Chapter 61: Truth
"This was my parents house, my real parents that is"
Hindi ko alam kung tama ba ako ng narinig kaya sinubukan ko syang tanungin kaso lang hindi nya na ako sinagot at nagtuloy tuloy na sya sa loob ng mansion habang ako naman ay naiwang nakatayo lang doon. Sumunod na lang ako, between the haunted mansion and the haunted forest mas pipiliin ko na yung haunted mansion atleast dun sa loob may kasama ako unlike sa forest.
Pero tama nga kaya yung narinig ko? Ang sabi ni Sven pag-aari ng "REAL" parents nya ang lugar na ito, when he said real does that mean na hindi nya totoong magulang sina Tito Vash at Tita Arisa? Na ampon lang sya? Pero may pagkakahawig naman sila nina Sven, Raven at Blaze kaya hindi mo maiisip na hindi sila magkakapatid.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nabangga ko na pala si Sven, mukhang tumigil sya sa gitna. He didn't say anything, ini-on nya lang yung hawak nyang flashlight at inilawan nya ang paligid. Just like any mansion that I have seen so far, may chandelier din sa pinaka-gitna at meron din itong grand staircase, ayun nga lang puno na ito ng alikabok at sapot ng gagamba. Kung sana na-maintain lang ang lugar na ito, I'm sure kasing ganda din ito ng mansion ni Blaze.
Anyway, nagpatuloy na sa paglalakad si Sven, dali dali akong sumunod sa kanya.
Nakarating kami sa library or maybe its an office. Hindi ko sure, madami kasing libro pero may isang malaking table naman sa gitna at may couch din sa gilid. Pumunta si Sven sa may right corner then pagbalik nya may hawak na syang kandila na ipinatong nya sa may table. Thanks to that I can now see my surroundings. Compared to the other rooms, medyo malinis ang kwartong ito. Wala kasi ni isang kalat man lang. Umupo si Sven sa may swivel chair beside the table, then he motioned for me to sit at the couch. Hindi na ako nagdalawang isip pa, umupo na ako kaagad, parang ngayon ko kasi naramdaman yung pagod. Napagod ako sa party kanina, tapos sa confrontation namin ni Zoe at sa pakikipaghabulan namin kay kamatayan sa may national high way. Pagka-upo ko naglabas naman si Sven ng alak galing sa ilalim ng lamesa nya at sinimulan nya na itong laklakin. Maybe he wanted to drown his sorrows?
Pinapanuod ko lang sya, nakaka-dalawang bote na sya ng Jack Daniels, hindi ko alam kung lasing na ba sya or may high tolerance sya sa alcohol dahil sa dalawang taon na magkasama kami hindi ko naman sya nakitang uminom ng alak. Nakatitig lang ako sa kanya nung bigla na lang syang magsalita, akala ko nga nung una sarili nya ang kinakausap nya dahil hindi naman sya nakatingin sa akin at nakatitig lang sya sa kawalan.
"Alam mo ba, akala ko dati perfect na ang buhay ko. I have a mother and a father plus two siblings, nakukuha ko lahat ng gusto ko, money, gadgets, all the food that I want, all the luxury that I can think of. Pero kasinungalingan lang pala ang lahat!"
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot, pero nanahimik na lang at nakinig sa kanya dahil hindi ko din naman alam ang dapat kong sabihin.
"I thought I'm happy in my little bubble of happiness but then I learned the truth, salamat na rin sa tulong ni Bullet"
Tumungga muna si Sven ng alak bago nya ipinagpatuloy ang sinasabi nya.
"Damn! If only you knew the feeling, yung feeling ng mapahiya. All these years I thought part ako ng pamilya nila, I even wanted to become a mafia boss, I thought I had a chance only to find out na kahit anong gawin kong effort hindi mangyayari yun! Hindi ako tunay na anak so there's no chance na ipamana nila sa akin ang posisyon na yun. Sino ba naman ako, I'm just their nephew. Im the only son of my dad's younger brother!"
Medyo nakakarelate ako sa sinasabi ni Sven because I know that feeling too well, yung feeling ng napapahiya ka, yung feeling na hindi ka belong sa isang pamilya katulad ng naramdaman ko nung mawala si papa at tanging sina tita minerva na lang ang natira. I wanted to comfort him but then I remembered the things that he did earlier. Alam kong masakit na malaman na ampon ka lang pero hindi naman tamang pumatay ka ng isang tao at ipahamak mo ang mga inosenteng tao para lang makuha mo ang gusto mo hindi ba?
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...