Chapter 33: Villain

234K 4.6K 169
                                    

Chapter 33:
"In every fairytale, the Villain is always present. Cliche much?"


"Say ahhh"

"NO"

"Sige na, kailangan mo ng nutrients para gumaling ka"

Ang hirap palang maging nurse lalo na kung hindi willing yung pasyente mo.

"May injury lang ako, hindi ako imbalido"

"Bahala ka nga sa buhay mo. Papasok na ako, bahala kang magutom dyan"

I give up. Bahala sya kung ayaw nyang kumain. One week na simula nung mabaril si Blaze, one week ko na din syang inaalagaan at one week nya na din akong sinusungitan. Hanggang ngayon wala padin akong idea kung sino ang bumaril kay Blaze pero kung sino man sya hinding hindi ko sya mapapatawad.

Naglalakad ako sa hallway nung biglang mag-ring ang cellphone ko. Upon seeing my husband's name I immediately answered his call.

"H-hello?" I said warily, baka kasi continuation lang ito ng pagsusungit nya sa akin lalo na at bigla na lang akong nag-walkout kanina.

"Take care on your way to school"

Bago pa maproseso ng utak ko ang sinabi nya muli na naman syang nagsalita.

"I love you"

Imbes na sumagot ng 'I love you too' pinindot ko ang end button. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa amin ni Blaze. Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising because this dream is too good to be true.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad but along the way nakasalubong ko si Sven.

"Sven, can I talk to you for a minute?"seryosong tanong ko.

I don't know what got into me, ang plano ko babatiin ko lang sya tapos aalis na ako pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"What do you want?" Tipid na sagot nya.

"Pwede ba tayong mag-usap in private? May gusto lang akong itanong sayo"

"Fine, but make it short"

Since the library is just a few doors away from us, doon ko na lang sya niyaya para makapag-usap kami ng pribado. Pagkapasok namin dito muli na naman nya akong tinanong kung ano ba ang kailangan ko bagay na agad ko namang sinagot.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, bakit ka nakipagbreak sa akin? At bakit ba parang galit ka sa akin?"

"It doesn't matter" tipid na sagot nya. Irritation is also evident in his handsome face.

"It doesn't matter? Ano bang klaseng sagot yan" reklamo ko.

"Why do you even care? Kasal ka na sa isa sa pinakamayamang mafia boss kaya ano pa ba ang inirereklamo mo?"

Somehow I was a little hurt by what he said. Hindi naman porke kasal na ako sa isa sa pinakamayamang mafia boss ibig sabihin nun masaya na ako. Pera na ba ang sukatan ng kasiyahan sa panahon ngayon?

"Gusto kong malaman kung bakit ka nakipag-break sa akin. Bakit ba hindi mo masabi? Just be honest with me Sven"

Kahit sino naman siguro gugustuhing malaman ang katotohanan. Everyone needs closure.

"You really wanna know?"

"Yes I want to know"

"Awa, or therefore the lack of it"

Awa? Anong ibig nyang sabihin? Bago ko pa sya matanong bigla na lang syang nag-walkout. Hahabulin ko pa sana sya pero bigla akong natigilan nung may nagsalita sa likuran ko.

"Kawawa ka naman pala. Nakipag-break sayo si Sven ng ganun ganun na lang. Pero ang tindi mo din naman no? Gold digger"

"I am not a gold digger" mariing sabi ko.

"Whatever. It's only a matter of time before Blaze sees you for what you really are"

Before I can fight back or defend myself bigla na lang akong nilayasan ni Zoe. Yung totoo National Walkout Day ba ngayon? Nakakainis.

"Gusto mo bang malaman kung bakit nakipagbreak sayo si Sven?"

Muli na naman akong napalingon sa likuran ko and this time ang seryosong mukha ni Bullet ang tumambad sa akin. What is she doing here? In fact anong ginagawa nilang dalawa ni Zoe dito?

"Ano ang totoo?" Seryosong tanong ko.

"I'll explain everything but on one condition"

"Anong kondisyon?"

"Hiwalayan mo si Blaze and leave him for good"

"Bakit?" Tanong ko.

Akala ko hulog na ng langit, hindi pala. Sa panahon ngayon wala ng libre lahat may bayad na o kaya ay may kapalit.

"Hindi na mahalaga kung bakit. So is it a deal or no deal?"

"I'll pass" tipid na sagot ko.

Mabubuhay naman ako kahit hindi ko malaman ang rason kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Sven. Ayokong mawala sa akin si Blaze.

"Okay. But if you ever change your mind, you know where to find me"

She left after saying that. Aalis na din sana ako pero nakarinig ako na parang may kumalabog sa may left wing ng library.

Under normal circumstances I would have run away but my curiosity got the better of me. Plus the fact na nanggaling dito si Zoe at Bullet makes me think na may ginagawa silang kakaiba dito kanina.

Dahan dahan akong lumapit sa hilera ng mga bookshelves. Sisilip na sana ako nung may biglang magpakita sa harap ko.

"BOOOO!"

"AAHHHH!" Sigaw ko, napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat.

"Ano ba Raven! Bakit ka ba nanggugulat? Ano bang ginagawa mo dito?"

"Wala naman. Trip ko lang magkalat ng lagim dito sa library"

Tinitigan ko syang mabuti. Hindi ako naniniwala na 'trip' nya lang na magkalat ng lagim dito. Malamang tumambay talaga sya dito para makakalap ng tsismis. Narinig nya kaya lahat ng pinag-usapan namin kanina?

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon