Chapter 32: Death

239K 5.7K 451
                                    

Chapter 32:
"Bang! And just like that your dead"


"Keira paki-define nga ang LQ"

"Hindi ako dictionary" agad na sagot ko.

"Keira naman eh, namimilosopo pa. Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko. Please?" pagmamakaawa ni Raven.

"Lovers Quarrel, meaning argument or disagreement between a couple. Bakit may LQ ba kayo ni Ann Dee?" Tanong ko.

"Hindi, okay naman kaming dalawa"

"Kung hindi kayo LQ bakit tinatanong mo ako kung ano ang definition nun?"

"Kasi may LQ kayo ni Kuya"

"Pa-paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko.

Pagkatapos mag-walkout ni Blaze hindi na kami nagpansinan. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa nyang pagsunod sa akin ng patago at galit naman sya sa akin dahil sa maling akala nya kay Spade.

"Common knowledge kaya sa boung mansyon na may LQ kayo. Tsaka obvious na obvious naman sa kilos nyo"

"Paanong obvious?" Tanong ko.

"Your not talking to each other. Mukha ngang nag-iiwasan pa kayong dalawa. Nitong mga nakaraang araw napaka-moody din ni Kuya Blaze, kulang na lang i-massacre nya kaming lahat dahil sa sobrang pagka-moody nya. Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?"

Hindi ko alam na ganun na pala ang trato ni Blaze sa kanila. Iniiwasan ko kasi sya at palagi din akong nagtatago sa library. Ikinuwento ko ang boung pangyayari kay Raven pero may mga parte akong hindi sinabi sa kanya.

"Alam mo Keira, wala namang masamang intensyon si Kuya Blaze sa ginawa nyang pagsunod sayo. Gusto nya lang malaman kung ano ang ginagawa mo and he wants to make sure that your okay" paliwanag ni Raven sa akin.

"Kung ganun naman pala bakit hindi nya ipinaliwanag sa akin yan nung kinompronta ko sya? Nagawa nya pang mag-walkout"

"I don't know, something must have pissed him off? Or someone?"

Tinignan ako ni Raven ng makahulugan. Tsismoso talaga kahit kelan. Tutal mukhang may idea na sya, sinabi ko sa kanya ang naging engkwentro nila ni Spade. At ang loko tawa ng tawa.

"Now I get it!" Raven said in between laughs.

"Ano?"

"Yan ang tinatawag na selos!"

"Selos? Sinong nagseselos?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang slow mo talaga. Buti na lang at hindi pa nababaliw si Kuya Blaze sa sobrang pagka-slow mo. But with the way things are right now, mukhang malapit lapit na"

"Diretsahin mo na nga lang ako Raven" medyo naiirita kong sabi.

"Nagseselos si kuya Blaze kay Spade, ayan okay na ba?"

"Bakit naman sya magseselos? Wala namang namamagitan sa aming dalawa ni Spade"

"Yung totoo hindi mo pa ba naranasang magselos?" Tanong sa akin ni Raven sabay titig ng mataman.

"Hindi pa" Sagot ko.

"Are you sure? Kahit ba minsan hindi ka nagselos kay Zoe?"

Selos. Hindi ko alam kung paano idedefine ang word na yan. Hindi ko naman kasi naranasang magselos nung kami pa ni Sven dahil wala namang ibang babaeng nali-link sa kanya. As for Zoe and Blaze, naiirita lang ako kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Selos na bang matatawag yun?

"Ewan? Siguro? Baka? Hindi ko alam" sagot ko.

"Gusto mo ba malaman kung nagseselos ka kay Zoe?"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon