Chapter 63: Death

197K 3.8K 201
                                    

Chapter 63: Death

Death.

Sa dami ng taong mahahalaga na nawala sa buhay mo, hindi ba dapat masanay ka na lang dahil paulit ulit na lang ang nangyayari? Besides, lahat naman ng tao dun ang bagsak pero kahit na hindi masyadong mahalaga ang isang tao sayo, when that person became a part of your life, you will definitely feel something when that person is gone.

A week has passed.

Hindi pa din nahahanap si Sven and there's no trace of him anywhere kaya nagpasya na ang mga magulang nila na ideklara syang patay. Wala silang alam sa mga nangyari, ang boung akala nila a different organization killed Zoe and abducted Sven and me. Mas mabuti na din siguro yun, to spare them from the grief kapag nalaman nila ang boung katotohanan, na ang itinuring nilang anak ay isang traydor.

Ngayong araw na ang libing ni Zoe at Sven. Kahit na hindi pa nahahanap ang bangkay ni Sven gagawin na lang nila itong symbolic para daw atleast magkasama si Zoe at Sven sa iisang libingan, after all they were husband and wife. Only relatives and close friends are allowed here at the cemetery. Everyone looked solemn, tanging ang mommy lang nina Blaze at Raven ang umiiyak. Ganun siguro kapag lalaki, hindi masyadong nagpapakita ng emosyon lalo na sa publiko. Anyway, Mrs. Aerondale must have loved Sven like a true son para iyakan nya ito ng ganun. If only Sven knew how much they love him I'm sure hindi hahantong sa ganito ang lahat.

Before lowering their caskets, isa isang nagbigay ng message ang malalapit nilang kaibigan at kapamilya. Mrs. Aerondale didn't give a message masyado kasi syang emotional kaya si Raven na lang ang nagbigay ng mensahe para sa kanya.

"Sven, my little brother no matter where you are right now, no matter what your doing remember that you are our little brother forever and always, that will never change. I am sorry for the times that I may have neglected you, its just that mas masaya kasing lokohin, asarin at pikunin si Kuya Blaze kesa sayo, niyayaya din kita sa kalokohan pero ayaw mo naman. What I'm trying to say is that sayang yung mga panahon na sana magkasama tayo sa kalokohan, but we were too busy with our own businesses kaya hindi tayo nakakapagbonding ng matagal. Hmm. Anyway, we love you. Keep that in mind wherever you are. You may be gone now but I know we will see each other someday"

Natapos na silang magbigay ng mga mensahe at natapos na ang libing. Kasalukuyan kaming nasa kotse pauwi sa bahay, si Raven ang driver habang nasa tabi nya naman si Ann Dee. She looks better compared last week, medyo nai-gagalaw nya na din ang balikat nya pero kailangan nya padin ng kaunting assistance. Kaming dalawa naman ni Blaze ay magkatabi dito sa likuran, magkaholding hands kami habang pinagmamasdan ang view sa labas.

"Blaze, Raven may I ask you something?"

"Ano yun?" Tanong ni Blaze.

"Alam nyo ba na ampon lang si Sven at pinsan nyo sya?" Tanong ko. Naalala ko kasi yung mga sinabi ni Sven sa akin sa bahay ng totoo nyang magulang.

"Yes" Sabay na sagot nilang dalawa.

"So alam nyo din kung paano namatay ang parents nya?"

This is the part where I'm really curious about. Ang balak ko pa naman tutulungan ko si Sven na alamin ang katotohanan once na mapapayag ko syang itigil na yung plano nya.

"Unfortunately, no one knows. Natagpuan na lang sila dun sa spot kung saan ka dinala ni Sven, they were shot in the head so they died instantly. As for Sven, he was left untouched in the house. Walang leads kung sino ang pumatay sa kanila, its a clean kill with no traces whatsoever" seryosong sabi ni Raven.

"Do you think buhay pa ang mga pumatay sa parents ni Sven?"

They just shrugged meaning they don't know as well. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil bigla na lang inihinto ni Raven yung kotse, akala ko nga nasa bahay na kami pero puro eating establishments naman yung nakikita ko sa labas.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon