Chapter 34: Hidden

235K 4.9K 287
                                    

Chapter 34:
"There are things that we discover in this world, we either love it or we hate it."


"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod wala sa harap. Malamang wala talaga sa harap, semento kaya yung nasa harapan ko. Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo. Ang una kong makita babarilin ko kaagad kaya magtago kayong mabuti! ONE!"

One and half hour before classes start pero nandito pa ako sa bahay dahil sa mga baliw kong kasama. All of them are crazy, even my best friend Ann Dee, mantakin nyo naman maglaro daw ba ng tagu-taguan bago pumasok?

Kung may choice lang ako iniwan ko na silang lahat kaso lang pati ata driver isinali ni Raven sa paglalaro nila kaya wala akong choice kundi hintayin silang matapos.

Ewan ko ba kay Raven kung anong pumasok sa isipan nya at inaya nyang maglaro si Ann Dee ng tagu-taguan at ang magaling kong kaibigan parang wala kaming pasok kung maka-oo kanina.

"Hey Keira, ayaw mo bang sumali? This is kinda fun you know" Raven said while smiling at me like a lunatic.

Tapos na syang magbilang hanggang sampu at lahat sila ay nakapagtago na.

"Ayoko" tipid na sagot ko.

"Killjoy mo naman"

Sinundan ko na lang sya ng tingin habang sinusuyod nya ang boung library. Dito nila naisipang maglaro para 'mas' madali nilang mahanap ang isa't isa, masyado nga naman kasing malawak kung sa boung mansyon sila maglalaro.

"Ahhhh! Ang daya naman!" Reklamo ni Ann Dee nung sya ang unang mahanap ni Raven.

Hindi na ako nagtataka na sya ang matataya, lahat sila part ng mafia at lahat sila sanay sa mga ninja moves, except for her.

"Oh labas na may bago nang taya o kaya wag na kayong lumabas para di sayang ang hiding spot nyo"

"Raven, hindi pa ba kayo titigil sa paglalaro? We only have an hour left before classes starts" pigil ko sa kanila.

"Okay lang yan, madami pa namang oras. Chill ka lang Keira"

"Sumali ka na kasi sa amin" sabat ni Ann Dee.

"Ayoko" tanggi ko.

"Sumali ka na sa amin Keira, si Ann Dee naman ang taya. O kaya ganito na lang, kapag sumali ka ihahatid ko na kayo sa school pagkatapos nating maglaro. Pero dapat hindi ikaw ang una nyang mahanap, baka kasi hindi ka na magtago para lang matapos na agad yung game. Kapag ikaw ang una nyang nahanap maglalaro ulit tayo ng isa pa. So, is it a deal?"

"Okay deal"

Pumuwesto na si Ann Dee at nagsimula na syang kumanta ng normal na tagu-taguan, by normal I mean the original version unlike sa version ni Raven kanina na puro kalokohan. Nagsimula na din akong maghanap ng lugar na mapagtataguan ko.

"Five!"

Malapit ng matapos si Ann Dee sa pagbibilang pero hindi padin ako nakakahanap ng mapagtataguan.

I actually have three options, una, akyatin ang mga bookshelf at doon magtago sa itaas. Pangalawa, magtago sa ilalim ng mesa at pangatlo, magpakita na lang kay Ann Dee.

Okay sana yung option no. 1 kaso lang ayoko namang madumihan ang damit ko, lalo na at papasok pa ako sa school. Option no. 2 and 3 is out of the question dahil kapag ako ang unang nahanap ni Ann Dee, maglalaro na naman kami ng panibagong game.

Pero saan ako magtatago? Sumandal ako sa dingding pero nagulat ako nung bigla na lang itong bumukas dahilan para matumba ako.

"A-aray ko" daing ko sabay hawak sa balakang kong tumama ata sa semento.

Nasaan ba ako? Kung gaano kabilis na bumukas ang dingding kanina ganun din ito kabilis na sumara. Sobrang dilim din dito kaya wala akong makita pero nararamdaman ko na punong puno na ng alikabok ang katawan ko.

Sinubukan kong kapain ang dingding baka sakaling bumukas ulit ito pero naikot ko na ata ang boung kwarto pero wala pading nangyayari.

Anong gagawin ko?

Malapit na akong mawalan ng pag-asa nung bigla akong may maaninag na liwanag. Maliit lang ito, parang sinlaki lang ng mata ng tao.

If there is light coming through that hole it could be my way out of here. Agad ko itong nilapitan at itinulak kaso lang wala paring nangyari. Sumilip na lang ako dito para makita ko kung nasaang lupalop na ba ako.

I can see lots of books stack neatly in a bookshelf which by the way looked vaguely familiar. Teka parang ito yung library sa kwarto namin ni Blaze. Nasaan kaya sya, maybe I can ask him for help.

Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mini-library ni Blaze, biglang bumukas ang pintuan. Nakita kong pumasok si Blaze, hihingi na sana ako ng tulong pero natigilan ako lalo na nung makita ko si Mr. Coltier na kasunod lang nya.

"I see your okay now, nahuli mo na ba ang bumaril sayo?"

"Not yet Sir"

"You better find that person, you need to make sure that my daughter is safe"

"I understand Sir"

"Anyway, hindi na ako magtatagal, I just wan't to make things clear to you"

"Yes Sir"

I know eavesdropping is bad pero hindi ko maiwasang maki-usyoso lalo na at mukhang interesante ang pinag-uusapan nila. Anyway, mukhang si Zoe ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Take care of my daughter Blaze, kapag may nangyaring masama sa kanya ikaw ang malalagot. Another blunder like that and I'm gonna take her for good and kill you if need be"

"I already know that Sir and I won't let anything happen to her"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya.

Lumayo ako sa butas, as far away as possible para hindi ko sila makita at marinig. Sumandal din ako sa dingding para sana suportahan ang sarili ko pero muli na naman akong natumba and before I know it I am back at the library again.

Pinagpagan ko ang sarili ko para matanggal ang mga alikabok na kumapit sa akin. Nasa ganun akong posisyon nung biglang dumating si Ann Dee.

"Keira, saan ka ba nanggaling? Bakit ganyan ang itsura mo? Bilisan mo mala-late na tayo"

Hindi ako sumagot pero basta nya na lang akong hinila palabas ng mansyon. Pagdating namin sa labas, naghihintay na ang kotse na maghahatid sa amin sa school.

Tahimik lang ako habang lulan ng kotse. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. I felt sad because of what he said. Siguro nagseselos ako na may iba syang poprotektahan bukod sa akin.

"Keira, do you wan't to talk about what's bothering you?" Raven ask.

"Wala to, masama lang ang pakiramdam ko. Maya-maya lang wala na to"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-chapter dedicated to: khunfanny

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon