Chapter 6: Save

270K 6.2K 228
                                    


Chapter 6:
"Saved by the Devil"


I am finally going back to the Philippines!

After that near death experience, hindi na ako lumabas pa sa hotel, hindi ko na din nakita pa ang asawa ko pagkatapos nyang aminin sa akin ang totoo nyang pagkatao.

He is a Mafia Boss. I don't know anything about them except what I saw on movies kaya naman hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa nalaman ko.

As I played different scenarios on my head regarding my 'mafia boss hubby', I heard a knock on the door. Alam kong hindi sya yun, hindi marunong kumatok sa pintuan yun eh.

"Tuloy" Mahinang sagot ko.

Dahan dahang bumukas ang pintuan at mula dito ay dumungaw si Raven, ang kapatid ni Blaze.

"Wazzup Sis-in-law kamusta ang honeymoon? Mag-e-expect na ba ako ng future pamangkin?" Abot tenga ang ngiting tanong ni Raven.

Pinandilatan ko sya ng mata. Honeymoon? Pamangkin? Not in a million years!

"Base from that pouty expression of yours, I guess nothing happened huh? Tsk. Ang hina talaga ng isang yun. Don't worry, madami namang ibang pagkakataon o kaya kung gusto mo ikaw na lang ang gumawa ng paraan. Hahaha" pang-aasar nito.

"Ewan ko sayo Raven. So nasaan sya?"

"About that, nauna na sya sa pilipinas, ibinilin ka na lang nya sa akin"

Tignan nyo yung isang yun. Ako yung excited na umuwi pero mas nauna pa sya sa akin. Pero mabuti na din na nauna na sya dahil kung nandito sya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakaharap ko sya.

Kinuha na ni Raven ang mga gamit ko. Naglalakad kami sa lobby ng hotel nung bigla na lang may humarang sa daraanan namin.

"Hi" bati nya sa amin. It was the guy with the red hair.

"What do you want Spade?" Raven ask.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, magkakilala pala sila? Sabagay, pare-pareho naman silang siraulo.

"Nothing. Masama bang makipagkilala sa isang magandang binibini?" Sagot nung lalaking tinawag ni Raven na Spade.

"Don't bother my sister Spade. Kapag nalaman ni Kuya Blaze na pinag-iinteresan mo sya baka kung ano pang magawa nun sayo" banta ni Raven pagkatapos nun ay hinila nya na ako palayo.

"Well, Im not afraid of Blaze. Guess I'll see you in the Philippines my Juliet!" Sigaw ni Spade.

"Kilala mo ba kung sino yun Raven?" tanong ko nung makalayo na kami.

"Wag mo na intindihin yun Keira, garapata lang yun hahaha"

Wow. Sana lahat ng garapata gwapo diba.

***

After 18 grueling hours, we finally reached our destination. Pagbaba namin ni Raven ng eroplano, nagpaalam sya na hintayin ko sya saglit dahil may dadaanan lang sya.

Syempre hindi ko sya sinunod, nung mawala na sya sa paningin ko tumakbo ako kaagad sa exit. Buti na lang at may konti akong pera, sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa bahay ni Tita Minerva.

Ang ini-expect ko madami kaming customer pero taliwas sa inaasahan ko ang nakita ko. Nakasara ang karinderya at may nakapaskil sa labas na 'Wanted: Cook, Waitress, Dishwasher'.

Kumatok ako sa pintuan at makalipas lang ang ilang minuto ng paghihintay, bumukas na din ito. Tumambad sa akin si Tita Minerva na mukhang hapong hapo. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita pero inunahan nya na ako, sinampal nya ako ng malakas.

"Walanghiya kang babae ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito pagkatapos mong mawala ng dalawang linggo! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang pakainin at patirahin dito ganyan pa ang igaganti mo! Lumayas ka!" Galit na sigaw ni Tita Minerva.

Ang ganda ng reunion namin, nasampal na nga nasigawan pa.

"Tita, nagkaroon lang po ng kaunting problema, mahabang kwento pero nandito na po ako kaya babalik na po ako sa pagtatrabaho"

Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero mukhang buo na ang desisyon nyang palayasin ako.

"Hindi! Lumayas ka!" Pagmamatigas nya.

Ano ang gagawin ko? Mag-makaawa na tanggapin nya ako ulit? Lumayas at magpalaboy laboy na lang sa daan? Magpa-ampon kina Ann Dee? Bumalik sa asawa ko? Ang hirap palang mamili lalo na kung madami kang choices.

"Lumayas ka na! Wala ka na din namang babalikan dahil itinapon ko na lahat ng gamit mo!"

Pagkatapos sabihin yun ay bigla nya na lang isinara ang pintuan. Nanlulumo akong napaupo sa may sidewalk pero agad din akong napatayo nung maalala ko ang bagay na pinaka-importante sa akin.

Dali dali akong nagpunta sa may tambakan ng basura. Pero mukhang nalimas na yung mga gamit ko dahil puro basura na lang ang naabutan ko.

Di kalayuan sa kinatatayuan ko may napansin akong isang batang babae, mukhang tambay sya dito kaya agad ko syang nilapitan.

"Bata may nakita ka bang mga gamit dito o kaya photoalbum?" nakangiting tanong ko.

"Meron po. Yung mga gamit po kinuha na ng mga kasamahan ko. Ano po yung photoalbum?" Nagtatakang tanong nya.

"Mga pictures o litratro" sagot ko.

"Ito po ba yun?"

Iniabot nya sa akin ang itim na photoalbum, kahit na hindi ko buksan yun alam kong yun na yun. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko ito, okay lang kahit wala na ang mga gamit ko basta ang mahalaga nakuha ko itong pictures ni Mama at Papa.

Bilang gantimpala, binigay ko na lang sa bata yung natitira kong pera.

Ngayon literal na akong palaboy. Ano kaya kung magpaampon ako kay Ann Dee? Tatanggapin nya kaya ako?

Pero mukhang hindi sang-ayon ang tadhana sa plano ko. Pagdating ko kasi sa bahay nila nalaman ko na nagbakasyon pala sya sa probinsya at dalawang linggo pa bago sya makauwi. Nanlulumo akong umalis, mabait si Ann Dee at ang pamilya nya pero nakakahiya naman kung sisiksik na lang ako sa pamilya nya ng wala sya diba?

Napaupo na lang tuloy ako sa sidewalk. Ganito pala yung pakiramdam ng walang wala ka na talaga.

Nakaupo padin ako sa may sidewalk nung biglang may humintong kotse sa harapan ko. Mukha ba akong pulubi?

"Get in the car" galit na utos ni Blaze.

Hindi ko alam kung bakit pero parang lumiwanag ang mundo ko nung makita ko sya.

My crazy Mafia Boss Hubby.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ano sa tingin mo? Meron ka bang common sense o tinatago mo lang?"

Alam kong nandito sya para sunduin ako, pero pagkatapos ng nangyari kanina nakalimutan kong may asawa na pala ako.

"Sumakay ka na" utos nya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, sumakay na ako. Kung ano man ang naghihintay sa akin, bahala na. Bahala na si Blaze sa akin.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to Splendidworld and YurikaHime.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon