Chapter 49: Names

216K 4.4K 648
                                    

Chapter 49: Names

"Congratulations Blaze! Your wife is 8 weeks pregnant!"

8 weeks! 8 weeks na akong buntis, 8 weeks ko nang dinadala ang magiging anak namin ni Blaze at wala man lang akong kamalay malay. Masaya ako sa resulta and at the same time kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

"Thank you Claire" Blaze said.

Pasimple ko silang inirapan. Naiinis ako kay Blaze pati nadin dito kay Claire, ang doktorang tumingin sa akin. Naiinis ako dahil silang dalawa lang yung nag-uusap, ni hindi man lang nila ako isinasama sa usapan.

Habang 'magka-usap' padin sila walang sabi sabing tumayo ako at lumabas ng clinic, hindi ko na kasi kaya yung iritasyong nararamdaman ko, pakiramdam ko sasabog na ako. Habang naglalakad ako sa labas, hinawakan ni Blaze ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

"Where are you going?"

Sinamaan ko sya ng tingin, hanggang ngayon kasi ay nakakaramdam padin ako ng inis. Pinilit ko ding makawala mula sa pagkakahawak nya pero sadyang napakalakas nya.

"Bitawan mo ako! Uuwi na ako. Bakit di mo na lang ituloy yung pakikipaglandian mo sa babaeng yun!"

"What are you talking about? Hindi ako nakikipaglandian sa kanya. Aish, saan mo ba nakukuha yang mga naiisip mo!"

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko.

Umuwi na kaming dalawa at habang lulan ng kotse napansin ko ang kakaibang mood ni Blaze. Napapangiti kasi sya habang nagdi-drive pero nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya bigla na lang nya akong sinungitan. Weirdo.

Pagdating sa bahay hindi ko na hinintay si Blaze, pagkahinto ng kotse bumaba na ako kaagad. Naabutan ko sina Raven at Ann Dee sa living room na nagkukulitan pero kaagad silang huminto nung makita nila ako.

"Ano? Kamusta ang check-up? Meron na ba? Positive?" Excited na tanong ni Raven at Ann Dee.

"Yes! I'm 8 weeks pregnant!" Agad na sagot ko.

"WOW! Congrats! Ang bata mo magka-baby! Haha"

Tinignan ko si Ann Dee ng masama, mukhang nahawa na talaga sya kay Raven pagdating sa pang-aasar.

"Congrats! Madadagdagan na naman ang pamilya Aerondale! Sana maging kasing gwapo, talino at kakisig ko yang baby nyo ni Kuya para kapag laki nya masaya sya kasi nagmana sya sa Idol nya!"

"Idol mong mukha mo!" Sigaw ko. Natawa na lang ako kasi sabay pa kaming nagsalita ni Ann Dee.

"Anyway, nasaan na ba si Loverboy para ma-congratulate ko na sya?" Tanong ni Raven sa akin.

"Ewan ko sa lalaking yun!" Sagot ko.

"Mukhang badtrip ka kay Kuya. Alam mo ganyan daw talaga ang mga buntis madalas nilang paglihian yung mga asawa nila"

"Ewan ko din sayo Raven!"

Iniwan ko na muna sila para makapagpalit ako ng damit. Pagbalik ko wala na sila sa living room. Hinanap ko sila at nakita ko naman sila sa may rose garden na nakatambay. Walang nagtatrabaho dito ngayon, day off siguro nila. Almost 80% na ang preparations para sa kasal ni Zoe at Sven kahit na madami pang oras para maghanda. To be honest I felt a little envy, nagagandahan kasi ako sa concept ng kasal nila.

It's a garden wedding, pero hindi ito yung normal na garden wedding na maglalagay na lang ng mga upuan at wedding decorations. Zoe wanted a Victorian themed wedding. She wanted an isle of pink roses kaya naman nagpatanim pa si Sven ng mga pink roses. Nagsabit din sila ng mga Christmas lights and they made it look like a waterfall kaya naman ang ganda ng effect.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon