Chapter 55: Father

184K 4.1K 157
                                    

Chapter 55:
"Father"


"Ang kapal talaga ng mukha mo! Lahat na lang inagaw mo na sa akin!"

Dinuro ako ni Zoe at sa bawat hakbang nya palapit sa akin ay sya namang hakbang ko patalikod.

Kakalabas ko lang sa ospital at dito ako idiniretso ni Terrence sa mansyon ng aming ama na si Mr. Coltier. I was expecting a warm welcome but Zoe ruined that expectation.

Imbes na komprontahin sya, naglakad na lang ako palayo. Alam kong lalo syang magagalit sa ginawa ko pero ayaw ko kasing makipagtalo pa at para makaiwas sa kanya nagtago na lang ako sa kwarto ko.

I miss Blaze.

I miss everything about him.

Natigil lang ako sa pag-iisip kay Blaze nung makarinig ako ng katok sa may pintuan. Agad kong inayos ang sarili ko bago pa man bumukas ang pintuan.

"Keira my dear, can I talk to you for a minute?" Seryosong sabi ng aking ama habang nakadungaw sya sa may pintuan.

"S-sige po"

Kahit na tanggap ko na sa sarili ko na sya ang tunay kong ama, hindi ko padin maiwasang kabahan. For an old man he is too intimidating.

Dahan dahan syang lumapit sa akin at umupo sya sa tabi ko. Hinawakan nya din ang kamay ko habang mataman syang nakatitig sa akin.

"I am so sorry Keira" seryoso nyang sabi.

"Bakit po kayo nagso-sorry?" Nagtataka kong tanong.

"Kung alam ko lang na buhay ka at ang kapatid mo, sana nagpursige ako sa paghahanap. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Terrence hindi ko pa malalaman na buhay pala ang mga anak ko"

"Okay lang po yun. Wala kayong alam sa mga nangyari, its beyond your control"

"Thank you my dear"

Niyakap ko sya ng mahigpit at gumanti din sya ng yakap sa akin. Ito ang unang pagkakataon na magkakausap kami ng ganito dahil nung nasa ospital pa ako, palagi naming kasama si Terrence.

"By the way, may I ask you something my dear?"

"Oo naman po, ano po ang itatanong nyo sa akin?"

"Are you happy here with us?"

Natigilan ako sa tanong nya. Am I happy? Oo masaya ako dahil nakilala at nakasama ko ang kapatid ko pati nadin ang tunay kong ama pero parang may kulang. Gusto kong makasama si Blaze, pati na din si Raven at Ann Dee. Na-mi-miss ko na ang pagka-bipolar ni Blaze pati nadin ang kakulitan ni Raven at Ann Dee.

"M-masaya naman po ako.."

"Pero?"

"Pero mas magiging masaya po ako kung nandito si Blaze at ang mga kaibigan ko"

"But he let you get hurt"

"Wala naman po syang kasalanan dun, sinubukan nya naman po akong protektahan sa abot ng makakaya nya. At naiintindihan ko naman po na hindi sa lahat ng oras, mapo-protektahan nya ako. Ang mahalaga po, willing syang isakripisyo ang sarili nya para sa akin at ganun din po ako sa kanya"

"Do you love him that much?"

"Opo"

I do love him, I am willing to sacrifice myself for his sake.

"I understand, kakausapin ko sya one of this days. Anyway, magkakaroon tayo ng party sa susunod na linggo. I will formally introduce you as my daughter and I will introduce Terrence as my son"

Party na naman? To be honest I am starting to hate parties, sa tuwing may party na lang kasi may nangyayaring hindi maganda.

Pagkatapos naming mag-usap balak ko na sanang matulog pero kahit na anong gawin ko ayaw akong dalawin ng antok kaya naman lumabas ako sa kwarto ko para maglakad lakad.

Dim lang ang ilaw sa hallway pero sapat na para makita ko ang dinaraanan ko. Pababa na sana ako sa may hagdanan nung makarinig ako ng boses na parang nagtatalo sa ibaba dahilan para mapahinto ako.

"New order from Joker, next week natin isasakatuparan ang plano at sana naman matuto ka nang sumunod"

"Alam ko, you don't need to remind me"

Why do I get the feeling that their voices seem a little familiar?

Lalapit pa sana ako para mas marinig ko ng mabuti ang pinag-uusapan nila pero may bigla na lang humila sa akin at tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Don't move and don't make any noise"

That voice! Blaze!

Nagtago kami sa dilim at ilang minuto lang ay nakita namin sina Zoe at Terrence. Sila ba yung narinig kong nag-uusap kanina? No wonder their voices seemed familiar.

"Terrence, we need to kill Blaze no matter what. It's his life against ours" Zoe said.

"Really Zoe? I thought you love him, but now you want to kill him. Ang bilis naman atang mawala ng pagmamahal mo"

"Well newsflash. I don't love him!"

Hindi ko na narinig ang sumunod nilang sinabi dahil nakalayo na sila sa pinagtataguan namin ni Blaze. Terrence and Zoe wanted to Kill Blaze, pero ang tanong bakit? Akala ko mahal ni Zoe si Blaze at akala ko kakampi ko si Terrence. Why would they want to kill him? I was about to ask Blaze pero bigla nya na lang akong binuhat at dahan dahan syang naglakad papunta sa kwarto ko.

Habang buhat buhat padin ako ni Blaze, sumagi na naman sa isip ko yung mga narinig ko kanina.

"Blaze, bakit gusto kang patayin nina Zoe at Terrence?" Pabulong na tanong ko.

Hindi nya ako sinagot, hanggang sa makarating kami sa kwarto ko hindi padin sya nagsasalita pero bigla nya na lang akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you" he whispered in my ear.

"I m-miss you too" medyo nauutal na sagot ko, nararamdaman ko kasi ang mainit nyang hininga sa may bandang tenga ko at kakaiba ang dinudulot nito sa aking pakiramdam. Mabuti na lang at pinakawalan nya din ako.

"Go to bed wife, you should be sleeping right now"

"I don't want to go to sleep"

"Why?"

"Baka kasi paggising ko wala ka na sa tabi ko" malungkot na sabi ko.

"I promise I'll still be here when you wake up, now go to sleep"

Sinuklay ni Blaze ang buhok ko gamit ang kamay nya habang magkatabi kaming nakahiga sa kama. Nakakaramdam na ako ng antok pero natatakot akong ipikit ang mata ko kaya naman nung hindi ko na talaga kaya hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya. Gumanti sya ng yakap sa akin at habang magkayakap kami may ibinulong sya sa akin.

"I love you Keira"

"I love you too Blaze"

Hindi ko alam kung nasabi ko ba yun sa kanya o hindi dahil tuluyan na akong nilamon ng antok. But I hope he heard it because I love him too and I want him to know that.

********

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to:
PURINSESUTENSHI

@AcinnejRen


Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon