Chapter 40: Threats

220K 4.5K 314
                                    

Chapter 40:
"Threats"


The moment I woke up, I was greeted by a message from an unknown number.

| Enjoy it while it last :) |

It was obviously a threat. Hindi man direkta pero parang ganun na din yun. Sinubukan kong tawagan yung number pero unattended na ito.

Mabuti na lang at hindi si Blaze yung tipo ng asawa na bantay sarado pati sa social media dahil kapag nakita nya yung message baka kung ano pa ang gawin nya. Nasa lahi pa naman nila ang pagiging OA, tignan nyo na lang si Raven.

After doing my morning routine, I decided to go to the kitchen. Paglabas ko sa pintuan may nakabuntot na kaagad sa akin na men in black.

Nasabihan na ako ni Blaze na magkakaroon ako ng bantay kahit sa loob pa ng bahay pero hindi ko ini-expect na tototohanin nga nya. Balik na naman tuloy ako sa buhay bilanggo.

Habang naglalakad ako sa hallway, tumunog ang cellphone ko.

| Terrence Cain Calling |

Agad kong sinagot ang tawag nya, kahit na madalas magulo syang kausap, sya parin ang nagsisilbing warning device ko.

"Hello napatawag ka? Anong kailangan mo sa akin?" Agad na tanong ko.

Direct to the point ka naman masyado.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin?"

I called to check up on you.

"So kelan ka pa naging doctor at kailangan mo akong i-check up?"

Since I became involved with your life. Anyway, mukhang pinoprotektahan ka naman ng maayos ni Blaze, so, bye bye.

I didn't get the chance to say goodbye dahil binabaan na nya ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nung bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot sa pag-aakalang si Terrence na naman ang tumatawag

"Ano na naman?" Medyo naiinis kong tanong.

I can see you standing there, makes you an easy target to kill.

The caller wasn't Terrence, it was an unknown person. The voice he or she used is distorted. Sa tingin ko gumagamit sya ng app para ibahin ang boses nya.

According to the caller, nakikita nya ako. Pasimple kong pinagmasdan ang hallway, pero wala akong nakitang kahina-hinala, in fact ako at ang mga men in black na sumusunod sa akin lang ang nandito. Nakatingin lang sila sa akin at wala naman ni isa sa kanila ang may hawak na cellphone.

No matter where you look, you won't find me.

Medyo kinikilabutan na ako kaya pinatay ko na lang ang tawag. Nagmadali na din ako sa paglakad. Pero kung sino man sya mukhang ayaw nya akong tantanan dahil sige padin sya sa pagtawag sa akin.

Nagri-ring padin yung cellphone ko hanggang makarating ako sa dining room. Naabutan ko doon si Blaze na nagbe-breakfast at agad nya akong nilapitan nung makita nya ako.

"Hey, what's wrong?" Seryosong tanong ni Blaze sa akin.

Ganun na ba ka-transparent ang pagmumukha ko para malaman nya kaagad na may problema ako?

"Wala naman, gutom lang to. Ano bang breakfast natin ngayon?" pagsisinungaling ko.

Threats are made to scare you, nasa sayo na kung magpapadala ka sa takot mo. Besides, as long as I am well protected in here wala syang magagawa against me kaya hindi ko na muna ipinaalam ito okay Blaze.

"Eggs and Bacon" Tipid na sagot ni Blaze.He obviously didn't believe me.

"Tara kumain na tayo" Aya ko sa kanya.

We ate in silence after that pero hindi ako masyadong nakakain dahil nasa isip ko pa din yung mystery caller ko. As far as I'm concerned wala naman akong ginagawang masama so why make me their target? Si Zoe lang naman ang kaaway ko pero hindi ko naman sya exactly kaaway, sya lang yung nang-aaway sa akin. Counted ba yun?

"Hey wifey" Basag ni Blaze sa katahimikan.

"Ano yun hubby?" Tanong ko naman.

"Do you want to go somewhere? Just the two of us?

"Sige" agad na sagot ko.

The thought of just the two of us sounds good to me. Walang men in black, walang Raven na pasaway, walang Zoe, kaming dalawa lang.

"Lower your voice baka may makarinig sayo. Aalis tayo mamaya, midnight to be exact. Wag ka na magdala ng mga damit, basic necessities na lang para walang sagabal sa pag-alis natin, mamili na lang tayo ng damit along the way and don't tell anyone, not even Raven or Ann Dee. You know those two baka sundan pa tayo"

"Saan ba tayo pupunta Blaze?"

"Basta. Ako na ang bahala sa lahat"

"Okay"

Pagkatapos naming kumain ng breakfast nagpaalam si Blaze na pupunta muna sya sa office para ayusin ang mga dapat ayusin bago kami umalis. Ako naman ay bumalik na sa kwarto para mag-empake.

I didn't know exactly when I fell asleep pero nagising ako dahil parang may mabigat na nakadagan sa akin. I immediately opened my eyes at tumambad sa akin ang mukha ni Blaze na mahimbing na natutulog.

Nakadagan ang ulo ko sa braso nya, nakayakap sya sa akin at nakayakap din ako sa kanya pero nakadantay ang binti nya sa binti ko.

Hindi ako gumalaw para hindi sya magising. Pinagmasdan ko ang mukha nya, para talaga syang anghel habang natutulog. Na-i-imagine ko tuloy ang mga magiging anak namin balang araw, sana kamukha nila si Blaze.

"What are you smiling at wifey?"

"Ay babies!" gulat na sabi ko.

"Babies? Do you wan't to make one right now?"

Blaze looked at me meaningfully. Agad namang namula ang mukha ko dahil sa gusto nyang ipahiwatig.

"Masyado pa tayong bata ano ka ba, teka ako lang pala kasi 22 ka na!"

"We are married for crying out loud"

"Ah basta!"

Since malapit nadin namang mag-midnight nagready na kami pareho. T-shirt at shorts lang ang isinuot ko. Nag-shirt at jeans lang din si Blaze kaya para lang kaming pupunta sa mall.

"Tara" Aya nya sa akin.b

Naglakad na ako papunta sa may pintuan pero hindi sya umalis sa pwesto nya sa may bintana.

"Akala ko ba tara na bakit nakatayo ka pa dyan?"

"Dito tayo dadaan"

"Sa bintana? Bakit?"

"May cctv camera sa hallway, makikita tayo ng mga tauhan ko"

Ah. Kaya pala. Pero teka may cctv camera sa hallway? Yun siguro ang ginamit ng mystery caller ko kanina para matyagan at takutin ako. Either nakikigamit sya ng cctv camera o may inistall syang sarili nya na hindi alam nina Blaze.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Just relax and trust me dear wifey, I've already done this a million times"

Naku pasalamat ka talaga Blaze at mahal kita kaya willing akong ipagkatiwala sayo ang buhay ko. Binuhat nya ako pero dahil kinakabahan ako pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.

"Open your eyes" Blaze said softly.

Pagmulat ko nasa baba na kami. Sabi ko nga hindi ako hahayaang masaktan ni Blaze eh.

"So saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Were going to Hawaii"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon