Chapter 3:
"Just when you thought you escaped death, you encountered the Devil."
Ever heard the phrase 'The calm before a storm' ? I guess its true after all. It started with my weird dream and after that dream, I saw them.
Madaming kumakain sa Karinderia ni Tita Minerva pero karamihan sa kanila ay mga estudyante, tricycle driver at jeepney driver kaya mapapansin mo agad kapag may bagong mukha.
Lima sila at parepareho silang naka-tshirt at jacket na itim, naka-cap din sila ng itim kaya hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila.
Hindi ako judgemental pero paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yung panaginip ko. Coincidence lang ba na may mga bagong salta dito na naka-itim din o isa na pala yung pangitain?
Sinenyasan ako nung isang lalaki at dahil customer namin sila, lumapit na lang kahit na labag sa kalooban ko.
"Ano pong order nila?" Tanong ko.
Hindi nila ako sinagot pero bigla na lang nagtanggal ng Cap yung lalaking nasa gitna at dun na bumungad sa akin ang kinakatakutan ko.
"Do you think you can run away from me after what you did?" He said coldly.
Napakalamig ng boses nya, siguro ganito ang boses ni kamatayan, bukod sa napakalamig, nakakatakot din ito at nakakahipnotismo. Naputol lang yun nung marinig ko ang boses ni Tita Minerva.
"Hoy! Tatayo ka na lang ba dyan boung araw! ano ba! Andami daming customer nakatunganga ka dyan!" Sigaw nya.
Dali dali akong lumapit kay Tita Minerva, wala syang kamalay malay sa nangyayari pero iniligtas nya ako sa bingit ng kamatayan. May silbi din pala kahit papano yung pagpapahirap nya.
"Teka nga, mamalengke ka nga saglit ng lulutuin, kulang na tayo sa rekado" biglang utos ni Tita Minerva.
"Sige po" agad na sagot ko. Pagkakataon ko na to para makatakas.
Walang lingon lingong lumabas ako ng karinderia pagkabigay nya ng pera sa akin, pero hindi pa man ako nakakalayo, nararamdaman ko na may sumusunod na sa akin.
What to do?
Nakarating ako sa palengke ng wala man lang akong naisip na strategy o plano.
Magkukunwari na lang siguro muna ako na hindi ko sila nakikita at kapag nakakita ako ng pagkakataon tatakbuhan ko sila pero bago ko pa man magawa yun may bigla na lang humarang sa daraanan ko.
"Sumama ka sa akin" mahinang sabi nya.
Hindi ako tanga para sumama na lang ng ganun ganun sa kanya kaya tinulak ko sya ng ubod lakas bagay na hindi nya inaasahan.
Tumakbo ako ng mabilis, wala na akong pakialam sa mga taong makakasalubong at mababangga ko. I am literally running for dear life.
Tumakbo ako papunta sa direksyon ng bahay nina Ann Dee. Hindi ako pwedeng bumalik sa karinderia lalo na at alam nilang dun ako nagtatrabaho at dun din ako nakatira.
Akala ko makakatakas na ako, natatanaw ko na kasi ang bahay nina Ann Dee kaya laking gulat ko nung may biglang bumuhat sa akin, sinakbit nya ako sa balikat nya na parang sako ng bigas. Nagpumiglas ako at binayo ko ang likod nya pero hindi sya natinag.
"Tulong!" Sigaw ko. Pero wala man lang pumansin sa amin. Hindi ba uso dito ang tumulong?
Tumigil kami sa tapat ng isang kotse at marahas nya akong ipinasok sa loob. Sinubukan kong lumabas pero ni-lock nya ang pintuan.
Perfect. The one who caught me was that guy, the guy with the dangerous pair of eyes. The one that I also slapped by the way.
******
"Time to wake up!"
Nagising ako nung maramdaman ko ang paghampas ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko alam kung kelan ako nakatulog pero ang alam ko basa na ako ng tubig.
Inilibot ko ang aking paningin, may isang spotlight na nakatutok sa akin, nakatali ako sa isang upuan at sa harapan ko ay nakatayo ang isang dyosa.
Napakaganda nya, straight black hair, red lips, skin as white as snow and a body to die for. I felt envy invade me.
"Nasaan ako?" Lakas loob na tanong ko.
"Hell" tipid na sagot nya.
If this is hell, then where is the devil?
May gusto pa sana akong itanong sa kanya pero laking gulat ko nung bigla na lang syang naglabas ng baril na itinutok nya sa akin.
Mamamatay na ba ako? Ayoko pang mamatay, hindi pa nga ako nakaka-graduate, wala pa akong na-a-achieve sa buhay ko. Tsaka gusto ko pang malaman kung bakit bigla na lang nakipagbreak si Sven sa akin.
Is this the time where I beg her to forgive me and spare my life or is this the time where I simply accept my fate and wait for death to come? But before she can pull the trigger someone spoke behind me.
"That's enough Bullet"
Minsan ko palang na narinig ang boses nya pero alam kong sya yun at hindi nga ako nagkamali dahil muli ko na namang nasilayan ang nakakatakot nyang mga mata.
"But she slapped you! We have to punish her!" Protesta nung tinawag ng lalaking yun na Bullet.
Kung alam ko lang na nakakamatay ang manampal ng tao, hindi ko na sana sya sinampal. Grabe sila, pwede naman nila akong sampalin na lang din para quits na kami.
"I said that's enough. You can go now" utos nito.
Halatang ayaw nya pang umalis pero napilitan na din sya ng tignan sya nito ng masama. Now its only me and him.
"Should we make a deal?" Biglang tanong nito sa akin.
What kind of deal would a devil propose? Prostitution? Selling of drugs? Magbenta ng mga organs in exchange for my life? Pumatay ng tao? Bago pa man ako makasagot, bigla na lang syang nagsalita.
"Be my wife and you'll live"
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tama ba ako ng narinig?
"Be my wife or die" ulit nya sa sinabi nya.
Pwede bang 'or'?
"Be your wife?" Hindi siguradong sagot ko. Ayokong magpakasal sa kanya lalo na at hindi ko naman sya kilala. Hindi ko din alam ang rason kung bakit gusto nya akong maging asawa pero ayoko din namang mamatay.
Wala bang ibang pagpipilian sa choices?
"Okay dear wifey"
Pagkatapos sabihin yun bigla nya na lang akong iniwan. So, yun na yun? Anong klaseng future husband ba sya, hindi man lang ba nya ako kakalagan dito?
Lord, tulungan mo ako. Ano po ba tong pinasok ko? :')
******
⚜️
Author's Note:
-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.
@AcinnejRen
BINABASA MO ANG
Cinderella is Married To A Gangster! (Complete)
Romance[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging inaapi ng kanyang Evil Stepmother at Evil Stepsisters, pero kahit na ganun, nagkaroon naman sya ng happily ever kasama ang kanyang prince c...
