Chapter 20:
"Sadness: causing or associated with grief or unhappiness: depressing: regrettable, deplorable."
"Si Kuya Blaze ba yun? Sino kaya yung kasama nyang babae? Grabe ang sweet naman nilang dalawa"
Agad kong nilingon ang direksyong itinuro ni Raven pero wala namang tao doon. Pagtingin ko sa kanya nahuli ko syang tumatawa.
"Anong nakakatawa?" Naiinis na tanong ko.
"Ikaw" agad na sagot nya bagay na nakapagpakunot sa noo ko.
"Ako? Anong ibig mong sabihin? At nasaan ba ang asawa ko at ang kabit nya?"
"That's exactly what I mean"
"Ewan ko sayo Raven, ang gulo mo kausap"
Ilang araw ng nagsusungit si Blaze, ilang araw na din nya akong hindi kinakausap. Daig nya pa ang babaeng may menstruation.
Naiinis ako kay Blaze, naiinis din ako kay Raven pero mas naiinis ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Na-mimiss ko si Blaze kahit na hindi naman dapat.
Nilayasan ko na si Raven bago pa man umabot sa puno't dulo ang inis ko sa kanya. Nakaprogram na ata sya para mang-inis ng mga tao. Naglalakad ako sa may hallway nung makarinig ako ng tunog ng gitara.
Sumagi agad sa isip ko si Blaze kaya hinanap ko kung saan ito nagmumula at hindi nga ako nagkamali. Pagsilip ko sa isang kwarto nakita ko si Blaze na nakaupo sa may window ledge habang naggigitara.
Nakasilip lang ako sa kanya habang tahimik ko syang pinapanuod. Pero may bigla na lang tumulak sa akin kaya naman naitulak ko ng hindi sinasadya yung pintuan. Lord, kung si Raven man yun pwede mo na syang sunduin. :')
"H-hi Hubby! Long time no see " bati ko sa kanya.
"Leave" tipid na sagot nya.
"O-okay"
Medyo nasaktan ako sa attitude nya kaya umalis na lang ako katulad ng gusto nya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nya ngayon, hindi ko din alam kung bakit ganun ang inaakto nya basta ang alam ko mabigat sa pakiramdam. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Napadpad ako sa may rose garden, nitong mga nakaraang araw dito ako naglalagi kapag naiinis ako kay Blaze, minsan napagdidiskitahan ko din ng hindi sinasadya yung mga tanim na rosas dito.
Papalapit palang sana ako sa usual spot na tinatambayan ko nung bigla akong malaglag sa isang butas.
"A-aray ko po" daing ko.
Sino ba ang walang pusong naghukay ng butas dito? At hindi lang sya isang simpleng butas dahil almost 7 feet din ata ang lalim nito,
Tumayo ako para sana pagpagan ang sarili ko pero agad din akong napaupo nung makaramdam ako ng matinding sakit sa paa ko. Mukhang na-sprain ang paa ko, paano ako makakaalis ngayon nyan dito?
"Tulong! Tulungan nyo ako!" sigaw ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong sumisigaw pero kahit na anong lakas pa ng sigaw ko parang wala namang nakakarinig sa akin. Aabutin pa ata ako ng gabi dito.
"Need help?" Someone suddenly said.
Agad akong nakaramdam ng tuwa nung makita ko si Blaze pero agad ding napawi yun nung maalala ko yung pagpapalayas nya sa akin kanina kaya naman hindi ko sinagot yung tanong nya.
"Fine suit yourself"
Iniwan na ako ni Blaze. Ngayong mag-isa na naman ako naramdaman ko na naman yung sakit na naramdaman ko kanina. Nasa ganun akong eksena nung bigla na lang tumalon si Blaze sa butas.
"B-blaze? Bakit ka tumalon dito?" Tanong ko.
"Because this seems like a great hiding spot" sagot nya.
Okay?
Medyo masikip ang butas at halos magkadikit na ang mga katawan namin which is kinda uncomfortable dahil na-sprain ata ang paa ko. Nakita siguro ni Blaze na nahihirapan ako kaya umupo sya sa lupa at iniupo nya ako sa hita nya, pagkatapos nito ay ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko.
Well, this felt nice.
"Galit ka ba sa akin?" Basag ko sa katahimikan
"What made you think that?" Sagot nya.
"Kasi ilang araw mo na akong hindi kinakausap tsaka pinapansin. May nagawa ba akong kasalanan? Did I broke one of your rules again?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hmmm"
"Anong hmmm? Ano nga?"
"Hmm, maybe I'll tell you someday, maybe I'll don't. Haha"
Feeling ko mas matino pa kausap si Raven minsan kesa dito kay Blaze. :') Lord, bakit naman ganito sumagot to?
"Hey what's up lovebirds, or should I call you loveworms? Masaya ba sa ilalim ng lupa? Mukha kasing gustong gusto nyong magloving loving dyan"
"Andami mo pang daldal Raven, pwede tulungan mo na lang kami" seryosong sabi ko. Minsan ang galing din talaga ng timing ni Raven, paano nya kaya nalalaman kung nasaan kami lagi.
"Sorry loveworms, takot ako sa worms eh. Hahaha!"
Iniwan na kami ni Raven, kung gaano sya kabilis nagpakita ganun din sya kabilis na naglaho. Napasimangot na lang ako pero agad ding napawi yun nung makarinig ako ng kaluskos mula sa itaas. May puso din naman pala si Raven.
"AHA! NAHULI KO DIN SA WAKAS ANG NANINIRA SA ROSE GARDEN!"
Tumambad sa amin ang galit na pagmumukha ni Esther, ang mayordoma ni Blaze.
"S-sir Blaze, a-anong ginagawa nyo dito? Teka lang hihingi ako ng tulong!"
As we patiently wait for help to come bigla ko na lang naramdaman ang kamay ni Blaze sa hita ko, then the next thing that I know buhat buhat nya na ako at walang kahirap hirap nya akong naiakyat sa itaas. Pagkatapos nito ay naglakad sya na para bang walang nangyari.
Kaya nya naman palang umalis sa butas na hindi humihinhi ng tulong pero hindi nya ginawa kanina. Ibig ba nitong sabihin sinadya nya yun para magkasama kami ng matagal doon. Hindi ko alam kung okay na kami o hindi padin basta ang alam ko masaya ako habang buhat buhat nya ako.
"By the way, I still need to punish you"
Lord, ano na naman bang naging kasalanan ko? :')
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Любовные романы[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...
