Chapter 18: Date

255K 6.9K 295
                                    


Chapter 18:
"Date: a social engagement between two persons that often has a romantic character"

"Saan mo ba ako dadalhin? Bumalik ka na lang kaya sa office mo tapos ako naman uuwi na lang"

"Shut up"

Pagkatapos nya akong gamutin at pagkatapos nya akong nakawan ng halik, bigla nya na lang akong hinila papunta sa may elevator. Kung saan man nya ako dadalhin, wala akong katiting na ideya.

Pagdating namin sa basement agad nya akong pinasakay sa kotse nya. Isinuot nya sa akin ang seatbelt at nung masiguro nya na okay na ang lahat, bigla nya na lang pinaharurot ang kotse.

Alam kong sports car ang kotse nya at mabilis ito pero kailangan nya pa bang ipangalandakan yun sa akin? :') Lord, please lang wag mo muna akong kukunin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala akong tiwala kay Blaze, pero hindi nya naman siguro kami hahayaang mamatay.

It felt like hours but in reality it only took us a few minutes to get to our destination. Iminulat ko ang mga mata ko at medyo nagtaka ako nung mapagtanto ko kung nasaan kami. Anong ginagawa namin dito sa labas ng mall?

Walang sabi-sabing bumaba sya sa kotse at isinuot nya ang isang itim na backpack. Pagpasok namin sa loob ng mall agad syang dumiretso sa cr.

"Hintayin mo ako dito. Wag na wag kang aalis dito" seryosong bilin ni Blaze sa akin.

"Okay" sagot ko.

Paglabas ni Blaze sa cr muntik ko na syang hindi makilala. His hair is messy na para bang bagong gising lang sya, malayong malayo sa hairstyle nya na akala mo never pang inilipad ng hangin. May suot din syang itim na hikaw sa kanang tenga nya. Nagmukha tuloy syang bad boy dahil dito.

Ang hindi lang ata nagbago ay yung obsession nya sa black. Naka-black kasi syang t-shirt at naka-black din syang pantalon. Ultimo sapatos nya black din. He looked like a typical sexy bad boy.

To be honest, mas gusto ko ang ganitong itsura nya.

"Ngayong nakapag-change outfit ka na, saan na tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kahit saan. You decide" tipid na sagot nya.

Well this is suspicious, kaming dalawa lang ang nandito tapos nakacasual clothes pa sya. Is this supposed to be a date?

Since ako na 'daw' ang bahala, niyaya ko muna syang kumain. Pagkatapos naming kumain niyaya ko syang maglakad lakad.

"Kanina pa tayo lakad ng lakad, pagod na akong maglakad, saan ba tayo pupunta?" Naiiritang tanong nya.

"Kahit saan? Window shopping lang"

"Window shopping? This is a Mall, your supposed to shop and buy unnecessary things here"

Sabi ko nga wala sa vocabulary ng mga mayayaman ang window shopping.

"Bakit mo ba kasi ako dinala dito sa mall in the first place? Bakit hindi na lang natin gawin kung ano yung gusto mo?" Suhestiyon ko.

"Because~ "

Hindi na naituloy ni Blaze ang sasabihin nya, bigla ding nagbago ang expression ng mukha nya.

"When I told you to run, run. Got it? Run as fast as you can and don't look back. There are enemies nearby" Blaze whispered.

Puno ng pag-aalalang tinignan ko sya. What if may mangyaring masama sa aming dalawa? Lagi na lang nawawala sa isip ko na isa syang mafia boss. His life is always in danger.

Before I can say anything bigla na lang akong tinulak ni Blaze.

"Run!"

Muntik na akong madapa sa ginawa nyang pagtulak sa akin pero gayun paman tumakbo padin ako at hindi ako tumigil sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng mall, hingal na hingal na ako hanggang sa bumigay na rin ang tuhod ko dahil sa sobrang pagod dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nasa ganun akong posisyon nung makita ko si Blaze na papalapit sa akin.

Is it over? Wala na ba ang mga kalaban?

I don't know what got into me. Niyakap ko si Blaze ng mahigpit nung tuluyan na syang makalapit sa akin. Para din akong nabunutan ng tinik sa dibdib, natakot kasi ako kanina na baka mapahamak sya.

Naramdaman ko na gumanti din sya ng yakap. Magkayakap lang kami at walang nagsasalita sa aming dalawa.

"PDA? May I remind the two of you that you are still in a public place, there are dead bodies around and any moment from now darating na ang mga pulis. If you really want to do it, pwede sa bahay na lang. Walang interruptions dun, kahit ilang rounds pa ang gusto nyo. Haha"

Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Blaze nung marinig ko ang boses ni Raven. Wrong timing ka talaga kahit kelan Raven!

"Your late" tipid na sagot ni Blaze.

"Kahit naman hindi ako dumating sisiw lang sayo yung mga yun eh. Tsaka dapat nga mag-thank you ka sa akin at late ako, kita mo nagkamoment tuloy kayo ni Keira" pang-aasar ni Raven.

"Let's go" aya sa amin ni Blaze.

Okay. Time to go home.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon