Chapter 9: Rage

263K 6.1K 200
                                    


Chapter 9:
"Rage. What an Intense Emotion"

Five days.

Five days of utter misery in these god forsaken room. A day more and I'll drop dead for sure.

Gusto kong lumabas! Kung hindi man ngayon, bukas o kaya sa susunod na mga araw! Tinotoo nya talaga yung sinabi nyang ikukulong nya ako dito, limang araw na pero hindi nya padin ako dinadalaw.

Anong klase syang asawa? Paano kung nabubulok na pala ako dito? Buti na nga lang at hindi ako nakakalimutang pakainin ni Chef Flint, breakfast-meryenda-lunch-meryenda-dinner-pre midnight snack walang palya ang delivery, may mga notes pa from Chef kung paano nya niluto ang mga ito. Buti pa si Chef mabait.

Natigil lang ako sa malamim na pag-iisip nung makarinig ako ng katok sa may pintuan. Tiningnan ko ang orasan, malapit na palang mag-alas dose, that only means one thing, time for lunch.

Hindi na nila hinantay na papasukin ko sila, basta na lang nilang binuksan ang pintuan. Ang akala ko yung nagmamagandang maid na naman ang maghahatid ng pagkain ko kaya medyo nagulat ako nung makita ko si Chef Flint.

"Chef Flint anong ginagawa mo dito?" tuwang tuwang tanong ko. Gusto ko din kasi ng kausap lalo na at nabuburyo na ako dito.

"Just visiting you plus I notice something on your last note to me, you seem depressed so I came to check up on you. What's wrong? You don't like the food?"

Nakakaiyak! Wala naman akong sinasabi sa notes ko na depressed ako pero nahulaan nya kaagad ang nararamdaman ko, hindi katulad nung asawa kong sa sobrang sama iniluwa na ata ng impiyerno.

"Okay naman po yung pagkain, sobrang sarap nga po eh. Nababagot lang po talaga ako dito, gusto ko po kasing lumabas"

He look at me with pity, then with a serious face he said something outrageous that made me jump in joy.

"Okay since you appreciate my cooking, I'll help you get out pero dapat bumalik ka din bago mag-six o'clock or else malalagot tayong dalawa kay Boss"

"Opo, babalik din po ako before mag-six syempre ayoko pong mapahamak kayo ng dahil sa akin!"

After ko kumain, pinagplanuhan na namin ni Chef kung ano ang gagawin. Simple lang ang strategy namin, magtatago ako sa ilalim ng cart na dala-dala nya then didiretso kami sa kotse nya.

When it is time, we put our plan into action. Nagtago ako sa ilalim ng cart, buti na lang at sakto lang ang laki ko doon. Then Chef Flint pushed it towards the door. After 15 minutes huminto ang cart at pinalabas ako ni Chef Flint mula sa pinagtataguan ko.

Nasa parking lot na kami at walang katao tao dito pero agad padin akong pinasakay ni Chef Flint sa kotse nya. Mabuti na lang at tinted ang salamin nito kaya hindi mapapansin na may tao sa loob.

He started the engine and he drove us out of the parking lot. I saw the big mansion, para syang mansion nung victorian era sa england, may fountain pa sa gitna ng circular drive. May rose garden at meron ding maze, everything is so elegant. Pero madaming men in black na pakalat kalat, mga bantay siguro, thankfully wala namang humarang sa amin so we got out without encountering any problems.

After an hour of driving in a vast pool of green wilderness unti unti ng nagiging familiar ang surroundings ko.

My husband's property lies outside the city, I even thought na nasa kagubatan kami kanina dahil puro matatayog na puno lang ang nadaraanan namin at wala pang kabahay-bahay. Iba talaga ang mayaman.

Pagkarating namin sa mall, binigyan ako ni Chef Flint ng black na cap at black na hoodie para maitago ko daw ang sarili ko in case of emergencies, pati na rin ng pera para daw may pang-gastos ako. Susunduin nya na lang daw ako mamayang alas singko dahil madami pa daw syang gagawin sa mansion.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon