Chapter 43:
Mission. It takes great effort to make a change sometimes.
"Maniwala kayo sa akin si Zoe yung nagta-tangka sa buhay ko!""Yes, yes, we believe you but more importantly pwede bang maligo ka muna? You look horrible plus you smell horrible" Blaze said while looking at me disgustedly. Palibhasa nakaligo na sya at ako hindi pa.
"Kaya nga Keira maligo ka na, amoy na amoy ka na dito sa boung kwarto!" Sang-ayon naman ni Raven habang animo ay inaamoy amoy ang hangin sa paligid nya.
Bakit ba ang sama ng dalawang magkapatid na ito sa akin? Hindi pa naman ako ganun kabaho. Hindi pa kasi bumabalik si Ann Dee na syang kumuha ng damit ko kaya hindi pa ako makaligo.
Ang sabi ni Raven, baka nalagyan na ng patibong ng kalaban ang kwarto namin, kaya mas makakabuti kung hindi na muna kami babalik dun for safety purposes.
"Hindi ba mapapahamak si Ann Dee sa gagawin nyang pagkuha ng mga gamit ko?"
"Hindi yun mapapahamak, matinik na ang isang yun. Syempre ako ang nagturo" Raven said proudly.
"Siguraduhin mo lang talaga Raven"
"Hindi sya gagalawin ng mga yun. Nakapang-maid costume naman sya. Iisipin lang nila na ninanakawan nya yung bag mo. Uso naman yun dito so don't worry. Besides, hindi naman nila na-disabled yung mga nilagay kong spycam kaya napapanuod ko pa din kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto nyo"
"If you say so. Pero mabalik tayo kay Zoe, ano ang gagawin natin sa kanya?" Tanong ko
Alam naman naming lahat na may gusto si Zoe kay Blaze kaya hindi na nakakapagtaka na gusto nya akong mawala sa landas nya. Pero kung sya nga ang may kagagawan ng lahat bakit kailangan nya pang idamay sina Raven. It doesn't make sense.
"Wala" Tipid na sagot ni Blaze.
"Wala? Anong ibig mong sabihin?" Medyo naguguluhang tanong ko.
"Keira, wala pa tayong masyadong impormasyon. Hindi natin alam kung sya ba ang mastermind o napag-utusan lang sya o kung ginagawa nya lang yun para sa sarili nya. Hindi pa natin alam kung ano ang motibo nya o nila? We should gather more information first para hindi tayo mukhang nangangapa sa dilim" Sagot ni Raven.
"Besides she is still Mr. Coltier's adopted daughter, hindi natin sya pwedeng galawin ng basta basta" Blaze said.
Muntik ko ng makalimutan ang bagay na yun. Anak nga pala ng isang Mafia Boss si Zoe, kahit na ba ampon lang sya, siguro naman itinuring na din syang parang tunay na anak ni Mr. Coltier. This is more complicated than I thought.
"So ano ang gagawin natin para makakalap pa ng impormasyon?"
"Well may naisip ako, pero ayaw ni Kuya kaya sabihin na lang nating wala pa" Sagot ni Raven.
"Ano yun Raven?"
"Hmmm"
"Sige na, sabihin mo na sa akin" pangungulit ko.
"Act as a bait" tipid na sagot nya.
"I already said no. Wag nyo akong sagarin" galit na sabat ni Blaze sa usapan.
Naiintindihan ko naman sya, masyadong delikado ang gustong mangyari ni Raven pero kung yun lang ang paraan, bakit hindi diba?
"May naiisip ka bang ibang paraan?" Tanong ko kay Blaze.
"Wala pa, but I'll think of something"
"Bakit hindi natin i-try habang wala ka pa namang naiisip na ibang paraan?" Pangungulit ko.
"NO" pagmamatigas nya.
"Please Blaze, I want to help. Hindi ako expert sa pakikipagbarilan, baka nga kapag may barilan imbes na kalaban ang matamaan ko, kakampi pa ang mabaril ko. Can't you see, ang pagiging bait lang ang kaya kong gawin para makatulong sa inyo. Ayokong maging pabigat"
"We don't need your help" Blaze said coldly.
Medyo nasaktan ako sa sinabi nya, ako na nga yung nagpiprisintang tumulong sa kanila pero ganun pa ang attitude nya. Feeling ko kasi ako ang may kagagawan ng lahat kung bakit nangyayari ito.
"Woah. Chill lovebirds, wag kayong mag-away. Alam kong gwapo ako pero please lang hindi nyo kailangang pag-awayan ang kagwapuhan ko"
I smiled a little because of what Raven said, I know he is just trying to lighten the mood pero hindi pa din nun natanggal ang nararamdaman kong inis dahil sa inaakto ni Blaze ngayon.
"Just shut up Raven" Blaze said.
"Sabihin mo na kasi sa akin kung bakit ayaw mong pumayag!" Pangungulit ko ulit.
"Keira please I'm starting to lose my patience so please stop"
"Ayoko"
"Keira" he said warningly.
"Sige na kasi! Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako binibigyan ng rason para tumigil"
"It's too dangerous for you Keira! Baka may mangyari pang hindi maganda sa anak natin sa binabalak mong gawin!" Blaze shouted angrily, mukhang napuno na sya kaya sumabog na sya ng tuluyan.
"Anak? Kailan pa kayo nagkaroon ng Junior? At bakit hindi ko alam yang bagay na yan ha! Sagutin nyo ako! Kailan nyo binuo si Junior?! Sagutin nyo ako as in now na!"
"Mamaya ka na nga umeksena Raven. Ano bang sinasabi mo Blaze, kelan pa tayo nagkaroon ng anak?"
"Hindi ko sinasabing meron na pero paano kung meron na nga? Mas mabuti na ang nag-iingat ka"
I saw his face turned a little red when he said that. Kaya naman pala ayaw sabihin ni Blaze ang dahilan kasi medyo nahihiya sya. Cute.
"Anak ng~ totoo ba to? Si Kuya Blaze nag-blu-blush?"
"Raven, I'm counting to three. You better start running now"
Inilabas ni Blaze ang baril nya at itinutok ito sa kapatid. Agad namang lumabas ng kwarto si Raven pero kahit nasa labas na sya hindi parin sya tumigil sa pang-aasar.
Pagkaalis ni Raven muli ko na namang inungkat yung pinagtatalunan naming dalawa ni Blaze kanina.
"Blaze, about what I said earlier, can we push through with the plan?"
"Pero delikado ang gusto mong gawin Keira, paano kung may mangyaring hindi natin inaasahan?"
"Alam ko namang delikado pero gusto kong makatulong sa inyo ni Raven. Besides, alam ko namang hindi mo hahayaang may mangyari sa aking masama. I know that you will protect me"
If Blaze wanted to protect me then I want to protect him as well.
"Of course I'll protect you! I won't let anything happen to you"
Habang magkayakap kaming dalawa, bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok si Ann Dee.
"Anneria Deemetria, Ann Dee for short reporting for duty" Biro nya. Dala dala nya na ang mga gamit ko bagay na ipinagpapasalamat ko.
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romantizm[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...