Chapter 51
Preparations.
"Yung totoo, ikaw ba ang ikakasal?""Ano bang pinagsasabi mo Raven?" Nakakunot ang noong tanong ko.
Nandito kaming dalawa sa guest room kung saan pansamantalang tumutuloy si Ann Dee, katatapos lang akong ayusan ng make-up artist at si Ann Dee naman ang kasalukuyan nitong inaayusan.
"Ang ganda mo kasi ngayon, daig mo pa yung mismong bride! Haha"
Natawa na lang ako dahil sa sinabi nya, alam ko naman kasing nambobola lang sya.
"Wag kang maingay Raven, kapag narinig ka ni Blaze baka ma-high blood pa yun sayo. Tsaka ingat ingat din sa papuri, may lahi kayang dinosaur si Ann Dee, kapag nagselos yan baka bigla ka na lang hampasin, sige ka, ikaw din"
"So sino ang kalahi ng mahal ko? Si Godzilla ba o si barney? Haha"
"Pareho! Kaya minsan mabait ako pero madalas beastmode! Manahimik ka na nga dyan Raven!" Sigaw ni Ann Dee.
"Yes love!"
"Hayaan na natin yung pinakamamahal ko Keira, si barney kasi talaga ang nanay nya tapos si godzilla ang tatay nya at sa amazon sila tumira kaya may lahi din syang amazona" Bulong ni Raven sa akin.
Natawa na lang ako nung bigla syang batukan ni Ann Dee. Ayan ang napapala mo Raven.
Naglakad ako papunta sa may bintana para silipin ang mga kaganapan sa labas. Busy ang lahat sa last minute preparations para sa kasal ni Zoe at Sven. Ilang oras na lang magiging official member na sya ng family, ilang oras na lang magiging sister in law ko na sya.
Nilapitan ako ni Raven at nakisilip din sya sa sinisilip ko pero biglang kumunot ang noo nya nung makita nya yung wedding cake.
"Siguro may binabalak ka na namang masama ano" seryosong sabi ko.
"Huh? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Raven.
"Ang sama kasi ng tingin mo dun sa cake, akala ko may naiisip ka na namang kalokohan" paliwanag ko.
"Hindi ah, grabe ka naman"
"Okay, if you say so. Pero matanong kita, hindi ka ba na-bo-bother na magiging sister in law mo na si Zoe?" Tanong ko.
"Syempre na-bo-bother pero kung kay Zoe sya masaya hahayaan ko lang sya, hindi ko sya pipigilan at irerespeto ko ang desisyon nya. But if worse comes to worse and my family is put into danger, I'll protect my family even if I must go against him"
"Akalain mo yun, alam mo din naman palang maging seryoso. Akala ko kasi puro ka lang kalokohan"
"Oo naman, loko loko ako pero pagdating sa kaligtasan at kapakanan ng pamilya ko seryoso ako. At parte ka na ng pamilya kaya makakaasa ka na po-protektahan din kita"
"So paano naman ako?" Singit ni Ann Dee.
"Syempre special ka baby loves, makikipagpatayan ako para sayo!"
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Raven. Dahil hindi pa naman tapos ayusan si Ann Dee nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko muna si Blaze. Iniwan ko sya kanina sa kwarto na nanunuod ng tv, habang aligaga ang lahat sa kasal, sya naman parang tamad na tamad habang nanunuod ng horror movie.
Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko syang nagbibihis. Napangiti ako dahil napaka-gwapo nya sa suot nyang tuxedo pero agad ding naglaho yun lalo na nung makita ko yung mga bagay na nakalatag sa may lamesa.
"A-attend ka ba sa kasal o sasabak ka sa gyera?" Seryosong tanong ko. May mga baril kasi sa lamesa at meron ding maliliit na kutsilyo.
"I don't wan't to take a risk, specially now that you are carrying our child"
"Wag na lang kaya akong um-attend sa kasal at magkulong na lang ako dito sa kwarto natin para hindi ka masyadong mag-alala sa amin ni Baby?" Suhestiyon ko.
"Don't be naive, kahit nasaang parte ka pa ng bahay na ito mahahanap at mahahanap ka nila. Mas maganda na yung nasa tabi kita para masiguro ko ang kaligtasan mo. I will protect you with my life"
"No! I don't want you to sacrifice your life just to protect me!"
Ewan ko kung bakit pero bigla na lang akong napaiyak. Naiinis kasi ako kay Blaze, hindi nya ba naisip ang pwede kong maramdaman kapag nawala sya?
"Hey don't cry"
Hinawakan ni Blaze ang pisngi ko then pinagdikit nya ang mga noo namin.
"Don't cry wifey, hindi ako mawawala. Ang sinasabi ko lang poprotektahan kita kahit na ano pa ang mangyari"
Habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko iniharap ako ni Blaze sa may floor length mirror. I almost didn't recognize myself. I look like a princess.
"I won't cry but promise me, hindi mo ako i-iwan, kami ng baby mo. Okay?"
"I promise"
Habang pinag-mamasdan ko ang sarili ko sa salamin bigla na lang akong niyakap ni Blaze mula sa likuran. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nasa ganung posisyon, naghiwalay lang kami nung makarinig kami ng katok sa may pintuan.
Dahan dahang naglakad si Blaze papunta sa may pintuan at pagbukas nya nito tumambad sa amin ang isa sa mga tauhan nya.
"Everything is ready Sir"
"Okay"
Bumalik na si Blaze sa pag-aayos ng mga baril nya at nung matapos sya, niyaya nya na akong lumabas. Pipihitin na sana nya ang doorknob nung bigla syang matigilan.
"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko.
"Yup"
Akala ko may naiwan syang gamit kaya nagulat ako nung bigla nya na lang akong hinalikan. It was a brief kiss but enough to turn my legs to jell-o.
"I love you wifey"
"I love you too hubby"
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...