Chapter 64:
Proposal. Answerable by a yes or no. So what will your answer be?"Keira, try mo nga magsuklay kahit ngayong araw lang? O kaya maglagay ka ng make-up o kahit na pulbos man lang"
"Bakit ko naman gagawin yun eh nandito lang naman tayo sa bahay, wala namang okasyon at wala naman akong ibang gagawin kundi ang humilata dito"
Minsan talaga mapanglait masyado si Raven, kung ba't ba naman kasi sya ang natokang magbantay sa akin ngayon eh.
A month has already passed since the funeral and the incident at that Chinese restaurant. Ever since that day, araw araw na kaming may natatanggap na pink camellia. Para bang sinasabi nung kung sino mang nagpapadala na araw araw nasa tabi lang sya, stalking us, waiting for the perfect opportunity to kill us.
Minsan makakakita na lang kami ng pink camellia sa labas ng kwarto namin, minsan naman sa bintana. Hindi ko nga alam kung paano nyang naipupuslit yung mga bulaklak. Dahil dun mas lalo pang pinahigpitan ni Blaze ang security. Kung dati daig ko pa ang preso, ngayon mas masahol pa. Pero kung dati puro men in black ang bantay ko ngayon its either Blaze, Raven or Ann Dee, sometimes a combination of both or kung mamalasin ka naman combination nilang tatlo. Kapag silang tatlo kasi ang magkakasama feeling ko mas lalo lang akong napapagod kahit na nakaupo o nakahiga lang naman ako.
"Try mo kayang magpaganda, yan ang hirap kapag naging mag-asawa na kayo eh, petiks na, pinapabayaan na ang sarili, nagiging kampante na. Sige ikaw din, baka maghanap si Kuya Blaze ng supermodel, nananaba ka pa naman ngayon. Hhaha"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi nya at binato ko din sya ng unan. Subukan lang talaga ni Blaze na mambabae, hindi nya pa ako nakikitang magbeastmode.
"Hahaha. Hoy kilay mo malapit na magdikit! Chill. Binibiro lang kita, ikaw lang ang only girl, woman in the world sa buhay ni Kuya Blaze wag kang mag-alala"
"Mabuti naman. Nasaan na pala sya, ang akala ko sya ang magbabantay sa akin ngayon"
Hindi naman sa ayaw kong kasama si Raven pero ang sakit kasi nya sa ulo at parang gusto ko lagi kong kasama si Blaze.
"Nasa babae nya"
"ANO???" Sigaw ko.
"JOKE ULET! HAHAHAHA"
"Ewan ko sayo Raven"
Just then someone knock on the door. Lumapit si Raven sa pintuan at sya na mismo ang nagbukas nito. Tumambad naman sa akin yung Maid na madalas magdala ng pagkain ko. May tulak tulak syang cart kung saan nakalagay ang lunch ko.
Nung maihanda na nya yung pagkain ko sa may mini table, uupo na sana ako sa may upuan para kumain kaso inunahan ako ni Raven.
"Sakto gutom na ako! Tara kain tayo Keira" aya nya sa akin.
May nakatakip dun sa plate kaya hindi ko alam kung ano ang niluto nilang pagkain ngayon. Tinanggal naman ni Raven yung takip pero imbes na pagkain ang bumungad sa amin, isang pink na camellia ang nasa gitna ng plato tapos may red na sauce pa sa paligid nito.
"Yung totoo? Bagong recipe ba yan? Pink Camellia with red sauce something?" I said sarcastically.
"Slow mo talaga kahit kelan, pinadalhan na tayo ng death threat wala ka pang kaalam alam. At anong red sauce something ang pinagsasabi mo? Dugo yan ano ka ba!"
Hindi na hinintay ni Raven ang sagot ko, basta na lang syang tumayo at hinila nya ako papunta sa kitchen.
"Teka nga lang, bago tayo mag-ala-detective conan, sabihin mo munang wala kang kinalaman dito"
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
عاطفية[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...