Chapter 60: Chase

169K 3.8K 275
                                    

Chapter 60: Chase!

My mind is telling me to wake up but my body seems to be against it. Parang ang sarap kasing matulog, pero nung maalala ko ang mga pangyayari agad akong nagmulat ng mata only to find myself inside a car. 

Kotse? Bakit ako nasa kotse? I look beside me and I saw Sven driving the car, masyado syang naka-focus sa pagmamaneho kaya hindi nya agad napansin na gising na ako. Gusto kong tawagin ang pangalan nya but something keeps me from doing so. Napaka-seryoso kasi ng mukha nya ngayon, ibang iba sa usual na expression ng mukha nya. He somehow resembles Blaze, yung expression nyang nakakatakot? Yung tipong papatay ng tao? Ganun ang nakikita ko sa mukha ni Sven. Medyo natatakot ako sa kanya ngayon.

Zoe abducted me earlier, then Ann Dee came, followed by Sven, then Raven, Bullet, then sabay na dumating si Spade at Blaze at si Terrence ang pinakahuling dumating. Pagdating na pagdating ni Terrence, doon na nagkagulo, hindi ko alam kung ano ang nangyari after sumigaw ni Terrence pero isa lang ang alam ko, Ann Dee got hurt in the process and its all my fault. After that wala na akong maalala pa.

After what seemed like ages, huminto ang kotse sa isang abandonadong gusali. May mga lalaking naka-jacket na black ang nakabantay sa may pintuan. Bumaba si Sven sa kotse at agad naman syang sinalubong nung mga men in black nya. Ngayong nakalapit na sila nakita kong puro sila armado, kinausap sila saglit ni Sven then bumalik na din sya dito sa kotse. Akala ko papababain nya lang ako kaya nagulat ako nung bigla na lang syang maglabas ng baril at bigla nya itong itinutok sa akin.

"Die" Sven said coldly.

Hindi naman ito yung unang beses na matutukan ako ng baril, pero nakaka-shock lang because out of all the people who want to see me dead, hindi ko ini-expect na isa pala dun si Sven. After all he was my ex-boyfriend. Kahit na papano may pinagsamahan naman kami diba? Dalawang taon din kaya kaming nagsama. Minahal ko sya, hindi man ganun katindi sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Blaze ngayon pero hindi ko maitatangging minahal ko sya nuon. Ako ba hindi nya minahal kahit na papaano?

"S-sven, bakit?"

Medyo nauutal pa ako sa pagtatanong sa kanya. Kung si Zoe ang gagawa ng ganito sa akin katanggap tanggap pa, dahil sya alam kong kaaway ko sya, alam kong malaki ang galit nya sa akin. Pero si Sven, mapapatanong ka na lang ng bakit. And besides, hindi ba ako pa nga ang dapat na magalit sa kanya , nakipag-break sya sa akin ng walang dahilan then nalaman ko pa na sya ang dahilan kung bakit namatay si papa. Pero bakit ngayon parang napakatindi ng galit nya sa akin?

"Tch. Don't worry just yet. I won't kill you right now. Kailangang mamatay ka sa harap nya mismo"

Parang nanghihina ako na ewan, bigla akong nawalan ng lakas ng loob dahil sa sinabi nya. How can he say something like that? Ganun lang ba kasimple sa kanya ang pumatay ng isang tao? He's far from the sweet and caring Sven that I knew. Itinago nya na ang baril nya at In-start nya na ulit ang kotse, kung saan kami pupunta wala akong idea. Ang alam ko lang nakasunod na sa amin yung mga armadong lalaki na kausap nya kanina.

Sige lang sa pagmamaneho si Sven, kung hindi ko lang alam na sa kamatayan ang hantong ko, iisipin ko na may pupuntahan lang kami just like the old times. Dati kasi kapag magda-date kami, dinadala nya ako sa kung saan saan. Wala naman kasi akong pera nuon, kaya wala akong masyadong mapuntahan kahit na gusto kong gumala. Nakakagala lang ako ng dahil sa kanya.

 Happy memories.

"Sven" I tried calling his name even though I still felt shaken from what he did earlier. I wanted to ask him something and I think now is the perfect opportunity dahil dadalawa lang kami dito sa kotse.

"Don't talk to me" he said coldly.

"Sven. Why do you want me dead?" Tanong ko parin.

"Don't you know the answer to that question?"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon