosity killed the cat. It's a proverb that warns people of the dangers of unnecessary investigation or experimentation. And I guess I am that stubborn cat.
Lumapit ako sa pintuan at idinikit ko ang tenga ko dito pero wala akong narinig na kahit na anong ingay. Pabalik na ako sa may upuan ng may marinig na naman ako. Hindi na ako nakatiis kaya napagpasyahan kong pasukin na yung kwarto.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sobrang dilim sa loob kaya sinubukan kong kapain ang switch ng ilaw sa gilid.
Hinahanap ko padin ang switch nung bigla na lang sumara ang pintuan. Nagulat ako kaya bigla akong napatakbo sa direksyong pinanggalingan ko kanina at sinubukan kong kapain ang doorknob, pero bago ko pa man ito mahanap may bigla na lang humawak sa braso ko at hinila ako nito palayo. Sa paghila nya sa akin, bumagsak kami sa isang malambot na kama.
Nagpumiglas ako, nadaganan kasi ako ng kung sino mang humila sa akin.
At this point in time abot langit na yung kaba at takot na nararamdaman ko kaya ginawa ko ang lahat para bitawan nya lang ako. Sinampal ko sya at kinalmot hanggang sya na ang kusang lumayo sa akin. Bigla ding bumukas ang lampshade at tumambad sa akin ang katawan ng baliw kong asawa.
He is naked from the waist up and I can clearly see his well toned muscles. His entire body screams perfection like a greek sculpture.
Nag-iwas ako ng tingin, baka kasi isipin nya na pinagnanasaan ko sya. I should also leave or at least say something pero bago ko pa magawa yun sumampa na sya sa kama at unti unti syang lumapit sa akin, like a hunter stalking his prey.
My mind is screaming for me to leave, to run away pero ayaw makinig ng katawan ko. After he confessed his true identity, ngayon ko na lang ulit sya nakita at sa ganitong paraan pa.
Umusog na lang ako ng umusog makalayo lang sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang headboard sa likuran ko.
"What are you doing here?" Seryosong tanong nya.
Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Sasagutin ko palang sana sya nung pareho kaming makarinig ng mahinang katok sa may pintuan. Dahan dahan ding bumukas ito at tumambad sa amin ang seryosong mukha ni Bullet.
"Pardon my intrusion but Keira needs to start her lesson right away"
"Its okay Bullet, she can do whatever she likes, no need for lessons" Blaze said.
Mukhang nadismaya sya sa sinabi ni Blaze. Siguro balak nya akong pahirapan sa mga 'lessons' nya kaya ganun na lang yung reaksyon nya. Pero kahit na dismayado sya, pilit nya itong ikinubli kay Blaze.
Since hindi na tuloy ang lesson, nagpaalam na sya kay Blaze, magpapaalam nadin sana ako nung bigla akong pigilan ng baliw kong asawa.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung anong ginagawa mo dito" tanong nya.
"Dahil sa lesson na sinasabi ni Bullet" tipid na sagot ko.
"Then why are you here? This is not the library, this is my room"
"Kwarto mo to? A-akala ko kasi library yung nasa labas"
"That is not the library, that's my office"
Okay that was really an honest mistake. Malay ko bang office nya yun. Mukha kasing library yung office nya. Idedefend ko na sana ang sarili ko pero sakto namang may kumatok sa pintuan at kung sino man ang nasa likod nito hindi nya na hinintay pang papasukin sya ni Blaze dahil bigla nya na lang binuksan ang pintuan.
"Kuya Blaze~" bungad ni Raven pero natigilan sya nung makita nya kaming dalawa. Nung una seryosong seryoso ang mukha nya pero kalaunan naging mapang-asar ito.
"Would you look at that. So what do we have here?" Pang-aasar nya sa amin.
Agad akong nakaramdam ng hiya pero hindi ko ito masyadong pinahalata sa kanila.
"Shut up Raven. Why don't you annoy the maids or something like you always do" Blaze said.
"Nagawa ko na yun, pero mukhang mas masaya rito, so maybe I'll hang out a bit"
"Get out" galit na sabi ni Blaze.
"Oo na, aalis na ako pero bago ako umalis sasabihin ko muna yung rason kung bakit ako pumunta dito. There are some urgent matters that you need to settle."
"How urgent?" Blaze asked.
"Muerte Maestro" Raven replied.
After hearing those words, his expression become even darker. Agad syang tumayo para magbihis, he even left us without saying a word.
"Sorry about that, may mga urgent matters lang talaga. You could even say its a matter of life and death. I hope you understand"
Of course I don't understand but whatever that Muerte Maestro is, its a blessing in disguise. Kung hindi dumating si Raven baka kung ano na ang nangyari sa aming dalawa ni Blaze. Pero bakit ganun, parang bigla akong nalungkot nung iniwan nya na lang ako basta?
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romansa[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...
