Chapter 27:
Cozy. adjective
: small, comfortable, and warm
: suggesting or showing a closeness between two people, groups, businesses, etc. : very close.
"Get up""Inaantok pa ako, pwede bang hayaan mo na lang muna ako"
Anong oras na ba? Dati rati naman hinahayaan lang ako ni Blaze na matulog. Ano bang meron at pilit nya akong ginigising ngayon?
"Tatayo ka ba o baka gusto mong kaladkarin kita? Baka gusto mong ako na din ang maghubad at magpaligo sayo?"
Napilitan akong bumangon dahil sa sinabi nya, alam ko kasing kapag sinabi nya gagawin nya talaga. Sa pagtayo ko malaya kong napagmasdan si Blaze, he is already wearing a suit, ready na para magtrabaho. He looks fresh and clean, yung tipong tingin palang alam mo na kaagad na mabango sya.
"Kilos na"
Dumiretso ako sa banyo pero paglabas ko wala na si Blaze at may note syang iniwan sa bedside table.
'I'll wait for you in the car'
Nagmadali na ako, mahirap paghintayin ang isang taong wala ni katiting na pasensya sa katawan. Saan na naman kaya kami pupunta?
Pagdating ko sa labas naghihintay na ang kotse. Dali dali akong sumakay dito, ni hindi ko na hinintay ang tauhan ni Blaze na pagbuksan ako ng pintuan kaya laking gulat ko nung makita ko si Zoe sa loob. Agad nya akong tinignan ng masama at bago pa sya may masabi sa akin bumaba na lang ako sa kotse.
"Nasaan po si Blaze?" Tanong ko sa isa sa mga tauhan ng asawa ko.
"He left already Mam"
Ang galing, nag-iwan iwan sya ng note na hihintayin nya ako tapos iiwan nya din pala ako. Hindi na sya nagsalita pa but he motioned for me to get back on the car.
Hindi ko sya sinunod. Ayokong makatabi si Zoe dahil baka kami pa ang maging ugat ng susunod na world war. Mukha din namang ayaw nya akong makasama dahil pinababa nya yung driver ng kotse at sya na ang nagdrive nito.
Since wala na ang kotse babalik na sana ako sa loob pero pinigilan na naman ako ng tauhan ni Blaze. Nagtataka ko syang tinignan pero may itinuro lang sya sa likuran ko. Nilingon ko ito at agad akong nakaramdam ng pagkadismaya nung makita ko ang isang itim na kotse. Akala ko makakatakas na ako, akala ko lang pala.
Pagdating sa Aerondale Corp. agad akong idineretso ng tauhan ni Blaze sa opisina nya. Pagpasok ko sa loob, bumungad kaagad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Blaze. Katabi nya ang mga kapatid nya at sa harap nila ay may lalaking hindi ko kilala.
"What took you so long?"
"Pasensya na, nagkaroon lang ng konting aberya" paliwanag ko.
"Okay. Come here"
I sat beside Blaze. Pagkaupong pagkaupo ko bigla na lang nagsalita yung lalaking hindi ko kilala.
"Hindi ko na patatagalin pa ang lahat. As you already know, I am here to read the recent changes regarding Mr. Blaze Aerondale's last will and testament"
"La-last will and testament? Bakit may last will and testament ka na? Mamamatay ka na ba? May sakit ka ba?" Sunod sunod na tanong ko, pero imbes na sagutin ako binatukan ako ng malakas ni Blaze.
"Hindi pa ako mamamatay at mas lalong wala akong sakit"
"As I was saying before I was rudely interrupted, pinabago lahat ni Mr. Aerondale ang nilalaman ng kanyang last will and testament. Before the changes, everything in his possession will be divided between his two siblings namely Raven Aerondale and Sven Aerondale, pero ngayon ang lahat ay mapupunta sa kanyang asawa. But if something were to happen to his wife, mapupunta ang lahat ng properties nya sa kanilang anak o mga anak"
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...