Chapter 11: Cruelty

253K 5.7K 186
                                    


Chapter 11:
"CRUELTY; actions that cause suffering to others."

I immediately opened my eyes when I heard a noise. May sunog ba? Lindol? Madilim din ang paligid, black out ba? Agad akong tumayo mula sa kama at naglakad papunta sa pintuan pero bago pa man ako makarating dito may natapakan ako na syang naging dahilan para madapa ako.

Kahit na madilim, alam kong katawan yun ng isang tao. Hindi ito gumagalaw, patay na kaya sya? Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakadapa sya sa sahig pero kahit na hindi ko sya kilala nilapitan ko na din sya para tulungan.

"Touch him and you'll suffer the same fate as him"

I looked at the direction where the voice came from and I saw a figure sitting at the couch, I know it's my husband. Kahit na madilim at hindi ko maaninag ang itsura nya nararamdaman kong sya yun.

Binuksan nya ang lampshade na nasa tabi nya kaya tumambad sa akin ang galit nyang mukha. May dugo din sa kamao nya. Sya siguro ang may gawa nun dun sa kaawa-awang lalaki na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.

"B-blaze! A-anong ginagawa mo dito? Sino tong lalaking nakabulagta dito?" Medyo nauutal na sabi ko, kinakabahan kasi ako sa aura nya ngayon.

"Anong ginagawa ko dito? I came here looking for my brother, but what do I see? You on his bed! Are you having an affair with him?"

An affair? With who? With Raven? Ibig ba nitong sabihin, si Raven itong nakabulagta sa sahig ngayon?

"Sobra ka na! Pinaparatangan mo ako ng kung ano ano hindi mo naman alam kung ano ang totoo! Nagawa mo pang saktan ang sarili mong kapatid!" galit na sabi ko.

"If your not having an affair with him, then what the fuck are you doing here in his room?"

"If you must really know, fine I'll tell you. Nagkasugat ang paa ko dahil sa isang oras na paglalakad dahil yung pesteng taxi driver binaba ako sa kung saan dahil natatakot syang ihatid ako dito! Tapos ikaw naman my dear hubby, pinabalik balik mo ako dahil lang sa kaartehan mo, kape na nga ang nakaserve pinapalitan mo pa ng orange juice pero in the end kape din pala ang iinumin mo! Dahil sayo lumala ang sugat ko! Mabuti pa nga yung kapatid mo ehh, tinulungan nya ako, pinagpahinga nya lang naman ako dito sa kwarto nya at ginamot nya ang sugat ko! Tapos nagawa mo pa syang saktan dahil lang sa pagtulong nya sa akin!"

May gusto pa sana akong sabihin pero bigla na lang pumasok si Esther at may kasama syang dalawang katulong.

"Sir, pinatawag nyo daw po ako"

"Take care of my brother. As for you hindi pa tayo tapos mag-usap, sumunod ka sa akin sa office"

Nagsimula na syang maglakad palabas ng kwarto, sumunod naman ako sa kanya pero pagdating sa pintuan huminto ako.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, nasa sayo na lang yun ngayon kung papaniwalaan mo yun o hindi"

After saying that, I walk in the opposite direction. Hindi ko na sya nilingon pa kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nya sa pagsuway ko sa kanya. Bahala sya sa buhay nya, dun muna ako mag-s-stay sa kitchen.

***

Hindi ko alam kung gaano ako katagal tumambay sa kitchen pero pagbalik ko sa maid's quarters natayo silang lahat sa labas ng kwarto at nung makita ako ni Esther agad nya akong pinapasok sa loob. Ano bang meron sa loob? Feeling ko tuloy may halimaw sa loob na bigla na lang lalapa sa akin.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si Blaze na nakaupo sa isa sa mga kama. Kaya naman pala nasa labas silang lahat. Tsk.

"Where is your bed?" Seryosong tanong nya.

Tinuro ko yung spot na kinatatayuan ko at bigla namang kumonot ang noo nya.

"I'm asking for your bed hindi ko tinatanong kung nasaan ang sahig"

"Dyan ako sa sahig natulog kagabi" tipid na sagot ko. Totoo naman na sa sahig ako natulog.

"ESTHER!" Galit na sigaw ni Blaze.

Dali-dali namang pumasok si Esther sa kwarto na mukhang takot at kinakabahan.

"Is it true? Sa sahig natulog ang dear wifey ko?"

Gaya gaya naman ang isang to. Nung tinawag ko sya na dear hubby, puno ng sarkasmo yun pero yung sa kanya mukhang puno ng pang-aasar.

"O-opo, pero sya po ang may gustong sa sahig matulog."

"Hindi yan totoo, simo ba ang gustong matulog sa sahig? Kahit sinong tanungin mo nyan, panigurado lahat sila iisa lang ang isasagot sayo"

Pasimple akong tinignan ng masama ni Esther pero hindi ko sya pinansin.

Pareho kami ni Esther na nakatingin lang kay Blaze at naghihintay ng sagot nya pero imbes na sagutin kami bigla nya na lang akong binuhat bridal style.

"Mag-uusap tayong dalawa Esther"

"Ibaba mo ako! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero kahit na anong sabihin ko hindi nya ako pinapansin hanggang sa makarating na kami sa kwarto nya.

Pagkababang pagkababa nya sa akin agad kong nilapitan yung pintuan pero naka-lock ito. Kokomprontahin ko sana sya pero agad na bumungad sa akin ang hubad nyang katawan. Dali dali naman akong umiwas.

Ano bang pumasok sa isip nito at dinala nya ako dito?

"Ano pa bang itinatayo tayo mo dyan? Matulog na tayo"

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Bahala ka kung ayaw mo pang matulog"

Humiga na sya sa kama habang nanatili akong nakatayo. I have two options, Option number 1 tumabi sa kanya sa kama, malaki naman yun at kahit nga ata limang tao kasya dun so hindi naman kami exactly magtatabi. Option number 2, matulog ulit sa sahig.

Okay, let's go with option number 1.


Tumabi ako sa kanya pero siniguro kong malayo ako sa kanya as much as possible. Dahil na rin siguro sa pagod kaya mabilis akong nakatulog.

As I dozed of, naramdaman ko ang pagdantay ng isang binti nya sa akin, pero dahil na rin sa sobrang antok hinayaan ko na lang ito.

Bukas ko na lang siguro sya aawayin.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon