Chapter 48: BeastMode
"Where the hell is she!!!"Mula dito sa may kitchen ay naririnig ko ang sigaw ni Blaze, halatang galit na galit na sya base sa tono ng boses nya. Agad namang napatingin sa akin yung mga kitchen staff. Siguro iniisip nila kung bakit nandito pa ako at kung bakit hindi pa ako nagpapakita kay Blaze. Senenyasan ko na lang sila na huwag silang maingay, mamaya na lang ako magpapakita kapag natapos ko na ang ginagawa ko. Hinuhugasan ko kasi ngayon yung mga nakuha kong strawberry, tapos later on lulunurin ko sila sa chocolate.
"IM GOING TO KILL YOU ALL IF YOU DONT FIND MY WIFE THIS INSTANT!"
Pagkarinig ko sa isinigaw ni Blaze agad akong napatingin sa mga kasama kong kitchen staff, pasulyap sulyap lang sila habang nag-pe-prepare ng mga iluluto nila pero pakiramdam ko pinag-iisipan na nila akong ibigay kay Blaze.
"Eto na papunta na ako, wag kayong mag-alala"
Habang naglalakad ako sa hallway nakakarinig ako ng mga ingay, mostly glass breaking at mas lalong tumindi ito nung nasa labas na ako ng living room. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapakita sa kanya. Wag na lang kaya akong tumuloy? Kaso kawawa naman yung mga mapag-iinitan nya. Bago ko pa mapag-isipang mabuti kung magpapakita ba ako o hindi, may bigla na lang tumulak sa akin.
"Ay palaka!" Tili ko, muntik na kasi akong mapasubsub at muntik na ding matapon yung dala dala kong bowl ng strawberries.
Agad kong nilingon kung sino ang walang hiyang tumulak sa akin at tumambad sa akin ang nakangising si Raven. Hahabulin ko sana sya para tadyakan at batukan but someone called my name in a very cold manner.
"Keira Ashlyn Ferrer Aerondale"
"H-hi hubby!" I said awkwardly.
Dahan dahan akong lumingon, nakatayo lang sya sa gitna at seryosong nakatingin sa akin. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya, syempre hawak ko ng mahigpit yung bowl ng strawberry, mahirap na. Nagkalat ang mga basag na vase sa sahig, pati yung chandelier basag basag na, pati yung bintana. Parang binagyo ang living room.
"Where have you been?!" Galit na tanong nya sa akin.
"Uhm dyan lang sa tabi tabi"
"WHERE?!" He demanded.
"Sa grocery, namili kasi ako ng prutas" pagsisinungaling ko.
Hindi ko sinabi sa kanya na kasama ko si Spade dahil for sure magagalit lang sya lalo. Baka sa sobrang galit nya pati itong bahay wasakin nya na, and I really need to eat my strawberries! ASAP!
"Bakit hindi ka nagpasama sa akin? O kaya sana hinintay mo na lang akong makauwi or better yet nagpabili ka na lang sana"
Paano ko ba sasabihing atat na ata na akong mamili ng strawberry in a way na hindi sya ma-o-offend?
"Syempre ayoko namang istorbohin ka pa kaya ako na mismo ang namili, tsaka ano ka ba sanay naman akong mag-isa, anyway gusto mo share na lang tayo dito sa dala dala ko?"
Pwede na sigurong peace offering yun.
"Okay. Feed me then"
Sinubuan ko sya, pero hindi nya naman isinubo yung pinapasubo ko sa kanya.
"What the heck is this! Are you trying to kill me?" He said disgustedly.
"Ano na naman bang problema mo Blaze? Ikaw na nga ang papakainin ang dami dami mo pang reklamo" Medyo naiinis na sabi ko.
"Akala ko ba prutas ang ipapakain mo sa akin?! Mukhang chocolate soup yang dala dala mo. Nasaan ang prutas dyan?"
Tinignan ko yung bowl na dala dala ko. Kung titignan mo mukhang bowl ng natunaw na chocolate yung dala ko, nasa ilalim kasi yung mga strawberries.
"Wag ka na ngang masyadong madaming sinasabi basta kainin mo na lang to, ako kaya ang nagprepare nyan!"
Dinutdot ko sa mukha nya yung kutsara na may strawberry at chocolate kaya wala na syang nagawa kundi ibuka ang bibig nya at kainin ito. Pinapanuod ko lang syang kumain, hindi pa nya masyadong nangunguya yung kinakain nya nung bigla nya itong ibuga.
"Ano na namang problema mo?!" Sigaw ko. Sayang kasi yung strawberry.
"What the heck is that abomination?!" Ganting sigaw nya sabay turo na parang diring diri dun sa strawberry na ibinuga nya kanina.
"Strawberry, ngayon ka lang ba nakakain ng strawberry?" Tanong ko sa kanya.
"I hate that stuff"
He looked at the bowl in my hand with disgust. Seriously, he hates strawberries? Opposite pala sila ni Spade, kung si Spade favorite nya ang strawberry si Blaze naman mukhang isinusumpa nya ito. But it doesnt matter anymore dahil masosolo ko na din sa wakas yung pagkain ko. Kumain ako ng kumain. Nakatitig lang sya sa akin habang kumakain ako. Kahit na wala syang sinasabi, alam kong nandidiri sya at gusto nya akong pigilan sa ginagawa ko. Pero sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan.
"Alam mo Kuya Blaze, naglilihi yan. Mukhang strawberry ang pinaglilihian nya. Nakikita ko na, malamang triangle ang magiging shape ng mukha ng anak nyo tapos madaming dots at kulay red! Haha"
Agad kong hinanap si Raven at nakita ko sya sa may pintuan. Pasalamat sya at malayo sya dahil kung hindi baka kanina ko pa sya natadyakan. Pero ang mas nakakaloka, may dala dala pa syang megaphone, gusto nya sigurong i-broadcast sa boung mundo yung kalokohang naiisip nya.
"Bakit kasi hindi pa kayo magpa-check up para ma-confirm na talaga kung meron ba o hindi, suspense din kayo masyado eh!" Seryosong sabi ni Raven, gamit yung megaphone.
"Thats a good idea brother, nakakapag-isip ka din naman pala from time to time" Blaze said.
"Ayoko!" Apila ko. Hindi naman kasi ako buntis, sila lang yung nag-a-assume na buntis ako.
"Nagsusungit ka tapos naglilihi ka na. Buntis ka talaga Keira kaya wag ka na magreklamo" tumatawang sabi ni Raven.
Hindi ko alam kung anong masamang ispiritu ang sumapi sa akin at ibinato ko kay Raven yung hawak kong bowl. Nakapag-ninja moves naman sya kaagad kaya naiwasan nya yung ibinato ko sa kanya. Pssh. Pasalamat sya sa skills nya. Naiinis ako sa kanila at nung hindi ko na ma-contain ang nararamdaman kong inis, bigla na lang akong nag-walkout.
Habang naglalakad ako, nagulat na lang ako nung may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.
"A-ano ba Blaze, bitawan mo nga ako" kunwa ay reklamo ko.
"Your cute when your mad"
"Ewan ko sayo!"
Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang weird ng nararamdaman ko ngayon, naiirita ako and at the same time kinikilig ako sa sinabi nya. Buntis na nga kaya ako? Pero hindi pa ako ready.
"Hey wifey?" Tawag sa akin ni Blaze.
"Ano?" Tipid na sagot ko.
"If it's okay with you, gusto ko sanang magpa-check na tayo sa doctor para malaman na natin kung buntis ka nga ba talaga o hindi"
"Okay" sagot ko. I guess this is the moment of truth.
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
-Happy 500k reads!
-This chapter is dedicated to: MizakiAyuzawa092
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...