Chapter 2: Mistakes

350K 7.1K 243
                                    

Chapter 2
"A mistake will lead you to your death, sometimes"


The beat of the music is addicting, it beckons me to dance and forget all my inhibitions.

"Keira, umuwi na tayo, mukhang di mo na kaya, lasing ka na ohh!" Sigaw ni Ann Dee.

Sya ang matalik kong kaibigan at inimbita ko sya dito sa bar para samahan akong makalimot.

Tinungga ko ang iniinom kong alak at um-order pa ako ng isa. Sinubukan nya akong pigilan pero hindi ko sya pinansin.

"Ano bha kashi Ann dee dhi pha ko lashing!" Sigaw ko.

That did not come out right. Honestly speaking I am not drunk yet, alam ko pa ang ginagawa ko kahit medyo nahihilo na ako.

Pinagmasdan ko ang paligid, ang lahat ay nagpapakasaya, may mga nagsasayaw na parang baliw at meron ding umiinom lang ng alak sa isang tabi. Parang wala silang problema.

Hinawakan ko ang baso ko na may lamang alak nung hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

"Shi Sven"

Agad na tinignan ni Ann Dee ang direksyong tinitignan ko.

"Hindi naman si Sven yan ehh, kamukha lang, tsaka lampa naman yun eh, tignan mo nga yang lalaking yan mukhang astig at nakakatakot"

Nakaramdam ako ng kaunting inis sa sinabi nya. Hindi lampa si Sven, talagang mabait lang sya at hindi sya yung tipo ng taong mananakit ng kapwa nya para lang masabi na malakas sya.

Muli kong tinignan si Sven, mag-isa lang syang umiinom ng alak. Sa totoo lang gusto ko syang puntahan at tanungin kung bakit sya nakipaghiwalay sa akin pero natatakot ako na baka hindi nya ako ulit sagutin.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng alak habang tahimik na nakamasid sa kanya. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya kaya naman kitang kita ko nung may mga babaeng lumapit sa kanya. Tumabi sila sa kanya at lumingkis na parang sawa at hindi pa nakontento yung isa dahil bigla nya na lang hinalikan si Sven.

Dun na nagdilim ang paningin ko. Hindi na ako nakatiis kaya tumayo
ako mula sa kina-uupuan ko at lumapit ako sa kanila.

"Hoy teka nga lang, saan ka ba pupunta ha?!" Pigil sa akin ni Ann Dee.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na medyo nahihilo na ako at feeling ko lumilindol sa bawat paghakbang ko.

Huminto ako sa harapan nila at agad naman silang tumigil sa ginagawa nila. Puno ng pagtatakang tinignan nila ako pwera lang kay Sven na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

That did it, hindi ko alam kung anong kabaliwan ang sumapi sa akin, sinampal ko sya ng malakas.

"PAAAAAAK!"

Sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya, dahil kahit ako nasaktan sa ginawa ko.

"Manloloko ka!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Ang alam ko lang ay galit ako.

Kahit na nasampal ko na sya at kahit na nasigawan ko na sya, mukha padin syang kalmado. Hindi ko makita ang mga mata nya dahil natatakpan ito ng bangs nya pero nung hawiin nya ito dun na ako nakaramdam ng kaba.

Tama si Ann Dee, hindi sya si Sven. They may have the same face but they don't have the same eyes, this guy's eyes are dangerous.

I ran away. I ran just like what my instincts told me, I ran away from that place, away from the devil.

Nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya naman agad kong nilingon ito pero agad na napawi ang takot at kaba na nararamdaman ko nung makita ko na si Ann Dee lang pala ang nasa likod ko. Akala ko sinundan na ako ng taong 'yun'.

Tumigil lang ako sa pagtakbo nung masiguro ko na malayo na kami sa bar na yun. Hinihingal akong sumandal sa may poste, gayun din si Ann Dee.

"Grabe! Akala ko talaga kamatayan na natin!" Sigaw ni Ann Dee.

"Ikaw naman kasi bakit di mo ako pinigilan alam mo naman na palang hindi si Sven yun!" Ganting sigaw ko.

"Pinipigilan kaya kita, ikaw yung makulit dyan na ayaw magpapigil"

Tama naman sya, kasalanan ko talaga to eh. Tama sila, walang naidudulot na maganda ang alak. Oo, mabibigyan ka nito ng panandaliang saya pero sa bandang huli problema padin ang ibibigay nito.

THAT night I had the weirdest dream. I saw that person in my dream, but unlike in the bar na mag-isa lang sya, sa panaginip ko may mga kasama syang lalaki na naka-suit na black at lahat sila ay nakatitig sa akin.

Muli na naman tuloy akong nakaramdam ng kaba, isa ba tong pangitain?

******

⚜️

Author's Note:

-This chapter is dedicated to:
Mhine2316
MarjorieJaneNavarro.

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon